[4] The Start

53 13 0
                                    

"Good morning class! We won't have any discussion for today, but we'll need to attend the awarding. Please bring your things and immediately proceed to the auditorium."

Awarding? Ano na naman pakulo ng school na 'to, for sure tinatamad na naman lang magturo mga teachers dito.

"Ma'am are we all required to attend po? If not po kasi, can we use this as a free time? We still have lots of things to do pa po kasi."

One of my classmates asked, buti na lang talaga yung iba kong kaklase dito focus sa acads. Masyado atang natutuwa ang school admins and profs sa recent result of board exams. University na pinapasukan mo ba naman mag top sa board exam, dagdag mo pa na halos ng students dito aiming for Latin honors ewan ko na lang kung hindi ka maging proud.

"I was told that all students are required to attend. Maybe your other professors are there, some of our student assistants told us na may memo daw ipapalabas mamaya. About siguro sa adjustment of deadlines ng mga requirements niyo."

"YES!!! May adjustment."

Nanlumo ako bigla. Nagpuyat ako para mabawasan yung mga requirements and activities na pinapagawa nila tapos malalaman ko na may adjustment bigla? Hindi nakakatuwa.

Some of our professors told us na kailangan na namin yun ma-submit before we start the season of UAAP. We were rushed tapos babawiin? If only I knew, edi sana tinulogan ko na lang itong mga requirements nila na hindi naman nakakatuwa.

"Hoy, bakit ka naman nakabusangot dyan? Hahaha yan magpuyat ka pa sa paggawa ng paper works, buti na lang talaga super tinamad ako gawin yun." Mapang-asar na sabi ni Mariae na sakin.

Paano ba naman, imbes na gawin at tapusin niya yung paper about diseases nanuod lang siya sa Netflix.

"Ewan ko sayo, minsan nga pakisabihan ako na wag gumawa ng requirements para naman hindi ako puyat diba? Halika na nga, naiinis lang ako pag nakikita ko yang blackboard eh."

I walked faster than usual, ang tagal naman kasi ni Mariae maglakad, kailangan na namin agad makahanap ng upuan kasi for sure the auditorium will be packed. Kahit naman sabihin na may second floor yung auditorium ng school, madami pa din naman silang students.

I really wish our seat will be in the balcony for now, I always want to sit in first floor whenever there's a symposium or seminar pero kung mga awarding naman I'll choose balcony.

"Mariae bilisan mo. Kapag talaga hindi tayo sa balcony naka-upo, tuturokan kita ng syringe!" Galit na sabi ko dito, ang arte kasi naka-heels pa pwede naman na flats lang. Required kasi sa school na at least 2 inches high heels ang shoes ng girls, leather shoes naman for boys. All white ang uniform namin, blouse and skirt tapos sa boys naman white yung polo and black yung pants.

I was busy looking for my reviewer when I bumped into someone, tuloy my glasses are gone.

"Ano ba naman yan! Tumitingin ka ba sa dinadaanan mo? Nakakainis." I was looking for my glasses and didn't look at the person I bumped into kahit pinagsalitaan ko na siya.

"Here miss, sayo 'to diba?" I grabbed my glasses from his hands and looked at him.

"Thanks! Next time tumingin ka sa dinadaanan mo para wala ka ng mabangga pa." After saying those words to him, I pulled Mariae para makarating na agad kami sa auditorium. Hindi nga ako nagkamali dahil ilang minuto pa kami pumila maka-pasok lang sa loob.

I was busy looking for vacant seats ng May makita akong familiar face. That face really looks familiar, saan ko nga ba yun nakita? I quickly avoid my glance at them before pa man nila mapansin na nakatingin ako, and for the reason na titigin sa pwesto namin yung kasama niya. Forget it, now's not the time to remember where did I see him, what's more important for now is to look for a chair kasi nangangalay na ang paa ko.

Fall, Snow Savior (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon