TALA TATLO

71 44 16
                                        

Lavender's PoV

"Hands off? Ok. Then lips on."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit ba sya komportable sa akin samantalang akoy iwas na iwas naman sa kaniya.

"HAHAHA just kidding." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Kailan pa siya naging mapagbiro?

"Lavender, kausapin mo ako ng maayos. We need to talk. I have to know everything."

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumama sa kaniya. Kung hindi ko lang sana nabanggit ang pangalan niya kanina edi sana ligtas ako ngayon.

"Bakit ka nagtago?" Dirediretso at seryoso niyang tanong habang prente kaming nakaupo sa magkatapat na silya. Nandito kami ngayon sa loob ng isang coffee shop.

"K-kailangan." Tipid kong sagot kasi ayoko na ulit mabuksan pa ang topic na yon pero sigurado akong kahit pilit ko iyong iwasan wala na akong magiging takas pa sa mga tanong niya.

"Para saan?" Takang tanong niya kaya naman napatingin din ako sa kaniya na nagtataka. Seriously? Alam naman niya yung masamang nagawa ko noon.

"P-para sa inyo, at para narin sa sarili kong kaligtasan." Napayuko nalang ako sa katotohanang kahit na magtago pa ako alam kong walang ligtas na lugar dahil sa mga taong naghahanap sa akin. At alam kong hindi sila pangkaraniwang mga tao lamang.

"Hanggang ngayon ba ay nandyan parin yung mga nilalang na naghahanap sayo?"

"Wala pa ulit sila, sa ngayon. Pero nangangamba ako para sa mga magulang ko. Paano pag nalaman nung mga nilalang na iyon na sina mama at papa ang mga magulang ko? Baka pati sila madamay." Nag aalalang tugon ko sa tanong ni Zyprus.

"Kailangan mo munang lumayo sa kanila." Seryosong tugon niya sa akin.

"Lalayo? Baka mapaano sila kapag nawala ako." Nag aalala ako para sa mga magulang ko, lalong lalo na para kay mama. Baka kasi siya naman ang pagbuntunan ng galit ni papa.

"Mas mapapano sila kapag nandiyan ka. Hindi naman sa sinasabi kong ahhm, ano ahh—" hindi ko na siya pinatapos ng pagsasalita kasi alam ko namang hindi niya kayang sabihin ang salitang iyon sa akin.

"Na malas ako. Ayos lang sabihin mo na."

"Hey, that's not what I meant to say. It's just that, ikaw na rin ang nagsabi na nandyan parin yung mga taong naghahanap sayo and as of now wala parin silang alam about sa parents mo, kaya habang maaga pa gawin mo na ang lahat para hindi nila malaman. Wag mo nang hintayin pang mga magulang mo na mismo ang maging target." I can see the concern and care in his eyes. Pero, tama siya.

"M-maybe, you're right."

"Huwag mo sanang masamain ang sinabi ko. I-im just worried for you."

"Salamat."

Naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang parehas na humihigop sa tig isang kapeng inorder niya para sa amin.

"Have a ride with me." Tinig niya ang unang bumasag sa katahimikan ng buong coffee shop.

"No thanks."

"I'm not asking you Lavender."

"It's not time para sa pilosopohan. Zyprus, just let me go. Sumama naman ako sayo diba? That's enough."

Crescent (Ongoing)Where stories live. Discover now