Chapter 10

4 0 0
                                    

Last Chapter.....

Chapter 10

Nandito ako ngayon sa isang cafe, I need a break after kase ng midterms medyo sabog ang pakiramdam ko. Pano ba naman kase sinusundan talaga ako ng Math. Ang gusto ko lang naman ay matupas yung pangarap ko😢 hindi ko naman talaga gusto mag-STEM, eh. Pero ito ang nakaksakop sa degree program na napili ko. Kaya no choice😭

Hindi ko naman kase akalaing ganito kahirap, toh. Dala-dalawa ang math. Tapos Tatlo ang English. Dalawang Science😭😭😭

Ito na lang naisip ko para magkabreak, ang pumunta sa cafe malapit sa subdivision namin. Hindi naman kase ako pwedeng umalis at pumunta sa ibang lugar sa loob ng two to three days. May pasok na kase bukas.

Tahimik lang akong nakaupo habang nanonood sa laptop ko ng may umupo sa tabing silya. Ini-stop ko muna ang K-dramang pinapanood ko at inalis ang headset bago balingan ang taong sira na hindi ko alam kung bakit tumabi sa akin.

“Musta?” tanong sa akin ni Malia. Nasa harapan ko naman si Luci at nasa kabilang gilid naman sina Maia at Laikyn.

May gana pa syang mangamusta🤨 matapos yung ginawa nila, syempre masama parin ang loob ko sa kanila at sa mga walang pusong may alam naman pala ng mga kagaguhang ginagawa ng dalawa at pinabayaan lang akong magmukang tanga.

Wala talagang pinipili ang pang-gago. Yung akala mong kaibigan mo yun pa ang magsasamantala sayo. Yung akala mong totoo at tapat sayo, sila pa ang unang sasaksak kapag nakatalikod ka na at sugatan.

“Nandito kami ni Malia para humingi ng… sorry” ani Luci. Halos pabulong na lang ang huling salitang sinabi.

“Hindi ako galit sa inyo” seryosong sabi ko sa kanilang dalawa. “Oo, masama ang loob ko pero hindi sa inyo. Masama ang loob ko at galit ako sa ginawa nyo. Magkaiba yun”

Hindi kase ako marunong na magalit ng matagal. Kaya siguro ang mga walang hiya at mapagsamantala ay pinagsasamantalahan ang kabaitan ko. Ano bang magagawa ko? Eh sobrang bait ko😇, minsan nga naiiyamot na rin ako sa sarili ko. Bakit ba hindi ako katulad ng iba na kayang magalit.

“Pinapatawad mo na kami?” hindi makapaniwalang gagad ni Malia.

“Sangayon? Hindi pa… Sana kase inisip nyo muna yung pagkakaibigan natin bago kayo gumawa ng kalokohang yan. Sinayang niyo yun, eh. Sinayang niyo yung halos fours years na pinagsamahan natin, sa isang” sabay snap ko sa akin mga daliri. “Wala na hindi lang magkakaibigan ang nawala pati yung tiwala ko para sa iba halos pagdudahan ko na”

Nabalot ng katahimikan ang paligid, kakaunti pa lang kase ang tao sa loob ng cafe, halos take out lang yung iba kaya iilan lang ang naiiwan sa loob.

Nang nawalan na ako ng ganang manatili sa loob ng cafe, inayos ko na ang gamit ko at nagpaalam na para umalis. Nasa labas na ako ng cafe ng mapansin kong nakasunod sina Laikyn at Maia.

“Okay ka lang?” tanong ni Maia pagkalipas ng ilang saglit.

“Kita mo bang okay sya?” mapang-asar na banat ni Laikyn sa kanya. “Kita namang hindi okay itatanong pa” 🙄

“Hindi, okay lang ako. Okay na ako. At least ngayon pakiramdam ko wala na akong aalalahanin. Nasabi ko na sa kanila ang gusto kong sabihin. Siguro hanggang don lang talaga yung pagkakaibigan namin. Siguro kami yung pinagtagpo pero hindi tinadhana😂 friendship version”

Siguro ganon talaga, may mga tao tayong nakikilala hindi para makasama natin hanggang dulo pero nakakasama o nakasama natin para patatagin at subukin ang katatagan at tiwala natin sa sarili na malalampasan ang lahat ng problema sa buhay.

BackstabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon