11|THE DARK CHOCOLATE

69 39 19
                                    


Nathalie Grace Clementine pov.

*Nagtatawanan*

Ang sakit ng leeg at likod ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Boses ng mga lalaki na nagtatawanan ang naririnig ko.

Nasaan ako?

Bakit nakagapos ako?

May takip ang bibig ko.

Bakit wala akong maalala?

Wala akong makitang bintana ang tanging nagbibigay liwanag lamang ay ang sinag ng araw na nanggagaling sa mga butas ng bubong.

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Baka marinig nila kasi ako at pumunta sila dito. Agad ay pinanghinaan ako ng loob.

Paano na ako makakaalis sa impyernong kinalalagyan ko?

Nakatali ang kamay ko mula sa likod ng lubid kaya naisipan kong kunin ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko. But sad to say, wala na iyon dito. Marahil ay nasa mga lalaking nagtatawanan ang cellphone ko.

Ano bang balak nila sa akin?

Bakit ako nandito?

Papatayin ba nila ako?

Narinig kong may mga naglalakad papasok sa silid na kinaroroonan ko. Nagpanggap akong tulog at walang malay para hindi nila mapunang gising na ako.

Nakaramdam ako ng presensiya at unti-unti itong lumalapit sa akin. Tumawa ito ng marahan at hinaplos ang aking buhok.

[Give it to her, I want to talk that bitch!]

"Eh, natutulog pa siya ma'am eh,"

[Bobo ka ba? Eh di gisingin mo!]

"Okay sige po ma'am."

Subukan nitong alugin ang katawan ko pero nagmatigas ako at nagpatuloy sa pagpapanggap na wala pang malay.

"Ayaw pa talaga maam-

[You son of a bitch! Ilang dozen ng drugs ba itinutok nito sa kanya at hindi parin magising ang impokritang babaeng iyan?!"]

"K-----"

[I need to talk to her right now bago ko siya ipalapa sa inyo!]

Ipalapa? Mga aso ba tong nasa harap ko?

"Okay masusunod, basta ang usapan natin.. laman at papel."

[Whatever!]

Naputol ang pagpapanggap ko ng buhusan ako ng tubig. Nagsigawan ang mga lalaki sa harap ko at nagtatawanan wariy mga hayuk sa laman. Hindi na magmayaw ang kaba ko dahil sa dumikit na sa balat ko ang suit kong polo at bumakat ang bra ko na suot.

"Tubig lang pala katapat eh! Gising na ma'am." Sabi nito sa kausap sa telepono itinanggal nito ang takip sa bibig ko at inilapit ang telepono sa tenga ko.

SANDO GANGWhere stories live. Discover now