Chapter 1

5 0 0
                                    

Sabi sa teleserye “pag mahal ka, babalikan ka” nakakakilig diba? Lalo na kapag sinudan pa nang “Love is sweeter the second time around” pero… bakit ko pa hihintayin na mawala ang isang taong gusto ko kung pwede namang hindi. Paano kung wala ng second chance na magkita kamiling muli, edi nagsisi naman ako.

Pero lahat yun nagbago simula nang marinig ko sa isang pelikula na, “Kung mahal ka bakit ka iiwan?” na sinudan pa nang, “pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?”

Hayyyy… Pag-ibig nga naman, pero bakit ko nga ba yan pinoproblema? Eh Wala naman ako love life saka mas gusto ko pa ang mga fictional characters at mga bida sa K-drama. Kahit imposible alam kong stick to one sila, kahit sa simula palang ng story mga gags na ang ginagawa nila, alam mo naman na kapag nag-mahal sila yun na yon. Wala nang magbabago.

Pero walang makatatalo sa pa liwanag sa akin ni mama. Sabi ni mama, hindi ibigsabihin na umalis ang taong mahal mo hindi ka na nya mahal at hindi na babalik pa, kase kahit daw sa mga umalis meron din namang chance na hindi talaga nila gustong iwan ka, minsan kailangan lang; katulad ni papà, kailangan niyang umalis para daw mabigyan kami mama ng maayos na buhay at magandang edukasyon para sa amin dalawa ng magaling kong kabatid😉

“Ate!” sigaw ng kapatid ko sa ay bato ng throw pillow sa akin.

Siya ang kapatid ko si Jhanzell Mackenzie, Zell kung tawagin namin sa bahay. Limang taon ang agwat namin sa isa’t isa, isa pa bunso kaya ka yan ang ugali però takot naman yan kay mama kaya sakin lang nya nagagawa ang ganon lalo na kapag nakatalikod o wala si mama sa paligid.

Agad naman akong napabalikwas ng bangon at masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya.

“Ano na naman ba?” inis na tanong ko sa kanya at inayos ang pagkakaupo ko sa kama.

“Nagde-day dream ka na naman eh” anito saka tumalikod sakin. “Tawag ka ni mama sa baba”

Agad na akong tumayo at lumabas ng kwarto baka kase ako pa ang kagalitan ni mama kapag nagtagal ako dito, ayoko pa namang makita si Halk, Godzilla, at kung sino pa mang masamang magalit. Ganon kase si mama eh, bigla-bigla na lang nagta-transform kapag galit😅

Pagdating ko sa baba dumeresto na ako sa kusina doon ako nakakarinig nang ingay, hindi naman ako nagkamali. Pagpasok sa kusina nakita kong naka-upo ang prinsesa sa tasa🤣 charrr...nakita kong naka-upo ang magaling kong kapatid sa highchair sa Island counter habang si mama naman, ayun nagluluto ng miryenda.

Yan si mama, isang manger sa isang kilalang company sa Japan. Nag-gagawa sila ng ilang parts ng eroplano --yun ang sabi ni mama sakin, kaya minsan lang din namin siya makasama.

“Ma” tawag ko sa kanya at tumabi sa kapatid ko. “Tawag nyo daw po ang PINAKAmaganda, PINAKAmabait, PINAKAmasunurin, at PINAKAmatalinong anak nyo” diniinan ko talaga ang ‘pinaka’ at tinitingnan ang kapatid ko nakasimangot sa tabi.

Inilagay muna ni mama ang butter toasted bread sa harap bago ako sinagot.

“Tumawag si papa nyo kanina” nakangiting paliwag niya habang kumukuha ng juice sa refrigerator. “At ang sabi nya uuwi na daw sya two weeks from now-” hindi na na tapos ni mama ang paliwanag dahil biglang umirit ang kapatid kong maligalig

“Ano ba? Hindi na natapos ni mama ang paliwag dahil sayo?” iritang sabi ko sa kanya habang kumakain ng tinapay. “Bakit nakasama mo na ba si papa?” agad namang imilig ang huli. “Kaya manahimik ka lang dyan kase ampon ka lang ni papa kaya iniwan ka nya dati eh” agad akong natawa ng makitang naiiyak na ang batang maligalig.

“Hay nako Jasmine Mecezequeen” iiling-iling na tawag sa akin ni mama. “Iniinis mo na naman yang kapatid mo”

“Eh kase mama, tingnan mo naman” sabi ko at hinarap sa kanya ang kapatid ko. “hindi man lang nakakuha ng kagandahan sa kapatid nya, kaya ampon talaga sya, ma” paliwanag ko kay mama.

“Ang sama mo talaga sakin ate” nagmamaktol na tugon nito. “Bakit kase ako ang bunso?”

“Oh, mama. Gusto ng kasunod” natatawang sabi ko na ikinakunot ng noo ni mama.

“Wala ka gustong basalubong?” muling tanong ni mama dahil nawala na kami dahil sa kalokohan ko.😅

“Ako ma” mabilis na sagot ng kapatid ko. “Gusto ko ng bagong sapatos, damit, pati narin cellphone, tsaka” agad ko siyang kinutusan. “Aray naman, ate”

“Makasabi ka ng basalubong, bakit mataas ba ang grade mo?” panghahamon ko sa kanya kahit alam ko na ang sagot.

“Oo naman” mayabang na sagot nito sa akin bago kunin ang juice nya. “Hindi ko nga alam kung bakit hindi na nanawa si Ms. Dela Roca na isulat ang pangalan ko sa number one” anito na walang halong pagmamayabang. Parang nagkukwento lang.

Matapos kong sabihin ang mga gusto ko bumalik na ulit ako sa kwarto para tapusin ang pagde-day dream ko…charrr. Gagawin ko na ang homework ko para makatulog na.




Author's note: Please let me know your opinion... Thank you🤗

BackstabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon