Chapter 14

71 3 0
                                    

Lloyd's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lloyd's POV

Ano ibig sabihin nito? Thirty-seven? Nagkataon lang ba na parehas yung nasa riddle at yung plate number o talagang ito yung tinutukoy?

Bumalik ako sa bahay kung saan naka park ang sasakyan ni Mr. Treaty. Pinapasok ako ni Manong Wawi, yung bagong may-ari na nakilala ko na rin nung unang punta ko rito.

"May kukuha na ba nung sasakyan?" Tanong niya sa akin habang inaalis yung cover nung sasakyan.

"Wala pa po. Under investigation pa po kasi ito, kaya hindi pa maisalin sa pangalan ni Jess." Sagot ko sa kanya.

"Talaga? Eh bakit sabi nung babae na pumunta dito kanina, kukunin na yung sasakyan?"

Napakunot noo ako. "Po? Sinong babae po? At sinong kukuha daw?"

Napaisip si manong saglit. "Hindi ko natanong pangalan niya, iho. Basta alam ko maputi siya at medjo singkit. Mahaba yung buhok, mga hanggang baba ng balikat."

Wala sa aming magkakaibigan ang singkit na maputi. Impossible na si Kate 'iyon dahil mas mahaba doon ang buhok niya. Si Cindy naman ay maigsi ang mga buhok. Si Chloe naman at Jessica ay halos parehas na kulot na mahaba.

Nilabas ko ang litrato nilang magkakaibigan. Nakita ko 'iyon noon sa social media ni Vin.

"Nandito po ba yung nagpunta dito?"

Umiling kaagad si manong. "Wala hijo. Sigurado ako na wala sa mga 'iyan. Kasi yung babaeng 'iyun, may peklat siya sa mukha niya. Maliit lang pero mapapansin mo sa malapitan."

"Anong klaseng peklat po? At saan banda?"

"Sa may kanang pisnge. Mga anim na tahi lang siguro iyon. Parang aksidenteng nahiwa. Parang ganoon."

Napakunot noo ako.

Sino ka? At bakit gusto mo ipakuha ang nag-iisang ebidensya kaugnay sa mga nangyayari?

KILLER'S POV

Pumasok ako sa school ng naka-ngiti.

Mga inutil talaga mga kaibigan ko. Parang gusto ko nalang umamin sa kanila kasi naiinip na ako. Ang dami dami ko ng clue na binibigay pero ayaw pa rin nila akong ituro.

Nagtungo ako sa may cafeteria. Bumili ako ng pagkain ko at aksidente akong nabangga nung babaeng naka-tourism uniform.

"Sorry po." Sabi niya at ngumiti siya akin.

Napatitig ako sa kanya ng ilang segundo dahil may kamuka siya.

Isang mukang pilit 'kong kinakalimutan.

"Isay! Kasali ka na ba sa photo journalism?" Napalingon kami parehas nung babae dahil may biglang sumulpot pa na isa 'pang naka-tourism na uniform.

Umiling yung kaninang nakabangga sa akin, "Hindi pa. Nahihiya kasi ako. Hindi naman ako magaling at isa pa, ang dami 'ko ng sinalihan na club."

The Mysterious Case of Mr. Treaty (Published Under TDP!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon