Matapos ang exam week ngayon paeasy-easy na lang ang buon klase😂 Kung dati puro libro, notebook, ballpen, at papel ang laman ang bag; ngayon… Check natin para makilala nyo rin sila.
25 lang kami sa loob ng classroom; 14 na babae, 3 binabae, 1 undifined, at 7 lalaki kaya madali lang.
First row sa mga babae ; maliliit ang laging nasa unahan kaya madali silang matagpuan kung hahanapin ang kanilang upuan. Ang nasa first row ay sina Angel, Jessica, at Francesca. Ang nasa loob ng bag? Foods. Sila yung laging tambay sa cafeteria.
Second row sina Abby, Ella, at Shaina. Anong laman ng bag? Tela at kumot.
Third row naman sina Kiara, Cherry, at Kai. Anong laman? Si Kaira lang naman ang nagdala ng sofa at yung dalawa may dalang throw pillows.
Fourth row naman ay kaming tatlo nina Laikyn at Maia. Anong dala namin? Wala🤣 mababait kase kami kaya nakikihati nalang sa may mga bitbit.
Lipat naman tayo sa linya ng mga lalaki.
Fist row naman ay sina John, Ghin, at si Eddie. Tropa- troppa silang tatlo at sila lagi ang may bitbit ng mga desert para pagnalowbat si John may pang charge diabetic kase.
Second row naman ay sina Ethan, Miguel, at Nate sila naman ang adik sa math. Sisiw lang sa kanila ang lahat. Kaya pagnagkamali ng sagot sila-sila lang din ang nagtatalo and of course sila ang source kapag may quiz si Engr. lalo na kapag surprise 😉
Third row naman ay sina Mike, Angelo, at Owen. Si Mike lang ang totoong lalaki sa row na yan si Owen naman ang mag dala ng banig, hindi naman kase lahat kasya sa sofa.
Fourth row naman sina Luci, Brody, at Malia. Silang dalawang babae ay one of the boys kaya nandoon sila si Brody naman ay binabae. Dala naman nila ang source ng movie.
At ang nasa gitna ay si Aya. Siya ang KJ sa lahat ng kalokohan namin sa classroom, VP eh, kaya laging pagood shoot sa mga teacher.
Matapos lumabas ni VP agad na nagtransform ang klase. Ang mga armchair ay ipinalibot para mag-form ng isang box sa left side ng room samantalang nasa gitna non ang banig na pinatungan ng tela para hindi malamig kapag nakahiga. Ang sofa naman ay nasa labas ng box. Ang mga unan ay pinag sunod-sunod para marami ang makahiga.
Everything is all set, ang mga lalaki ang nahiga sa sofa samantalang ang mga babae ang nakahiga sa banig. Ang ilan ay nasa labas para look out kung may teacher mang papasok. Kahit may cctv sa loob ng room Wala kaming pakialam. Anong magagawa ng camera? Hindi naman yan nakakapagsalita para pigilan kami, tsaka may katulong kami para hindi masyadong mahalata ang kalokohan namin sa room. May butiki kasing nagisty sa harap ng cctv kaya sa kanya lang nakafocus ang camera😅
After ilang kain, nood ng movie at ilang oras na nakatulog nag labasan na ang iba kasama na ako dun. At buti nalang sinipag akong bumangon, pagkatayo ko kase biglang pasok ng adviser🙊
Pagkakita sa ilang nakahiga agad na umusok ang tenga at ilong ni sir. 😤
“Anong trabaho nyo yan?” tanong nya pero hindi naman siya sumisigaw. “Balik nya nga sa dati ang mga silya” anito at napakamot pa ng ulo ng magkita ang banig na nakalatag sa sahig. “Pagkayo nakita ni Sir Ninel. Nako husay kayo” paglatapos non agad siyang umalis.
Sa isang iglap at parang kisap-mata nawala ang banig, tela, kumot, unan, at nakaayos na ang mga upuan at nabalik sa likod ang sofa. See? Mabanggit lang ang pangalang Sir Ninel ayos ang lahat. Mahirap na kase, 70% ng klase ay opiyal ng ACP at napataong biyernes ngayon baka madimerits pa kaming lahat😊
BINABASA MO ANG
Backstab
Short StoryAng istoryang ito ay tungkol sa magkaibigan... Hanggang saan nga ba ang kanilang pagkakaibigan kung ang Isa ay hindi naman mapapagkatiwalaan? Photo not mine. Credits to the owner