TALA APAT

71 40 21
                                        

Lavender's PoV

Pagkagising ko ay agad na akong naligo. Hindi ko inaasahan kagabi na tatawag sa akin yung isa sa mga university na nag offer sa akin ng scholarship.

Ayoko kasing mamili pa at sa dami naman kase nila, swerte ko yung tumawag sa akin ay Gredson University, sila yung may pinakamalaking offer kaya tinanggap ko na.

At mas lalong hindi ko inaasahan na ngayong araw ay dapat na daw akong pumasok kasi two weeks na daw nagstart ang klase. It just means na late na ako. Hayys..... ako din naman kase may kasalanan.

Sa sobrang yaman ng Gredson University nag offer sila na ipapadala daw nila yung uniform ko kagabi kasi sobrang tataas daw ng grades ko noon kaso tumanggi ako kasi nakakahiya naman dun sa ibang student. One month kasi ang iniintay ng mga bagong student bago magkauniform ang unfair ko naman diba?

Nagsuot lang ako ng jeans at yung hoodie jacket na palagi kong sinusuot siyempre may pang ilalim akong black sando. Oo sando lang kasi masyado nang mainit yung hoodie para mag t-shirt pa anyways de aircon naman for sure ang school.

"Ma, alis na po ako."

"Nak ang aga pa ah? Almusal ka na muna."

"Wag na po, kailangan ko po kasing mag maaga dahil hindi ko pa alam ang schedules ko tapos aayusin ko pa yung dorm ko dun. Tsaka ma, alam niyo naman pong malayo yung University dito sa atin eh." Medyo tumamlay naman yung muka ni mama pero alam mo ring masaya siya.

"Ahh, ganoon ba? Yung bagahe mo ba ayos na? Ingat sa biyahe ha? At saka yung dorm mo sabihin mo sakin kung maayos. Mahal na mahal kita nak." Opo ma gagawin ko lahat yan at gagawin ko rin to para sa inyo para malayo kayo sa kapahamakang dulot ko.

"Opo ma." Niyakap ko si mama.

Mamimiss kita ma......

"Umalis ka na ang dami mo pang arte diyan." Pareho naman kaming nabigla nang magsalita si papa. Para namang kinurot ang puso ko dahil sa sinabi ni papa pero sanay na ako.

"Pa alis na po ako." Lalapit na sana ako kay papa at hahalik sa pisngi niya pero umiwas siya.

"Ang dami mong satsat umalis ka na sabi."

Pinigilan ko ang sarili ko na maiyak pero taksil tong mata ko kasi may pumatak pa ring luha.

Ngumiti na lang ako kina mama at papa tapos umalis na.

Alas tres pa lang ng madaling araw at lunes ngayon. Ang tagal ng biniyahe ko, halos tatlong oras ang tinagal bago ako nakarating dito sa school.

Ang ganda ng school at ang laki laki pa. Papasok na sana ako kaso nakalimutan kong isuot yung sun glasses ko. Oo ganito pa rin ang pormahan ko, tagong tago pa din isama mo pa yung mahaba kong hoodie.

Nagtanong ako sa guard kung saan ang office ng principal kasi sabi nung staff na nakausap ko kagabi sa phone dun daw muna ako dumeretso pag dating.

Parang medyo nagtaka pa yung guard dahil sa itsura ko.

Sa huli sinamahan parin ako nung guard at habang naglalakad kami pakiramdam ko ang daming mga mata ang nagmamasid sa akin, marami ding mahihinang bulong bulungan na umaalingawngaw sa tahimik na kapaligiran ng paaralan.

"Iha hanggang dito na lang ako ha, baka hanapin na ako dun sa gate. Basta sa third floor nitong building yung mismong office, iisa lang naman ang pinto sa third floor."

"Salamat po." Umalis na si manong guard habang ako nama'y nakatingala sa isang malaking building na nasa harap ko.

Sa totoo lang bigat na bigat na ako sa lahat ng bitbit ko, as in sobrang bigat tapos parang namanhid pa ang kamay ko. Dinala ko na kasi halos lahat ng gamit at damit ko kasi nasisiguro ko sa sarili ko na hindi muna ako babalik sa amin hangga't hindi nawawala yung mga taong di pangkaraniwan na naghahanap sa akin.

Crescent (Ongoing)Where stories live. Discover now