Chapter 11

58 5 3
                                    

Chloe's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chloe's POV

Nagmadali kaming nagtungo ni Jess kung saan dinalang police station si Joshua. Naabutan pa namin sa may lobby sina Lloyd at Kate.

Si Vin, Bryal at Cindy daw bumili ng pagkain.

"Jess, Chloe, bakit ganyan itsura niyo?" Nagtatakang tanong ni Lloyd.

"Hindi si Josh ang killer." Diretsyong sabi ko.

"Ha? Bakit?"

"Look." Ipinakita ko sa kanila ang retrieve messages galing sa phone ni Jess at yung kumalat na messages ni Josh at Sir Treaty.

Hinanap ko kaagad si Tito Zac para ipakita ang nalaman namin.

"Wala naman nag kaso kay Josh, kahit ang school officials niyo ay hindi nagsampa ng kaso. Kaya makakalabas si Josh mamaya. Kailangan ko lang ng pirma ni mommy niya. Pero idadagdag ko 'iyan sa ebidensya sa kaso ni Sir Treaty. Ibigay mo ang copy sa'akin mamaya."

Nakahinga kami ng maluwag pagkatapos namin malaman 'iyon.

"Pero under investigation si Josh, kaya nasa selda muna siya." Sabi pa sa'amin ni Tito.

Tumango kami at bumalik sa lobby. Eksakto naman na nagmamadaling pumasok ang mommy ni Josh. Kaagad niya akong nakita.

"Chloe, nasaan si Josh?"

"Hi, Tita. Nasa loob po. Tawagin ko po si Tito Zac." Sabi ko at nagmadali 'kong tinawag si Tito.

Mabilis lang naman ang proseso at nakalaya si Josh. Dumating na rin sina Vin, Cindy at Bry.

"Sige na mommy, susunod ako sa sasakyan." Narinig 'kong sabi ni Josh kay Tita.

"Okay lang ba si Tita?" Tanong ko. Tumango si Josh at ngumiti sa akin.

Pinaliwanag ni Jess kay Josh at sa iba ang mga natuklasan namin.

"Are you sure?" Tanong ni Joshua. "Eh paano natin matrace kung nasaan yung missing phone ko?"

"I think I can do something about that. Pero nasa bahay kasi yung tracking computer ko." Sabi ni Lloyd.

"Bro, meron ka 'nun? Grabe mahal 'iyun!" Sabi ni Bry kay Lloyd.

"Tracking computer? What's that?" Tanong ni Kate.

"Pwede natin idetect kung nasaan yung phone. Pero mahihirapan tayo dahil sure ako after ikalat niyang killer yung conversation, eh tinapon na niya ang phone ni Josh."

"Sure ka? Baka hindi pa." Sabi ko.

Tumango si Lloyd, "I'll try. Don't worry."

Kate's POV

Nagpunta kami sa bahay ni Lloyd. Inasahan na namin na malaki ang bahay nila dahil may kaya din talaga sila.

"Ganda ng bahay niyo, Lloyd." Nakangiting sabi ni Cindy.

The Mysterious Case of Mr. Treaty (Published Under TDP!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon