Chapter 2

3 0 0
                                    

Mabilis lang na lumipas ang oras at araw. Pare-parehas lang din naman ang ginagawa ko; gising sa umaga, kain, ligo, pasok sa school, at uwi pagdating ng hapon. Normal na buhay nang isang estudyante.

Ngayon ang final exam namin. Yesss… Tapos na ang high-school, senior-high naman. Nandito ako ngayon sa may locker at nakatingin sa locker ko.

Hanggang ngayon iniimagine ko, kelan ko kaya mararanasan yung mga nagyayari sa fictional world o di kaya yung sa mga napapanood ko sa K-drama na pag bukas ng locker may love letter o di kaya may chocolates sa loob. Pero sa tinagal ko sa high-school hanggang ngayon imagination parin.

Huminga na lang ako ng malalim bago tinagtag ang lock ng locker. Bubuksan ko na sana ng may mahinang bumatok sa akin.

“Nag-iimagine ka na naman” sabi ng nasa likod ko. Paglingon, nakita ko si Laikyn, isa sa mga friends ko dito. “Hindi mangyayari yang nasa imagination mo” nakangising sabi pa nito.

“Kaibigan ba talaga kita? Bakit ganyan ka sakin?” nakasimangot na sabi ko sa kanya at kinuha na yung mga gamit ko sa loob ng locker at sinarado na ulit.

Maglalakad na sana ako papuntang room ng hatakin ako ng magaling kong kaibigan papunta sa kabilang way.

“Tara sa gym. May practice daw yung mga varsity nood tayo” nakangising paliwanag niya sa akin habang hila-hila ako.

Agad kong hinatak pabalik ang kamay ko at tumigil sa paglalakad.

“Know the meaning of practice? Tska finals ngayon, baka nakakalimutan mo. Paalala ko lang”

Napasimangot naman ang kasama kong tumingin sa akin.

“Isang subject lang naman ang exam ngayon, ah. Tsaka ESP lang naman”

Hinatak lo naman sya pabalik sa hallway papuntang room namin habang nage-explane ako sa kanya.

“Nilalang mo ang ESP?!” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Agad naman siyang tumango at naguguluhang tumingin sa akin.

“Oo naman, pipili ka lang naman ng sagot sa multiple choice at ipapaliwanag mo kung bakit yun ang napili mo. Easy, basic.”

Lalaong nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi nya.

“Choose the best answer tapos kapag nagcheck right minus wrong” ganyan kase si Ms. Reyes. Papipilin ka sa multiple choices na puro tama naman ang nakalagay. Buti na nga lang hindi nagsabay yung usa pa nyang subyect sa amin - Araling Panlipunan. Baka sa mental na ang deretso ko pag nagkataon

“Don worry, hindi na chineckehan ang finals, nagsasayang lang sila ng papel at tinta ng ballpen”

Hindi ko na lang siya inintindi at pumasok na sa room na pag-eexam namin.

After hell hour. Na tapos na ang exam, isang exam nga lang pero 150 items naman at halos essay pa at dapat mapaliwanag ang isang topic in four to six sentences🤯

Nang maglabasan na, dumeretso na ako sa parking lot dahil na-iintay na yung sundo ko. Ang nga kaklase ko naman kakain pa daw sila at gagala kahit ang exam namin bukas ay syang magdadala sa amin sa mental -ang AP😭

Sino ba naman ang hindi matutuluyan? Pati problema ng bansa ibinigay sayo. Pati mga income taxes ipapasolve sayo, kaya sa math lang may forever eh. Kahit saan makikita sa science nga meron narin.

Speaking of science, page 223 kung hindi ako nagkakamali. The favourite page of all boys😈🙊






BackstabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon