Chapter 9

2 0 0
                                    

Chapter 9

Habang naglalakad sa madilim at tahimik na paligid dala ang bag ko palabas ng campus nakita ko si Luci na nakaupo sa isa sa mga bench sa hallway.

Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero tahimik lang siyang nakaupo habang nakatungo.

Agad akong tumabi sa kanya pero nilagyan ko ng espasyo ang pagitan namin. Hindi kase ako komportableng katabi siya lalo na kapag naaalala ko yung kagaguhang ginawa nila ni Malia sa akin… Two years ago.

Oo, sila yun. At halos halat ng mga babae na kaklase ko noon ay alam pala ang kagaguhan nitong dalawa ay pinabayaan na lang nila, tinulungan pa nga eh.

Makalipas ang ilang saglit ay bumuhos na ang malakas na ulan. Kaya pala madilim ang paligid kanina. Nang balingan ko ang katabi ko ay nag-aangat na siya ng tingin sa akin at tahimik na umiiyak.

“Sorry” halos pabulong na aniya.

“Bakit?” yun na lang ang naitanong ko sa kanya kahit sobrang tabi kong gustong sabihin.

Natahimik siya at patuloy lang sa pag-iyak.

“I don't know” aniya makalipas ang ilang saglit. “Because of the popularity? Gusto ko kase nasa akin ang attention ng lahat. Yung ako lagi yung nasa taas, yung laging kailangan, laging hinahanap. Kaya siguro nagawa ko yun” paliwanag niya sa akin.

Pansin ko nga sa kanya dati pa. Na kapag yung mga nalalapit sa kanya na mga kaibigan niya ay nakikipag-usap o nakikipagkwentuhan sa iba agad siyang sumisingit at gumagawa ng paraan para mapabalik lang ang atensyon sa kanya.

Pero sapat na ba yun para pagsamantalahan ang iba? For popularity?

Lintik na popularity yan. Hindi naman nakakain yang popularity na yan ah. Okay lang sana kung ginamit niya sa mabuti ang popularity niya pero sa kasamaan pa niya ginamit.

“Sorry” aniya habang patuloy sa pag-iyak.

Hindi ko na siya tinugon pa at tumayo na at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi pa man ako nakakalayo sa kanya ng bigla siyang humagulgol. Hindi ko alam pero mas malakas yung tunog ng iyak niya kesa sa mga patak ng ulan sa paligid.

Agad akong napamulat ng mata dahil sa panaginip. Hindi malinaw ang buong panaginip pero natatandaan ko pa nang magkita ko siyang nakaupo sa bench hanggang sa paulit-ulit sang nag-sorry sa akin.

BackstabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon