Chapter 12: Unknown Number

18 4 0
                                    

Felix:

"Felix dear, di ko mahanap si Calix sa kwarto niya, pwede ba pahanap ako, maya maya kasi kakain na tayo" Pag kasabi nun ni Mama, hinanap ko agad si Calix sa buong bahay kaso wala nga siya, pero ang hindi ko pa na pupuntahan yung library

Pag kapasok ko sa library may narinig akong na singhot singhot, kaya hinanap ko kung saan yun banda, na kita ko si Calix na iyak sa gilid at mukha siyang white lady, nakaputing silk dress pa naman kasi

Nung lalapit na ko sa kanya bigla niyang sinampal yung mukha niya, kaya na paatras ako

Ano bang meron dito

"Kaibigan lang kasi tingin niya sayo! Wag ka ng umasang magugustohan ka niya, pero bakit grabe siya makatingin sakin, grabe din mag alala tas niyayakap niya ko na parang may sinasabi yung yakap na yun? Hay nako Calix! Ganun naman talaga kapag kaibigan eh! Ano ka ba Calix!"

Hayst parang engot tong dalawa, yung isa pinapabayaan yung sarili ito naman mukhang na aabno na

"Hoy! Nung ginagawa mo diyan?"

Bigla niyang pinunasan yung luha pati sipon niya na umabot narin sa baba niya kadiri tong batang 'to jusko

"May narinig ka ba?" Tanong niya sakin

Lumapit ako sa kanya at pinunasan ko maige yung luha sa mukha niya

"Kung yun ang gusto mo gawin ko kakalimutan ko yung manga sinabi mo"
niyakap ko siya at hinamas ko yung ulo niya

"Bat di kasi kayo mag usap ng maayos" pag kasabi ko nun tumingala siya sakin habang yakap niya ko

"Anong ibig mong sabihin kuya?"

"Bat ka ko di kayo mag usap ng maayos ni Aspen"

"Uh? Anong sinasabi mo kuya" Lumayo siya sakin at kitang kita sa muka niya ang pag kagulat

"Mag usap kasi kayo ng seryoso hindi yung puro asaran ang ginagawa niyo, tara na kakain na daw tayo sabi ni Mama"

"Tss"




Calix:

Pag katapos namin kumain bumalik na ko sa kwarto ko ng biglang nag ring yung phone ko kaya sinagot ko yun

      "Calix, good news! Na gustohan ni Eliah yung nerereto mo, kahit sinabi mo sakin na wag sabihin sa kanya ikaw nag rereto nun hehe, ayun maganda yung mood niya this past few days and! Nag uusap na sila ni Tito, balak narin siya kunin ni Tito kay Tita"

Magugustohan niya talaga si Aspen, ganun tipo niya ng lalaki...

       "Buti naman kung ganun, masaya ako para sa kanya, masayang masaya.."

       "Salamat Calix ha"

       "Tss yun lang, sige na baka hinahanap ka na nun"

       "Oo nga pala advance happy birthday sorry di ako makakapunta bukas wala tuloy akong gift sayo"

       "Ayos lang Faith basta samahan mo lang diyan si Eliah yun na yung gift mo sakin"

       "Osige na Calix bye bye"

      "Hmm"

Sana maging okay ka na Eliah...

Na higa na ko sa kama at nag basa ng libro kaso di ko maalis sa isip ko na ganun yung response ni Aspen sa sinabi ko kala ko magagalit siya sa ginawa ko kaso hindi

Bittersweet Tragedy (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon