TALA LIMA

47 36 20
                                    

Lavender's PoV

I am now in front of the principal discussing few things.

"I'm so sorry miss Villaflor but your scholarship is just for high school. Hindi ka pwedeng mag senior high if your not a high school graduate."

"But sir, hindi ko po ka level ang high school students. Masyado na po akong matanda para maging first year student." Pangungumbinsi ko sa principal.

"I'm really sorry miss Villaflor. Infact, maswerte ka pa nga eh. Kasi kahit ilang taon na ang lumipas nang ibigay namin ang mga scholarships, tumatanggap parin kami anytime. Why don't just grab the chance?"

"Sir, baka naman po mapag isipan niyo pa yan?" I'm too old to be a high school student. Seventeen na ako ngayon at kapag nagkataon ang mga magiging kaklase ko ay nasa edad labindalawa at labintatlo pa lamang.

"Actually, may kapareho ka ng case. Elementary graduate lang din siya. Ano ba kasing nangyayari sa inyong mga kabataan at nagsisitigil kayo sa pag aaral? Hayys..."

Napukaw naman ang atensyon namin ni Mr. principal nang may magbukas ng pintuan.

"Speaking of miss Villaflor, he's the one I'm talking about." Napanganga na lamang ako sa gulat.

Siya yung lalaking nakabangga ko kanina at yung lalaking tumawag sakin ng stupid!

Nang dumapo ang kaniyang paningin sa akin ay bahagya rin siyang nagulat ngunit inayos niyang agad ang kaniyang sarili at nagtuloy sa paglakad patungo sa amin.

"Excuse me, are you the principal sir?" Nilampasan niya lamang ako na parang anino. Well, what's the matter? Wala naman akong pakialam sa kaniya pero masama siya! He's so mean.

"Have a seat Mr Levis. Actually we're already discussing your problems in our school. Pareho kasi kayo, and napagusapan niyo na ito ng staff ko right? So do you agree?" Sana hindi siya pumayag kasi for sure, once na pumayag siya no choice na ako kung hindi ang pumayag narin. Wala namang special treatment dito eh, maliban na lang kung Diyos ka hahaha pero imposible namang may mga Diyos na bumababa.

"Sir, sorry but I don't agree. I'm too old para maging high school student lang." Sus, buti na lang at di rin siya pumayag pero ang yabang.

"Kayong mga kabataan talaga hahaha masyado kayong demanding. Edi sana inayos niyo ang pag aaral niyo noon." Tumatawa tawa man si Mr. Principal, pakiramdam ko pangmamaliit at panglalait ang kaniyang mga sinabi.

"Sir, inayos ko naman po ang pag aaral ko noon kaya nga po nagka scholarship ako dito." Sumagot ako pero pinilit kong hindi maging sarkastiko.

"Likewise sir." Gaya gaya? Sus, napakasarkastiko naman ng pagkakasabi niya. Marunong ba iyong gumalang? Di man lang nahiya, principal kaya kaharap namin. Ano siya Diyos? Sus.

Tumikhim naman ang principal at umayos ng pagkakaupo.

"Well, I don't mean anything." Mabait naman pala ang principal. Siguro sinubukan lamang niya magbiro pero hindi kasi iyon naayon sa sitwasyon namin. "But, bakit kayo tumigil? Pareho pa kayo apat na taon."

"I have to do my obligations, there are things that are more important than studying. May mga bagay tayong kinatatakutan kaya ang una lagi nating naiisip ay ang magtago pero pag dumating sa puntong ang mga taong mahalaga sayo ay nadadamay na, kailangan mo ng harapin ang takot na iyon mailigtas lamang sila. I came back not to study but I'm here for them." Bakit pareho kami ng naiisip? Pero tama siya, takot ako noon pero hinaharap ko na ngayon para sa kaligtasan ng mga magulang ko at bumalik ako hindi para sa pag aaral kung hindi para sa ligtas nilang pamumuhay.

Crescent (Ongoing)Where stories live. Discover now