Chapter 4

790 35 29
                                    

Nang makapasok ako sa kwarto niya'y mahimbing pa rin siyang natutulog. "Tulog mantika." Wala sa sarili kong sabi habang hinahaplos ko ang kanyang buhok.

Well tulog mantika siya as long as walang gagalaw sakanya, so I expect him to be awake, at nangyari nga ito.

Unti-unting bumukas ang kanyang mapupungay na mata at matamis niya akong nginitian.

"Umaga na ba?" Tanong niya na ikinailing ko. "Kain na tayo." Presinta ko sakanya.

Mukhang hindi pa niya nare-realize na unan ang kayakap niya. Nang makabangon ito ay dun lang niya napagtanto yun.

"The fuck?!" Bulaslas niya saka itinapon palayo ang unan, naikinatawa ko ulit. "Don't curse." Sabi ko sakanya.

"I went to cook, then I met Rex." Ikwinento ko sakanya ang nangyari. During that time, ready na siyang sugurin si Rex sa baba pero siyempre pinigilan ko ito.

Naalala ko ang sinabi ni Rex kanina, "ano sa tingin mo ang una kong gagawin kapag nakakita ako ng kalaban?"

"He's a great capo, boss. Even though kilala na niya ako, he didn't let his guard down." Sabi ko sakanya. Well, a part of me is convincing him not to get back at Rex.

Pero totoo naman 'yun. That's my first impression kay Rex. May paninindigan siya. Hindi madalig baliin kung ano ang pinaninindigan niya.

Bilib din ako sakanya dahil hindi siya natinag kila ate Light, at sa iba pa. Kung nasa posisyon niya ako nung time na yun, nakatutok na ang kanilang armas saakin ay ibaba ko na ang baril ko, lalo na kung isa sa mga kapatid ko ang may armas.

"Bilib ako sa loyalty ng mga tauhan mo, boss. Biruin mo kanina, kahit kapatid ni Riley si Rex ay nagawa pa rin niyang tutukan ito ng baril bilang pagprotekta saakin dahil alam niyang babae mo ako." Nakangiting sabi ko sakanya. Their loyalty towards their mafia is amaaaaayyyssssszzzinggg!

Gumuhit ang isang ngiti sakanyang labi, "Babae kita, dapat loyal ka saakin."

"Tauhan mo rin ako, boss." Kinindatan ko siya, "Loyal din ako sa mafia mo, pero mas magiging loyal ako sa'yo." Niyakap ko siya.

When I said that I'll love him the way God inspires me to do so, I'll definitely do it. "Mahal kita, boss." Mahina lang ang pagkakasabi ko pero alam kong narinig niya ito.

He stiffened and I felt it. Malamang sa malamang, magkayakap kami.

"Mahal na mahal din kita, baby." Hindi ko maiwasang hindi matawa dahil sa napagtanto ko. I felt my cheeks heat up, "Akin ka lang, Hana. Walang pwedeng umagaw sa'yo."

Boss baby? Eh movie yun ah. Hay nakooo, Hana. Tumino ka na please.

—•—•—•—

Magkahawak kamay kaming bumaba ni Tornado papunta sa dining area.

Nang makita ko sila kuya Dark at Venus na nakangisi kaya agad akong napabitaw kay Torn. Good thing hindi niya ako pinigilan.

"Hi, lovebirds!" Bati saamin ni Rain na kaagad na nagpaikot saaking mga mata.

"Hello rin, mokong!" Kumaway pa ako sakanya saka ipinakita ang aking kamao.

Kumpleto na sila. Sasabay silang bumati kay boss pero hindi pa rin sila inimikan ni loko. "It's good to see you alive, Sunny." Sabi niya sa isang babaeng mala-diyosa ang ganda.

Umaliwalas ang mukha ni Sunny nang makita niya ako. Ngumiti ako bilang bati pero nagulantang ako nang bigla niya akong hinila patabi sakanya.

Umalingawngaw ang boses ni Sunny sa buong dining. "ANG GANDA MO NAMAN SA PERSONAL! Teka, ikaw ba talaga yan? Alien ka ba? OH EM GEE, kuya Rain! Siya talaga yun? Ang cute niya noon tas ang ganda na.." hindi ko naintindihan ang sinasabi niya dahil ambilis nun at medyo pabulong na kay Rain.

The Mafia ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon