Chapter 16
[Ang nakaraan ni Kate]
Isa akong simpleng estudyante sa unibersidad na ito na kumukuha ng kursong financial management. Hindi ko gusto ang mag-aral ditto dahil sa tingin ko ay wala itong ibubuga kumpara sa ibang skwelahan. Ngunit dito ako pimasok ng magulang ko.
Nakilala ko sa isang minor subject ang mga kaibigan ko at si Bella ang pinaka naging malapit sa akin. Parehas kami ng hilig sa halos lahat ng bagay.
Isang gabi, nagkayayaan kaming magpunta sa school para mag ghost hunting.
Si Vin ang nangunguna dahil siya ang pinaka matapang sa aming magkakaibigan. Sumunod si Josh na mas may alam ng pasikot sikot ng school. Si Chloe ang sumunod at Jess. Si Bella, ako, Cindy at si Bry naman ang nasa likuran. May hawak kaming tig-iisang flash lights.
Dumaan kami sa saradong mga classroom sa unang palapag. Nagtatakutan na nga si Jess at Chloe dahil may naririnig daw sila. Hindi naman kami naniwala ni Bella dahil parehas kaming hindi takot sa multo.
Umakyat kami sa second floor at napadaan kami sa mga laboratories. Wala naman kaming kakaibang naramdaman. Nagtatawanan pa nga kami ni Bella dahil mas natatakot pa si Bry kesa sa amin. Na-iimagine daw niya kasi na may humahawak sa paa niya.
Umakyat kami sa third floor. Dito naka-assign ang ilang majot subjects ko kaya alam ko ang daanan. Dito rin ang faculty room.
Nagtatawanan pa kami ni Bella dahil tinatakot namin si Jess nang biglang magbukas ang pintuan ng faculty room. Halos mahimatay si Chloe at Jess sa takot.
"Students! Anong ginagawa niyo?!"
Napaangat kami ng tingin at nakita namin doon si Sir Eduardo Treaty. Ang professor naming magkakaibigan sa minor subject.
"Sir pasensya na. Nagkatuwaan lang po kami na mag ghost hunting. Hindi na po mauulit." Sabi ni Josh sa kanya.
Tumalikod na kami para bumaba sana pero tinawag niya kami ulit. Pinapunta niya kami sa auditorium at pinaupo. Akala namin ay pagagalitan niya kami pero kinonek niya ang laptop niya sa projector na nasa harapan.
"Manood kayo at pag-isipan niyo ang nangyayari."
Lumabas sa video ang isang birthday party. Isang children's party. May mga bisitang dumarating na. Mukang ginanap ito sa isang private na function hall.
"Yung lalakeng nakadilaw ang biktima." Napatingin kami kay Sir sa sinabi niyang 'iyon.
"Biktima? Wait! Is this a crime scene?" Tanong ni Chloe. Hindi siya pinansin ni Sir at nagpatuloy kami sa panonood.
Tinitigan ko maigi ang nakadilaw na lalake. May kasama siyang batang edad sa tingin ko nasa anim o pitong taon. Binati sila ng sa tingin ko naman ay ang magulang ng may birthday. Kinamayan siya nung tatay ng may birthday.
Susunod na scenario na ay nasa loob na sila at nagsisimula na ang party. Naka-upo lang ang nakadilaw kasama ang ibang mga tatay. Binigyan siya ng alak nung lalakeng nag se-serve mula sa catering.
Makalipas ang ilang minuto ay tumayo ito at nagtungo sa banyo. Nakita 'pang nagpunas ito ng tisyu sa mukha at itinapo sa basurahan. Pagkatapos ay bumalik lang din sa upuan niya.
Napakunot noo ako dahil bigla siyang humawak sa dibdib niya. 'Tila parang hirap ito huminga. Napahawak siya sa lamesa. Makikitang tinanong pa siya ng katabi niya. Ilang sandal lang ay nakitang naduwal ito at nahulog na sa kinauupuan. Nagakagulo na ang lahat at natapos na ang video.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Case of Mr. Treaty (Published Under TDP!)
Misterio / SuspensoNOW AVAILABLE ON BOOKS! Visit TDP Publishing House on Facebook! Year: April 2021 After the death of Mr. Treaty, the hidden investigatory group of the school is revived. They thought that the death case is the only case they will solve but only to f...