3rd Person's pov.
Magkasama na dumating sina Jameson, Kraken, Pat at Lynch sa hospital, ngunit mas makikitang si Pat ang nag-aalala. Huminto si Kraken sa paglalakad at biglang nagtanong na ikinagulat ng mga ito.
"Nagtapat ka nga, Pat. Ba-bakla ka ba?"
Bahagyang natawa naman si Lynch. "Anong klaseng tanong ba iyan kraken?" Nilingon niya si Pat at Jameson.
"Please sagutin mo na lang ang tanong ko." Curious na tanong niya.
"Hays, okay ka lang ba Kraken ha?" Aboridong usisa ni Lynch sa kanya.
Humakbang papalapit kay Kraken si Pat at tinignan ng tila nang-aakit. Natigilan si Kraken at naalarma ng maramdaman niyang unti-unting lumalapit ito sa kanya. Umatras si Lynch na palayo kay Kraken at binigyan niya ito ng space para tuluyang makalapit si Pat sa kanya."A-anong ginagawa mo?" Hindi makatingin na tanong niya kay Pat. Hindi siya umimik sa halip ay mas inilapit pa ni Pat ang sarili at yumuko ng bahagya malapit sa mukha ni Kraken, dahilan upang i-bend niya ang katawan hindi lang magkadikit ang mga mukha nila.
"Ano sa tingin mo?" May kapilyuhang tugon ni Pat tumawa ng marahan saka nag-angat ng ulo.
Itinuwid ni Kraken ang katawan at nakita pa ito ng mga kaibigang napalunok. Umiwas siya ng tingin. "Ah, pumunta na tayo kay Bender."
Tumalikod na ito at nagmamadaling lumakad.Umiiling si Pat na nagsalita. "Iyan ang mga senyales ng mga chic boy, kahit lalaki napagkakamalan ng babae." Nagtawanan ang mga ito dahil sa sinabi ni Pat habang naglalakad.
Ilang saglit pa ay narating na nila ang kwarto ni Bender. Sabay silang tatlong pumasok at nadatnan nilang nakaupo na sa sofa si Kraken. Nakaramdam ito ng pagkailang kaya dumistansya ito, pero madaling makaramdam si Bender kaya agad niya itong pinuna.
"May problema ba?" Palipat-lipat siya ng tingin sa apat niyang kaibigan na parehong naghihintay kung sino ang sasagot.
"Kilala ko kayo, kaya sabihin niyo na kung anong problema." Pamimilit niya.
"Wala namang problema-" halos magkasabay na tugon ni Kraken at Pat. Kumunot ang noo niya pero natawa lamang sina Lynch at Jameson.
Tumingin si Pat kay Kraken na tila ayaw magsalita kaya nagpasya siyang siya nalang ang magpaliwanag.
"Wala namang problema Bender, napagkamalan lamang ako ni Kraken na bakla."
Natawa si Bender sa narinig. Gusto niyang humalakhak pero mas pinilit niyang pigilan iyon.
"I'm sorry, it's all about curiosity" paliwanag ni Kraken.
"Hmm, I think alam ko kung anong curiosity iyan." Patuloy ni Bender.
"Just.. forget about it. It was sounds embarrassing. Iritang pigil ni Kraken at baka saan pa mapunta ang usapang iyon.
"Maiba ako, nakita ko yung daddy ni Hannie sa lobby. Anong ginagawa niya dito?" -Jameson
"Nasa ER si Hannie. Dahil siguro iyon sa tension kanina." Paliwanag ni Bender.
"What do you mean?" -Lynch
"Nalaman naming si Hannie ang may pakana ng kidnapping. Pero ang ikinatataka ko ay walang alam si Hannie sa pangyayari iyon."
YOU ARE READING
SANDO GANG
Teen Fiction"As the sun set over the bustling city streets, the Sando Gang sat on their favorite rooftop hangout spot, laughing and joking as they always did. But their perfect friendship is put to the test when they encounter a girl from their past, a girl who...