Larry's pov.
Tatlumpung minuto na ang nakakalipas ngunit tila walang balak magsalita sa pagitan ni Larry at ng kanyang ina. Ngunit, bakas sa mukha ni Larry ang pagkagulat at pagtataka. Hindi niya din kasi maisip na ang kanyang ina ang dahilan kung bakit tuluyang lumayo sa kanya si Nathalie.
"Kailan mo balak magpaliwanag, mom?" Pagbasag ko sa katahimikang namamagitan sa amin ni mommy. Hindi ito makatingin ng diretso sa akin at tila hindi pa ito handang magpaliwanag.
Hindi parin ito umiimik kaya inunahan ko na. "Kailan pa ito nagsimula? Ang pilit na paglalayo mo sa amin ni Nathalie."
Nakatungo lamang ito. "Noong malaman kong anak siya ni Nancy, Nathalie's mother. " Dire-diretsong tugon nito.
"Nancy?" Pag-uulit ko sa pangalang ibinanggit niya. Hindi rin kasi sa akin pamilyar ang pangalan nito, ni hindi nga nabanggit sa akin ni Nathalie na may mama pala siya. I thought, she had a broken family.
"Nancy is my mortal rival to your father," natawa siya sa sinabi niya at umiling." She is your father's first love." at sumeryoso din.
"Kaya ba nagpakalayo-layo sila upang iwasan ka?"
Tumango-tango ito at sinimulan na nga niya ang pagkukuwento.
"Simpleng babae lang si Nancy. Hindi mayaman hindi rin mahirap ngunit hindi pa naghangad si Nancy na maging yumaman at kontento siya sa buhay niya which is the reason why your father badly inlove to her."
"...and that is the reason why I love her so much." Sa isip-isip ko.
"That's why even I did everything.. he will never love me and..." Nag-angat ito ng ulo at sinusubukang pigilan ang pagbagsak ng mga luha niya habang unti-unting binabalikan ang minsang alala na hanggang sa ngayon ay nakatatak parin sa utak at puso niya.
Hinaplos ko ang kamay ni mommy. Gusto ko na lang siyang pigilan na h'wag na lamang ipagpatuloy ang pagkukuwento niya pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.
"When I heard that she is pregnant at si Larry ang ama. Nang matuklasan ng lolo mo ang bagay na iyon ay sapilitang ikinasal kami, kinabukasan. Nagulat ako pero kalaunan ay natuwa." Maikli siyang tumawa.
"Sino ba naman ang hindi matutuwa kung ikinasal ka sa taong pinapangarap mo lang at pinagbubuntis na rin kita noon. Matapos ang kasal ay binantaan sila, kung hindi sila aalis ay sakuna ang aabutin nila. Kaya sa takot ni Nancy para sa anak ay nagpasya silang magpakalayo."
Pansamantala akong natauhan sa sinabi ni mom kani-kanina lang.
"Wait, they had a baby?"
Tumango lamang si mommy at tuluyan na siyang napaluha. "At si Nathalie ang batang iyon" walang preno niyang tugon.
"You mean, she's my... No, no way!" Singhal ko rito.
"She is your half sister. Kaya pilit ko kayong ipinaglalayo." Paliwanag niya.
YOU ARE READING
SANDO GANG
Roman pour Adolescents"As the sun set over the bustling city streets, the Sando Gang sat on their favorite rooftop hangout spot, laughing and joking as they always did. But their perfect friendship is put to the test when they encounter a girl from their past, a girl who...