TALA DALAWA

82 49 32
                                    


Lavender's PoV

"Heart beats fast,
Colors and promises.
How to be brave?
How can I love when I'm afraid to fall?
But watching you stand alone,
All of my doubt suddenly goes away somehow"

"Z-zyprus...." Why do I feel safe with him? Bakit niya pinaparamdam na ligtas ako sa tabi niya? Bakit sa kabila ng mga nagawa ko nandiyan parin siya? Nandiyan na naman siya?

Yung boses niya, yung boses na tanging nakakapagpakalma sa akin.

"Do you feel better now?" I feel best right now and it's because of you....

Again.

"Sorry to disturb you mister, if you caught me in action using this h-high-tech thingy. Uhm, yeah! My eyes glow? It's just because of the technology. I don't know you. I gotta go now mister."

Kailangan kong magpanggap. Hindi ko kakayaning mangyari ulit ang nangyari dati. Muntik ko na syang mapatay pero iniligtas niya parin ako at pinaramdam niya saking ligtas ako. Everytime he sings, there's always an "everything will be fine" look in his eyes.

"You can't fool me Lavender. You're not a good actress remember?" He said in a teasing voice.

B-bakit parang wala lang sa kanya yung nagawa ko sa kanya noon? Why is he not mad? Don't get me wrong, ayokong magalit siya sakin pero bakit parang ayus lang sa kanya ang muntik ko ng pagpatay sa kanya noon?

Hinawakan niya na naman ako sa wrist at tumitig sakin. Hindi ako papatalo kaya't nilabanan ko ang mga titig niya.

"Look, I'm sorry mister but I don't know you. Yes I'm not a good actress because I'm not acting. Hands off please?"

Kailangan ko ng panindigan ang pagpapanggap ko.

"Ohh, it seems that you really don't know me huh? Kaya pala ilang beses mo na akong tinawag sa pangalan ko." Halatang bunyag na ako at lalong nanunukso yung boses niya. Kung bakit ba naman kase ilang beses ko pang nabanggit ang pangalan niya kanina?!

"I said hands off!" I said irritatedly. Kasi lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa palapulsuhan ko.

"Hands off? Ok. Then lips on."







Crystala's PoV

Anong k-kyot? Ano ba naman itong nilalang na ito? Pasaway na nga sakit pa sa ulo. Kung ano ano ba naman kasi ang mga pinagsasabi. Wala akong naunawaan miski isa.

"Isa pang pagsasalita mo na hindi ko naiintindihan, malilintikan ka talaga sa akin."

"Woahh! Easy goddess. Ang cute mo talaga, you're really a goddess my lady."

"Ang sinabi ko ay isang salita mo pa na hindi ko-" Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at itakip ang kaniyang malaking kamay sa aking bibig. Hindi ko inaasahang ganito kalambot ang kaniyang mga palad.

"Uhhnyo buhaa choo?" Hindi ko matanong ng ayos kasi yung kamay niya ay nananatiling nakasangga sa aking bibig.

"Shhh! Wag kang gumawa ng ingay Diyosa." Hindi ko alam pero sinunod ko siya. Marahil siguro ay may nararamdaman din ako ngayong masamang presensya.

Crescent (Ongoing)Where stories live. Discover now