Chapter 10: I Slept with Him

44 6 0
                                    

Tahimik kaming na kadating sa Caliraya, dumaretso kami sa floating cottage, malaki yung cottage at bandang gitna talaga kami na kapwesto kaya lalong gumanda yung view namin

"Labas muna kayong mga gentleman at mag bibihis kami hihi" nakangiting sabi ni Tita Rosalie

"Osige mag aayos na muna kami ng upuan para makapag umpisa na kami mangisda" pag kasabi nun ni Tito Reo
Inayos namin yung mga gamit ng biglang lumabas si Calix sa cottage at lumapit siya kay Felix

"Kuya may extra ka bang t-shirt?"

"Wala eh sakto lang na dala ko, bakit?"

"Pinipilit kasi ako ni Mama mag swimming kaso wala akong dinalang damit pang swimming pero may pinipilit siya isuot kong swimsuit kaso nahihiya kasi ako isuot yun"

Humarap sakin si Felix na para bang tinatanong ako kung meron ba akong extrang damit, umoo ako kaya ngumiti ito

"Meron daw extrang damit si Aspen, kay Aspen ka na lang mangheram hehe"

"Tss"

Lumapit sakin si Calix at tumingin sakin ng mabuti

"Alam kong narinig mo yung usapan namin ni kuya kaya paheram ako ng t-shirt"

"Osige wait lang"

Kinuha ko sa bag ko yung t-shirt at binigay sa kanya

"Thanks" Pumasok ulit siya sa loob kaya nag asikaso ulit ako


Nang matapos namin yung pag aayos lumabas sila Tita Kathleen ganun din si Mama huling lumabas si Calix at nakita ko na naman na namumula yung mukha niya

Ginawa niyang croptop yung damit ko at naka underwear lang siya sa pambaba

Tss dat pala pati short pinaheram ko siya!!

"Mahal itong si Calix oh, nahihiya na naman" sabi ni Tita Rosalie kay Tito Reo, tumawa si Tito Reo at umakbay kay Tita Rosalie

"Yaan mo na mahal"

Na gulat kami nang tumalon si Calix sa tubig at nag simula siyang mag swimming papalayo samin

"Gumaling narin pala mag swimming si Calix" nakangiting sabi ni Lola Tessa

"Opo tinuruan siya ng kuya niya kasi kailangan niya daw po yun sa grades kaso ayun nag pursige talaga siyang matuto"

Pag kasabi nun ni Tito Reo pumasok agad ako sa loob para mag palit narin ng short para makapag swimming narin hehehe

Wait me Caliiixx!!





Calix:

Kumakain kami ngayun ng tanghali at buti na lang di ako yung nagiging topic sa kwento kundi si Kuya hehe

"Oo nga pala sabi sakin ng Mama mo wala ka parin pala nagiging girlfriend apo?" tanong ni Lolo Jay kay kuya, kaya di namin mapigilan ni Aspen di matawa

"Wala pa po akong na pupusuan Lolo mas gusto kong mag focus muna sa pag aaral ko kasi mag tatapos na po ako ngayung year"

"Mabuti yan apo!" pag tapos puriin ni Lolo si Felix tumingin siya sakin

Mukhang alam ko kung sino na yung next na mapag uusapan

"Ikaw Calix wala ka bang na gugustohan?" na patingin ako kay Aspen kasi mukhang baliw makangiti parang ewan

"Meron po." pag bibiro ko

"Abay sino ba yan anak?" tanong sakin ni Dad

"Di niyo po kilala" pag katapos ko sabihin yun uminom ako ng tubig at umupo ng maayos

Bittersweet Tragedy (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon