Chapter 13

43 4 0
                                    

Lloyd's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lloyd's POV

Impossible!

"Kelan pa po nandito yung sasakyan?"

Nakakunot noo akong naghihintay ng sagot mula sa lalakeng nagpapasok sa akin kanina.

"Nung lumipat kami around two years ago, wala pa dito yung sasakyan. Tapos one time nag bakasyon kami sa Canada, mga two weeks kami doon. Tapos pagdating namin meron na yung sasakyan sa likod."

"Hindi niyo po ba alam kung sino ang naglagay?"

"Tinanong ko yung dating may ari, nakalimutan niya daw kunin pero hindi naman na niya binalikan."

"Eto po ba yung napagtanungan niyo noon?" Naglabas ako ng litrato ni Sir Treaty para ikumpira kung siya ba ang may-aring nakita noon.

Tumango siya, "Oo. Medjo matanda na siya diyan sa litrato pero naalala ko na siya 'iyan dahil sa nunal niya sa kanang sintido."

"Sige po salamat. May isa pa po akong tanong."

Tumago siya sa akin, "Ano 'iyun?"

"Hindi na po nakatira dito yung may ari ng sasakyan nung naiwan niya ito dito, di ho ba?"

"Oo, hindi na. Kami na nakatira noon."

"Paano ho siya nakapasok sa gate niyo para mailagay yung sasakyan niya kung matagal ng hindi na siya ang nakatira?"

Napakunot noo yung lalaki, "Naisip ko rin 'iyan noon iho pero ang sabi niya ay lasing siya noon at akala niya dito pa rin siya nakatira."

Napatingin ako sa may sasakyan. Hinawakan koi to at puno na ng alikabok.

"Matagal na po 'bang dilaw ang kulay nito?"

"Oo ganyan na 'iyan simula pa noon."

Tumango ako at nagpasalamat.

Sinabi naman niya na tawagin ko lang siya sa loob kapag may kailangan pa akong itanong.

Napatitig lang ako sa sasakyan.

Hindi ko alam ang paniniwalaan ko. Ibang sasakyan lang ba yung sinasabi ni Kate? Nagkataon lang ba?

Pero kung si Kate nga, ano naman ang motibo ni Kate sa pag patay kay Sir? Ang alam ko ay close sila ni Sir dahil kay-

Then, I remembered something.

When I started stalking Bella kasi may crush na ako sa kanya noon, Naalala ko that Kate and Bella are attending some seminars in Baguio City.

Naalala ko pa na sinabi ni Bella na gagamitin daw nila yung sasakyan ni Sir para papunta doon.

Umayaw pa noon si Kate kasi nakakahiya daw kay sir, pero sa huli ay napapayag na rin ni Bella si Kate.

Pero that was like 4 years ago.

Is it really coincident na parehas kami ng car ni Sir?

Pero kung hindi?

The Mysterious Case of Mr. Treaty (Published Under TDP!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon