Chapter 3

942 30 0
                                    

Chapter 3: Rex Dela Cruz

"Alam mo naman magluto diba?" Tanong ni Riley saakin. Medyo?

Tumango ako ngunit nagtanong pa rin pabalik, "Ako ba?" Ako ba ang nakatokang magluto?

Tinour niya ako sa kusina. "Sabi ni boss, ikaw daw ang magluluto." Huwaw! Siraulong lalaki yon.

Pilit akong ngumiti. "Pang-ilang tao ba?" Bwisit ka talaga, Tornado.

"Si boss, ako, ikaw, Rain, Sunny, Light, Dark, and Rex." Sabi niya habang nagbibilang gamit ang kanyang mga daliri.

Teka. Parang may kulang. "Venus." Sabi ko sakanya tapos tumawa siya.

Loka-lokang babae 'to, "Akala ko di mo napansin." Tumawa siya, "Bale pang nine pero ten nalang since baka gutom yung kapatid ko." So ako lahat ang magluluto?

Tumango ako at agad tinignan ang ref nila, oh. Ibababad ko nalang tong pork sa toyomansi para iprito ko.

So ayun na nga, habang binababad ko ay agad akong pumunta sa sala. "Si boss?" Tanong ko kay Rain na nakasandal sa may pintuan. Shunga ba siya?

Paano pag may nagbukas edi tigok siya? Straight to the floor ba ang nais ng fes niya? ChOuR

"In his room. May sign yung pinto niya. You'll know its his." Sagot niya. Okay, Rain. Lezgooooo!

Katapat ko ngayon ang pintong may nakaengrave na letter TCP.

It's his name initials. Tornado Carson Pierre.

Ah kung naguguluhan kayo kila Storm, half-brothers sila. Magkapatid sa ama.

Kumatok ako ng tatlong beses. Wala pa ring nagbukas kaya kumatok ulit ako.

"Boss, si Hana 'to." Matapos ng ilang segundo ay agad rin itong bumukas.

"Ay demonyong palaka!" Hindi ko maiwasang hindi mapalakas ang pagkasabi ko. Napatakip ako sa aking mga mata.

"Damn." Rinig kong bulong niya. Hindi ko pa rin tinatanggal ang aking kamay sa aking mga mata. He's topless! Sanay akong makakita ng katawan dahil sa mga kapatid ko pero ibang usapan ang katawan ng isang lalaking hindi ko kadugo!

"Do I look like a demon?" Tanong niya. Luh nagtanong ka pa? Malamang hindi, pero baka ugali? Medyo slight lang naman.

Umiling-iling ako. Naramdaman ko ang unti-unting paghiwalay ng aking kamay mula saaking mga mata.

"Kalabaw!" Napaiwas ulit ako ng tingin. Ngumiti ako habang pinapakalma ang aking sarili.

ANO BA, HANA? Katawan lang 'yan. Tsk, hindi naman nakakamatay yang— BAKIT KASI ANG GANDA NG KATAWAN NIYA?!

"Baby, masanay ka na. I'm comfortable with this." Mas ilinantad pa niya ang kanyang katawan.

Nakapikit akong tumango-tango.

"P-Pwedeng pumasok?" Nakangiti kong tanong at siya pa mismo ang nanghila saakin papasok.

Puti ang buong pintura ng kwarto. Ang lawak ng kwarto niya buset.

May veranda siya, walk-in closet, at bathroom. Hindi makalat ang kanyang kwarto. In fairness, boss.

Well... Torn's topless. And he doesn't care.

May tatoo pala siya sa left chest niya? Parang sentence. Ngayon ko lang napansin, dahil malamang sa malamang, ngayon ko lang ito nakita.

Tinitigan ko ang buo niyang katawan. Meron din siya sa may inner forearm niya.

Ngayon ko lang ito napansin dahil nang makita ko siya'y balot naman ito ng tela!

Lumapit siya saakin at nagsalita, "Baby, sabihin mo lang kung gusto mo akong kainin." Ngumisi pa siya, aba't ang hangin!

The Mafia ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon