He has a crush on me? Si Psalm na palagi akong inasaar kanina? I don't know what to say.
Patawa naman kasi, sino ba naman mag-aakala na crush niya ako?
"Wag mo sabihin sa 'kin na hindi mo nahalata? I mean the guy's transparent, nagpapa-pansin sayo ate. Hindi mo ba nahalata?"
"Let's just drop this topic ok? Didn't you heard kanina? The guy has a girlfriend, hindi tama na pag-usapan natin 'to. Psalm's in a relationship, and I don't have a care kung totoo man or hindi. Let's just not push this topic anymore, parang ang sama naman natin kung i-push pa natin yan diba?"
Nagkibit-balikat na lang si Mariae sa sinabi ko. I don't really care though, i-push niya man or hindi, I'm not interested sa ano pa man na sasabihin niya.
Ang sama naman kasi na pag-usapan yun kung alam namin na may girlfriend yung tao. Privacy na din naman nila yun, and I respect their relationship.
We shouldn't gossip about other people's life and whereabouts, true hindi maiiwasan pero at least a little reminder and respect for their personal life.
We're eating our lunch when a group of guys enter the restaurant laughing so loud. I glance at them and saw some familiar faces, ka-department din namin 'to.
"Oh nandito pala si Top 1, musta naman yung certificate? Masarap ba sa feeling na naka-akyat ka ulit ng stage? Hahaha"
It was John, isa sa mga competitive sa batch namin.
Hindi ko alam kung anong reason niya bakit palagi niya ako inaasar. Wala naman akong ginawang masama sa kaniya, pero sabi kasi nila top 1 si John all throughout his primary and secondary school life.
Nagbago lang ngayon na college, masyado na kasi maraming competitive students.
Unfortunately, kaming dalawa ang palaging nag-aagawan sa pwesto ng top 1 and for this sem ako yung naka-kuha ng pwesto.
That's why ako palagi ang target niya. Favorite target, I mean.
Parang may radar na nga 'to sa 'kin. Palagi kasi kaming nagkaka-salubong, at nangyari na nga ngayon.
"I'm sorry, John. I don't really get you, palagi kang galit kay Leir dahil siya ang kaagaw mo sa pwesto ng top 1. Kung gusto mo maging top 1 edi bawasan mo ang pagbabarkada."
Mariae snapped at him, natutuwa din talaga ako sa babaeng 'to. Kahit naman kasi tamad at palaging nang-aasar talagang back-up ko 'to kapag may nang-aaway sa 'kin.
Yung mga kasama niya inasar si John dahil sa sinabi ni Mariae, and I cant help but be proud of her.
May mga sense naman kasi ang sinasabi ni Mariae kaysa sa kaniya. Hindi katulad ni John na parang sirang plaka, pare pareho lang naman ang mga sinasabi.
"Ayan na. Nagsalita na ang isa din naman tamad na mag-aaral." Buwelta na John sa kaniya.
Bigla akong tumayo ay hinila si Mariae, we didn't even finish our food. Nakaka-walang gana kasi ang mga taong kagaya ni John.
BINABASA MO ANG
Fall, Snow Savior (HIATUS)
Ficțiune adolescențiShe never wanted to have a relationship, she is scared. He loved her, but he doesn't want to wait anymore, because he is tired. Date started: April 2020 Date completed: ----