TALA ANIM

31 29 10
                                    

Crystala's PoV

"B-byutiflul? Ulitin mo ngang muli, hindi ko naman naintindihan ang iyong mga sinabi. Masyadong mabilis!" Reklamo ko sa pasaw–kay Lucio. Masyado naman talaga siyang mabilis magsalita kaya't hindi ko iyon naunawaan.

Ngumiti siya at bahagya pang natawa ngunit nanumbalik ang ngiti niya at itinutok ang paningin sa akin.

"Beautiful." Ngayon ay mas marahang ang kaniyang pagkakabigkas kaya't nakuha ko na agad.

"Beautiful!" Ngumiti ako sa kaniya na may bakas ng pagyayabang. Ang sarap talaga sa pakiramdam na makatuklas ng mga bagay.

Tumango tango siya bilang pagsang ayon, gaya kanina ay ngumingiti lamang siya at tumatango kapag wasto ang aking pagkakabigkas ng salita.

"Anong ibig sabihin ng beautiful?" Nakangiti paring tanong ko sa kaniya. Lubos talaga akong nasisiyahan sa aming ginagawa at hindi ko alam kung epekto ito nung mga sinabi niya kanina...

"Maganda." Tipid niyang sagot.

Prinoproseso ko sa aking utak ang ibig sabihin ng bawat salita. Agad ko namang natatandaan at nauunawan ang lahat.

"I'm beautiful." Pagpuri ko sa aking sarili. "Tama ba?" Tanong ko kay Lucio na may halong pagyayabang.

Natawa naman siya dahilan kung bakit naibusangot ko ang muka ko.

"No, you're not beautiful. I think Gemini is the beautiful one." Nakangiti niyang pahayag. Naunawaan ko ang kaniyang mga sinabi, at ayon sa pagkakaintindi ko ay sinabi niya na hindi ako ang maganda at sa palagay niya ay si Gemini ang maganda.

Sa di malamang dahilan ay may kirot akong naramdaman sa aking puso. Sa katotohanang ipinasok niya si Gemini sa aming usapan at pinuno pa ng papuri.

Tinanggal ko ang pagkabusangot ng aking muka at binigyan siya ng isang pilit na ngiti. Nag iwas ako ng tingin sa kaniya at ipinako iyon sa mga bulaklak.

"Do you want to know why?" Ang tinatanong niya ay, kung gusto kong malaman ang dahilan? Tama ba? Ano namang pakialam ko sa dahilan niya kung bakit sa tingin niya na ang maganda ay si Gemini? Wala na akong ano pa mang kinalaman doon. Kung gusto niya si Gemini, marapat lamang na wag niya ng ipamuka sa akin kase w-wala akong pakialam!

"W-why?" Taksil na bibig! Bakit ko pa nga ba naitanong eh wala naman akong pakialam.

"You're not beautiful...." Nakangiti niyang saad at kurot na naman ang naramdaman ko sa aking puso. Hindi ako maganda? "Because you're the most beautiful." Mas lalong lumawak ang ngiti niya.

Nangunot naman ang aking noo. Anong ibig sabihin ng most beautiful?  Sa pagkakatanda ko ay hindi pa niya iyon naituturo sa akin. Tanging beautiful lamang ang alam ko dahil kakasabi lamang niya iyon kanina.

Sa gitna ng hardin ay umaalingawngaw ang kaniyang malakas na tawa ngunit maginoo paring pakinggan. At iyon ang naging dahilan kung bakit bumalik ang kunot ng aking noo.

"Ang cute mo talaga hahaha..." Halos di ko na maintindihan ang kaniyang mga tinuwiran sapagkat tawa siya ng tawa.

"Hoy pasaway–Lucio pala! Wag mo nga akong tinatawan-tawanan! Sabihin mo nga sa akin, anong kahulugan ng k-kyut?! Lagi mo na lang iyang sinasabi sa akin kahit batid mong hindi ko iyon alam!" Bulyaw ko sa kaniya. May karapatan naman talaga akong pagsalitaan siya. Bagamat siya ang aking guro ngayon, ako parin ang Diyosa niya. Kaya dapat hindi niya ako nilalapastangan.

"Masyado ka ng maraming natutunan ngayong araw mahal kong Diyosa. Baka mamaya niyan ay di mo na ako kailanganin kaya't ipagpabukas na lamang natin." Hindi niya sinagot ang aking katanungan! Siguro'y masama ang ibig sabihin ng kyut? At kung masama man nais ko pa ring malaman! Sapagkat iyon parati ang opiniyon niya sa akin...

Crescent (Ongoing)Where stories live. Discover now