Chapter 15
Cindy's POV
Dinilit ko ang mga mata ko dahil ramdam na ramdam ko yung lamig sa hinihigaan ko.
Nasaan ba ako?
Nang maidilat ko nang husto at mag-adjust ang paningin ko sa dilim, nakita ko na nasa isang malamig na kwarto ako. Nakahiga ako sa sahig habang nakatali ang dalawang kamay ko sa likod, pati na rin ang mga paa ko. May duct tape rin ang bibig ko kaya hindi ako makasigaw.
Kinabahan na ako dahil ang huling naalala ko ay kasama ko si Vin at nakita naming parehas ang cctv mula sa labas ng apartment nung pinatay na estudyante. At si Kate ang killer.
Pinilit 'kong alisin ang tali sa kamay ko pero masyado itong mahigpit. Nasusugatan lang yung kamay ko kaya mas lalong sumasakit.
"Hi, Cindy."
Kinilabutan ako at napatigil nang marinig ko ang boses na 'iyon mula sa likuran ko.
"Hindi mo ako nahulaan 'no?" Sabi nito bago ito malakas na tumawa. Naririnig ko na papalapit na siya kung nasaan ako. May kung anong bakal siyang kinakaladkad papalapit sa akin.
Nang tumapat ito sa likuran ko ay tumigil siya. Pinakiramdaman ko pero napakatagal niyang nakatayo lang doon. Mas kinabahan tuloy ako.
Pinilit 'kong alisin ang pagkakatali sa kamay ko pero hindi talaga maalis. Nagsugat lang yung kamay ko kaya napasigaw nalang ako sa isip ko.
Tumawa ito ng malakas na ikinagulat ko, "You look funny, Cindy." Naglakad ito papunta sa harapan ko. Naka suot siya ng itim na hood at doon ko mas lalong na kompirma na siya nga ang may ari ng boses.
Si Vin.
Nangiginig ako habang tinitignan ang mukha niya. Halos magpalpitate na ako sa lakas ng kabog ng dibidb ko nung makita ko na ang bakal na hatak niya ay isang kadena na sa dulo ay may iron ball na ginagamit nung killer sa pagpatay.
"Surprise!" Ngumiti siya sa akin.
Napakurba ako dahil sa sakit nang bigla niyang hinatak ang duct tape na nasa bibig ko.
"Walang hiya ka! Ikaw pumatay ng lahat?! Paano at bakit mo nagawa ito Vin?!" Sigaw ko sa kanya.
"Oh, wag ka magalit. Hindi naman kita sasaktan. Hindi ko dudurugin ang bungo mo katulad nung iba." Sabi niya at muli siyang tumawa. Kinilabutan ako sa mga pinagsasabi niya.
"Pinatay mo si Miya!" Nanginginig 'kong sinabi.
Napaiyak ako dahil naalala ko na siya ang kausap ko nung nakilala ko si Miya. Siya rin ang pinagsabihan ko na may ebidensya si Miya sa cellphone niya. Naawa ako kay Miya. Takot na takot siya. Akala niya matutulungan ko siya pero mas nilapit ko pala siya sa kamatayan niya.
Napahawak si Vin sa pisnge niya na para 'bang nag-iisip siya kung sino ba si Miya. Pagkatapos ay ngumiti siya at pumalakpak.
"Oh, the second year! Yeah right, she's a good actress though. Akalain mo na ang galing niya um-acting sa harap ng camera. May future sana 'iyon kaya lang ang ingay lalo na yung kapatid niya na grade four."
Nagpumiglas ako sa tali dahil gusto ko siyang saktan sa mga pinagsasabi niya. Walang puso! Demonyo ka Vin! Paano niya nagawang patayin ang mga inosenteng tao?!
"Ikwento ko sa'yo yung nangyari, gusto mo?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sumigaw ako para patigilin siya. Natatawa lang siya sa akin dahil alam ko na kikita niya kung gaano ako kagalit at katakot.
Nag indian seat siya sa harap ko. Nakangiti siya sa akin habang pinagmamasdan ako. Tinitignan ko lang din siya ng masama. Hindi ako makapag salita dahil baka pagnagkamali ako ay isunod na niya ako sa mga pinatay niya.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Case of Mr. Treaty (Published Under TDP!)
Mystery / ThrillerNOW AVAILABLE ON BOOKS! Visit TDP Publishing House on Facebook! Year: April 2021 After the death of Mr. Treaty, the hidden investigatory group of the school is revived. They thought that the death case is the only case they will solve but only to f...