04|DARKNESS

145 79 112
                                    

"Sana okay lang ang mokong na 'yun." Sa isip-isip ni Kraken.

Lynch Han Wiley (POV)

Tahimik kong binabaybay ang daan pauwi ng bahay galing sa school ng walang lingon-lingon, wala sa sarili't bakas ang pagkainis. Eh kapag dinalaw ka nga naman ng kamalasan ay hindi ka nito uurungan at hindi ito pumipili ng oras o araw.

("Pare! Andyan na yung mayamang mayabang!")

Halos pabulong na sabi ng lalaki na tila nagtatago sa dilim ng eskinitang dinaanan ko ang aking narinig. I'm in a hurry kaya pinagwalang bahala ko lamang iyon. Ngunit, hindi ko maiwasang mapalinga-linga, naghahanap ng taong maaaring ang itinutukoy ng lalaking nasa kadiliman sa may eskinita.

Wala akong mahagilap na tao kaya ako'y napaisip, Mayabang? ako ba ang tinutukoy niya?

Humugot ako ng hininga at mas lalong binilisan ko pa ang paglalakad. Inshort, Lakad-takbo ang ginawa ko, nakaramdam na rin kasi ako ng hindi maganda.

Hindi magandang mangyayari.

Dahil sa ako'y nagkaroon ng pakiramdam na pagka- curious sa kung sino iyong lalaki ay nilingon ko ang eskinita. Gulat at pagtataka ang pumalit sa kyuryusidad na aking nadama ng mapagtanto kong wala ng lalaking tila nagtatago roon.

Maaaring sabihin niyo na napakalalaki kong tao pero duwag. Sa katunayan niyan ay ayoko talagang mapasabak sa gulo sa ngayon sa kadahilanang kaarawan ng aking ama at ayokong sirain ang araw niya.

Nagbaka-sakali akong tawagan ang cellphone number ni Dad hindi upang magsundo kundi para maalarma iyong mga lalaki kung sakaling ako nga ang tinutukoy nila at maaaring sinusundan.

"Hello Lynch, where are you? I told you to go home early. Hurry, I have a lot of person that I want to introduce to you." Bungad ni dad sa akin, ni hindi pa nga ako nakakaimik ay tila gusto ng putulin ni dad ang tawag ko.

"Look, I'm sorry dad.. nasiraan kasi 'yong kotse ko kaya napilitan akong maglakad." Pag- eexplain ko.

"Well if that so, why you don't call Junel so he can pick you up or else nagcommute ka nalang." Panenermon nito sa akin.

"Dad, alam niyo naman pong ayaw na ayaw kong nagco-commute hindi ba?"
Pagpapaalala ko sa kaniya na minsan na rin naming pinagtalunan.

Maarte na kung maarte basta ayokong magcommute. Maliban kasi sa halo-halong amoy ang nasisinghot mo ay siksikan pa.

"Alright, alright. Take care sa pag uwi. Bye." Pagpuputol niya sa maaaring kasunod ng usapan namin, marahil ayaw niyang masira ang mood niya at ganoon din naman ako para sa kanya.

I put my phone back inside my pants pocke and continue to walk when someone clutch me.

"Cellphone mo.. hold up to," Mahina ngunit nananakot na sabi ng lalaki at kung hindi ako nagkakamali ay ito ang mga lalaki sa eskinita.

"Ano bang kailangan niyo? Wala kayong mahihita sa akin." Matapang na sambit ko.

"Ah, talaga?" Singit nong lalaking kasama niya at kinapkapan ako. Kulang na lang eh maselang parte ng katawan ko ay kapkapan din ng mga loko. Hinalungkat din nila ang bag ko.

"Isang maling galaw mo lang, butas itong tagiliran mo! Kaya ibigay mo na sa amin iyang cellphone mo."

Hindi nila nakuha ang cellphone ko dahil sinadya ko talaga itong itago sa wrist ng jacket ko na hindi naman nila kinapkap. Eh sino ba namn kasing mag-aakala hindi ba?

Damang-dama ko ang talim ng isang bagay sa tagiliran ko at kahit anong oras ay tutusok at tutusok iyon sa loob ko.

"Hindi ako pwedeng magpanic! my mom gave it to me! And it's my dad birthday! What I'm gonna do now?." Pagtatalo ng isip ko.

"Oh itong cellphone ko." Sabay abot nito sa lalaking may hawak ng patalim.

Nang aabutin na nila ang cellphone ay agad kong siniko ang mukha ng lalaking may hawak na patalim na nakatutok sa akin at sinunod kong sipain ay ang hinaharap noong isa. Nagmukha akong si jackie Chan ng mga oras na iyon at noong makahanap ako ng tyempo ay mabilis akong tumakbo palayo.

"Hoy bata! bumalik ka dito!" Sigaw nito.

Kahit na hingal na hingal ma ako ay pinagpatuloy ko parin ang pagtakbo hanggang sa makahanap ako ng pwedeng mapagtaguan. Kahit nakapagtago na ako at ramdam kong malayo-layo na ako sa kanila ay pigil-hininga parin ako. Ayokong magpakampante muna.

Makalipas ang isang oras ay nagpasya na akong umalis sa pinagtataguan ko. Nakakailang hakbang palang ako ng may marinig akong isang malakas na putok na umalingawngaw sa gabing iyon at mga busina ng sasakyan.

Nahuli na kaya sila? Tanong ko na lamang sa sarili.

A/n: see ya next chapter🥰

SANDO GANGWhere stories live. Discover now