Chapter 8
Dahil sa sinabi ni Angel agad na nagkaroon ng maraming tanong sa isip ko.
Bakit? Anong ginawa ko sa kanya para gaguhin nya ako ng ganoon? Bakit niya nagawa yun sa kabila ng pagiging mabuti ko sa kanya?
Sa kanya? Hindi ba tamang sabihing… Sa kanila?
Agad kong binalingan ng tingin ang isa sa mga tinutokoy ni Angel.
Nakita ko syang nakikipag-usap sa iba pa naming kaklase. Unang tingin akala mo inosente, akala mo mabait… Hindi naman pala.
Hindi ko lang lubos maisip na sa kabila ng ginawa nila sa akin nakukuha pa nilang lumapit na parang wala silang kagaguhang ginawa. Na para bang hindi nila niloko ang tanong tinuring silang kaibigan.Matapos ang araw na yun nag-iba na yung tingin ko sa paligid. Lalo na sa mga taong ngayon at matagal ko ng nakakasama.
Kase wala naman sa tagal ang pagbibigay ng tiwala. Katulad NILA, halos 4 years na kaming magkakasama pero nagawa parin nila yun sa akin.
Haanggang sa lumipas ang ilang linggo na hindi na kami nag papansinan. Kapag napapadaan sa harap ng isa’t isa parang hangin lang, parang hindi magkakilala at walang pinagsamahan.
Hindi nyo din naman ako masisisi kung iniiwasan ko sila. Kung hindi totoong sila ang may gawa noon, bakit sila umiiwas? Oo, noong una hinaharap ko pa sila at pinakikisamahan pero habang tumatagal napaptunayana ko yung sinabi ni Angel dati.
Sabi nga sa isang quote na nabasa ko “I forgive you, but I can't forget. My trust is now not easy to get. This tears of friendship can't last. Because we're suited to call ourselves you and I rather than US.”
Habang lumilipas ang araw mas pinapatunayan nila ang mga pagkakapali na nagawa nila sa akin.
Alam kong walang taong masama, because even Lucifer was an angel.

BINABASA MO ANG
Backstab
NouvellesAng istoryang ito ay tungkol sa magkaibigan... Hanggang saan nga ba ang kanilang pagkakaibigan kung ang Isa ay hindi naman mapapagkatiwalaan? Photo not mine. Credits to the owner