Lloyd's POV
"Hindi ako naniniwala na si Jessica ang killer." Sinundan ako ni Chloe hanggang sa bahay. "Lloyd!" Kinabig niya ang balikat ko, dahilan para matulak ko siya.
"Sorry," Inalalayan ko siyang tumayo. "Bakit ba kasi hanggang dito sinundan mo pa ako? Si Jessica ang killer—"
"Naniniwala ka na kayang gawin 'iyon ni Jess? Yes, maybe she lied to us about Sir Treaty. Pero killing other people and your dog?" She shook her head, while tears are falling into her cheeks. "Lloyd, its not Jessica. It's someone else."
"Then, sino?" Tanong ko sa kanya. "Tell me kung sino. Alam mo ba kung sino? Kung hindi si Jess, then who the hell killed everyone and my poor dog?"
Napaiyak nalang siya habang umiiling.
Hindi ko rin alam. Ang gulo gulo ng isip ko. Yung aso ko!
Ayaw ko rin naman isipin na si Jess 'iyon dahil kilala ko naman siya noon pa. Matalino at masipag si Jessica. Mabait siya at talagang maasahan katulad ng daddy niya na si Sir.
Pero hindi rin maalis sa isip ko na pwedeng si Jess dahil may posibleng dahilan siya at malaking parte 'iyon kung saan nagsimula lahat ng gulong ito.
"I'm sorry about your dog but please wag na tayo mag sayang ng oras at araw, Lloyd. I'll help what ever it takes to find the killer."
Napakunot noo ako sa kanya.
Napansin ko kasi na she's defensing Jess to much. Hindi pa naman ako nagsampa ng kaso kay Jess. We just told Tito Zac kung anong nangyari kaya nasa investigation room lang si Jess.
"Bakit ba parang pinagtatanggol mo si Jessica? Are you hiding something? Are you the killer?"
Napatigil siya bigla at sinamaan ako nang tingin, "Huh? If I'm the killer, then I'll kill you not your dog."
Napakagat ako sa labi ko. Naalala ko na naman yung aso ko!
"Sana nga ako nalang pinatay kesa yung aso ko. Bwiset!" Napasuntok ako sa may gate.
Napahinga ako nang malalim. Minasahe ko ang sintido ko dahil pakiramdam ko sasabog na ito sa sakit.
"Calm down--" Napatigil si Chloe dahil may tumawag sa telepono niya.
Lumayo ito ng bahagya sa akin.
Ako naman ay tinignan ko lang ang mga ulap sa langit.
Sa totoo lang, I don't think Jessica did that.
Para lang kasing it's all connected to her.
The first target is her dad. Then si Kenneth. And everything follows.
Kung iisipin, she has the biggest motive to kill. But I don't get the exact feeling. I also think that there is something beyond this.
Napatigil ako sa pag-iisip dahil nagpa-panic si Chloe ng maibaba niya ang phone niya.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Case of Mr. Treaty (Published Under TDP!)
Mistero / ThrillerNOW AVAILABLE ON BOOKS! Visit TDP Publishing House on Facebook! Year: April 2021 After the death of Mr. Treaty, the hidden investigatory group of the school is revived. They thought that the death case is the only case they will solve but only to f...