[3] The Talk

57 19 0
                                    

Alam niya sa sarili niya kung ilang beses niyang naisip ang sariling kasama si Psalm at magkaroon ng anak, pero hindi niya naisip na sa ilang taon na hindi niya ito nakita ay nagkaroon na ito ng pamilya.



What if I told him yes that day? Are we also going to be like them? Masaya kaya siya if ako yun at baby namin ang karga niya? Yan ang tanong na nakatatak sa isip niya habang nakatingin kina Psalm.



Totoo nga talaga yung sinasabi nila na mararamdaman mo lang na mahal mo ang isang tao kapag nawala na sila sayo, and its painful, because all that she can do for now is love him from afar.



Before she can even get more emotional she looked away, not knowing that Psalm looked at her direction. She's scrolling her phone when someone sat beside her, akala niya kung sino pero si Mariae lang naman pala. Masyado siyang naging focus sa paggamit ng phone, kung hindi lang siya kinurot ni Mariae ay hindi niya ito papansinin.



"Bakit? Boarding na ba tayo?" tumingin siya sa paligid para makita kung flight na nila. Nang mapatingin siya sa kaharap na upoan nila, there she saw Psalm sitting highly together with the kid. The boy is so cute, napakaamo ng mukha kabaliktaran sa blank expression na mukha ni Psalm.



"Malapit na po madam, masyado ka naman focus sa phone mo na hindi mo man lang namalayan na may nakatingin sayo at may kasama ka.." Napakunot ang noo niya sa sinabi ng kaibigan. Ganito ba magtampo ang mga buntis? She needs to ask Phil if ganito rin ba ang nakita nito sa asawang si Mariae. 


Nagpaka-busy lang naman siya para hindi niya maramdaman ulit yung sakit ng puso niya.  What she saw a while ago broke her heart, naalala niya na naman na may kasalanan din siya kaya nangyari iyon. 



"I'm sorry kung hindi kita pinansin. Ganito ba pag buntis nagiging clingy at matampuhin?" She asked while chuckling. Mariae looked at her with dagger eyes, she just laughed and hugged her. 



Sasagot na sana ito sa kanya kaso may bola na  gumulong papunta sa pwesto nila. Kinabahan siya ng marealize niya na, ang bolang 'yon ay ang bola ng batang kasama ni Psalm. 



"Mariae kunin mo, ibigay mo agad. Alam ko gusto mo ng mga bata pero please wag mo na kausap--" She groaned when she realized na makitang kinakausap na ni Mariae ang bata. 


Bakit ba naman kasi ang hilig ng kaibigan niya sa mga bata? She and Phil knows about this, kaya sobrang natuwa silang tatlo nang malaman na buntis ang bestfriend niya. Sakto naman na noong nalaman nila na buntis ito, nakapag-book na sila ng flight papuntang Pilipinas. 


Phil doesn't approve that Mariae will go there because his wife is pregnant, pero syempre hindi nagpatalo ang bestfriend niya. Mariae argued na kasama naman siya nito at okay pa naman na magtravel siya kasi hindi naman maselan ang pagbubuntis nito kasi 3 weeks pregnant pa lang naman. 

Fall, Snow Savior (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon