*3rd person's pov*
Matatapos na ang sports contest pero wala paring Bender na dumarating sa campus. Labis ng nag-aalala ang mga kaibigan niya lalo na si Pat. Inaabangan pa naman iyon ng lahat dahil kung sino mang magwawagi ay magkakaroon ng Scholarship sa school nila. Kaya naman labis ang pagtataka ng mga kaibigan ni Bender, alam nila kasing hindi ito pinapalagpas ng kaibigan.
"Nasaan na si Bender? The game was about to start." Nagtatakang tanong ni Jameson sa mga kaibigan. Tanging kibit balikat lamang ang tingin ng mga ito sa kanya.
"Wala din si Larry.. teka naiisip niyo ba ang naiisip ko?."- Lynch
"Hindi," natatawang tugon ni Kraken.
"Guys, it is not the time to make fun, okay?" Saway ni Pat dito. He sighed and turned.
"Where are you going?" Kraken ask with curiosity. Hindi nito sinagot ang tanong ng kaibigan at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Walang nagawa ang magkakaibigan kundi ang sundan si Pat. Sumakay si Pat sa kanyang Ferrari at dito narin nakisakay si Jameson.
"Do you think, he plan it?" Pukaw ni Jameson sa katahimikang nangingibabaw sa loob ng kotse ni Pat.
Nakatuon ang pansin nito sa kalsada. "No, he will not do that and we all know Bender, especially he knows that there's a competition."
Tumahimik si Jameson dahil alam niyang totoo ang sinasabi ng kaibigan. Marahil ayaw niya ang eksenang gumugulo sa utak niya.
_____
Pagkababa ni Pat ay nagmamadali itong kumilos at kumatok sa pintuan ng bahay nina Bender. Hindi naman sila pinaghintay ng matagal at pinagbuksan din sila ng isang may edad at kalmadong mukha ni Vet ang mama ni Bender. Base sa mukha nito ay wala itong ka alam-alam sa nangyayari. Nang makita ni Vet na hindi kasama ng mga ito ang anak ay nagtaka ito.
Ngumiti ito ng matipid at nagsenyas na pumasok. Pumwesto sila sa sala at hindi mapakali ang mga mata nito na napansin ni Vet."Ba-bakit? May problema ba? Nasaan si Bender?" Sunod-sunod na tanong nito. Bakas sa tono ng boses nito ang pagkatataka at pag-aalala. BAGO pa man tuluyang mag-alala si Vet ay sinimulan na ni Pat ang pagpapaliwanag kung bakit sila naroon.
"Kaya po kami naririto Tita ay sa kadahilanang hinahanap po namin si Bender. Matatapos na po kasi ang sports contest pero hindi parin siya dumadating. Hindi po kasi siya ganoon kaya nagpasya po kaming pumarito."
"Pero saan naman kaya nagpunta ang batang iyon? Wala naman siyang nabanggit sa akin na may contest, ang sabi niya lang ay may ime-meet siyang babae." Pagkukuwento nito na bakas ang pag-aalala.
"Babae? Hindi kaya si Nathalie iyon?"bulalas ni Kraken.
"Exactly! Tita maiwan ka po muna namin." Paalam ni Pat. Tumango si Vet tsaka isa-isang nagsitayo ang mga ito. Gaya nga ng inaasahan, naiwan si Vet na puno ng pagkabahala sa dibdib. Pinipilit niyang kumalma pero hindi niya magawa. Ayaw niyang mag-isip ng kung anong negative at baka himatayin siya ng wala sa oras, dumagdag pa siya sa problema.
_____
Chris Larry Morrison pov.
"Hayst, imbes na ayoko ngang pumasok sa school--- te-teka, tapos na ata ang competition. Hayst kainis! " Usal ko sa sarili. May katirikan na rin kasi ng araw kaya maagang tinapos ang competition.
Naglakad ako sa hallway. Nakakasalubong ko ang ibat-ibang grupo ng kabataan, masaya at kontento sa buhay. Kitang-kita sa mga labi at mukha ng mga ito.
Sumagi sa isip ko ang mga kabigan ko.
"Where they are? Hindi ko yata sila mahagilap" pagtataka ko.
Nilibot ko ang buong campus ngunit wala parin akong makita o makasalubong kahit isa sa kanila. Nagcelebrate na siguro sila wala pa naman kasing nakakatalo kay Bender.
Umiiling ako at huminga ng malalim.
"I'm sorry Larry, I think you need to know this."
Huminto ako sa paglalakad at hinarap si mommy.
"What is it?"
"I have cancer.... Stage 4. We spent our money for my recovery but it never worked until we decided to pledge our company to Mr. Lee para mabigay at mapunan parin namin ang mga pangangailangan dito sa bahay ng hindi niyo napapansin." Pagkukuwento nito na ikinagulat ko. Wala akong ka alam-alam na ang ginagasta ko pa lang pera ay mula na sa bulsa ni Mr. Lee? I can't believe this.
"You know how much he loves his only daughter and he was ready to give everything she want-
"...so he was making a way so that can marry her daughter? And it is ok with you that I will be the one who will catch all of your mistakes?"
Isang malakas na sampal ang ibinigay sa akin ni dad. He was very angry it was my first time see it so I was surprised.
"Ang lakas ng loob mong pagsalitaan ang mommy mo ng ganyan? Bakit , kung hindi namin ginawa iyon may mommy pa kaya kayong makikita? Magiging maayos pa kaya ang BUHAY niyo? Mararating niyo pa kaya lahat ng meron kayo ngayon? Hindi di ba? Your mom is my weakness and my strength if she leave me then I am nothing." Umiiyak sa galit na sumbat ni dad sa akin.
"Please stop." Pagmamakaawa ni mom sa amin, umiiyak na din ito. She reached me while kneeling, take my hand.
"I am sorry son, your right it was our fault."
"Honey! What are you doing?" Saway ni dad kay mom.
".. ni minsan ba dad naging inspiration mo kami sa paglago mo?" May hinanakit na tanong ko. Katulad ng inaasahan ko ay hindi ito nakaimik.
Hinawi ko ang kamay ni mom at tumalikod habang pumapatak ang mga luha.
"Okay ka lang Mr. Morrison?" Pukaw ni sir Gutierrez, Nathalie's adviser. Hindi ko kasi napansin na lumuluha na pala ako.
"Opo, pasensiya na po may naalala lang."
"Bakit nagbreak na kayo ni Nathalie?" Nakangisi nitong tanong.
I chuckled. "Hindi po," sagot ko.
"Ay ganoon ba?" Nahihiyang tumawa ito. "Sige maiwan na kita" nagmadali na itong naglakad pero hinabol ko ito para itanong kung nakauwi na si Nathalie.
"Hindi ko alam eh, pero hindi ko siya nakitang pumasok ng school." Tugon nito.
"Ah ok po. Salamat."
Ngumiti ito ng matipid tsaka tuluyang naglakad.
"Magkasama ba sila ni Bender ngayon? Hindi to maaari!" Tinakbo ko ang kinalalagyan ng kotse ko at pinaharurot ito ng takbo.
"I told you bender!" Sigaw ko sa loob ng kotse.
A/N: hello supporters! and silent readers ko diyan! Thank you sa pagbabasa. Labu.
See you next chapter..
YOU ARE READING
SANDO GANG
Teen Fiction"As the sun set over the bustling city streets, the Sando Gang sat on their favorite rooftop hangout spot, laughing and joking as they always did. But their perfect friendship is put to the test when they encounter a girl from their past, a girl who...