Crystala's Pov
"Mahal kong Diyosa...." Pigil sa akin ni Lucio na may paghawak hawak pa sa aking braso ngunit hindi ako tumigil sa paglalakad.
"Bitiwan mo nga ako! Nais ko ng magpahinga kaya't maiwan ka riyan sa labas!" Inalis rin niya iyon kaagad.
Magsama kayo ng punong talang tagahain!
Bakit nga ba ganoon ba lamang ang lakas ng loob ng punong talang tagahain para sagut-sagutin ako ng ganoon?
Marahil....
Marahil ay may pagkakaunawaan na talaga sila ni Lucio!
Siguro'y palihim silang nagkikita? Nakakainis! Bakit hindi ko alam?! Paano na lamang kapag ito'y natuklasan ni Gemini?!
"Tirik na tirik pa ang araw magpapahinga ka na? Ni hindi ka pa nga nag aalmusal." Bakit siya nag aalala? Pwes, wala akong pakialam kung ganoon!
"Wala akong gana hindi ba? Nais ko munang mapag isa kaya't lubayan mo na ako." Mas mahinahon kong utos.
Ikinabigla ko ang paghawak sa akin ni Lucio sa magkabilang balikat upang ako'y maiharap sa kaniya.
"Tell me, what is it...." Paano ko sasabihin? Gayong hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito.
Ikinunot ko ang aking noo at nagpanggap na tila di ko alam ang kaniyang mga tinuwiran. Bagamat napag aralan ko na naman ang mga salitang iyon kanina.
"Answer me... Please...." Ayoko ngang sagutin!
Mas ikinunot ko ang aking noo upang pagtibayin ang aking pagpapanggap na hindi alam ang kaniyang mga sinasabi.
"Bitiwan mo na ako. Ngayon din." Kalmado kong utos sa kaniya. Sinunod naman niya ako ngunit di inaalis ang paningin sa akin.
Lumakad na ako papasok ng aking silid ngunit humarap muna akong muli sa kaniya.
"Nais ko munang magpahinga, umalis ka muna ngunit! Huwag kang lalabas ng aking tuluyan. Maliwanag?" Striktang utos ko sa kaniya.
Tumango siya at halatang nagpipigil ng tawa kaya lalo akong nakaramdam ng inis. Lumakad na siya ng pasilyo at wala akong pakialam kung saan pa siya tutungo, basta't huwag lamang siyang lalabas ng aking tuluyan!
Nang nakapasok ako ay agad akong nag isip.
Bakit ba ako nagkakaganito?
Bakit ko sinabi ang mga bagay na iyon?
Bakit lubha na lamang ang inis na aking nadarama?
Maging ang aking sarili ay hindi ko maintindihan. Bakit ako nagagalit? Wala akong karapatan...
Diyosa ako ng Buwan, ang Diyosa na mahinahon, ang Diyosa na pinakamalakas sa lahat ng mabababang Diyos, ang isa sa dalawang Diyos na nakakapagpagaling sa mga Diyos at sa iba pang nilalang, ang Diyosa na malambot ang puso, ang Diyosa na may pagkamatikas.
Ngunit bakit pagdating kay Lucio ay halos hindi na ako makikilala bilang Diyosa? Ang aking timpi ay agarang nauubos. Ang aking kapangyariha'y sa kaniya'y hindi rin tumatagos.
Ano bang klaseng tao siya? May ganoon bang klase ng taong wari mo'y mas mataas pa sa Diyos?
Ano kaya ang maaaring gawin ngayon? Tila nakakatamad ng kumilos...

YOU ARE READING
Crescent (Ongoing)
FantasíaThings will happen according to destiny, but it can also depend on a curse. Sun gives the brightest light while moon gives the coolest light in the dark but what if the sun and moon fight? Will the light be tight or it will spread the darkness for a...