Pababa na si jia ng natapilok eto sa hagdan ng siyang ikina hulog at kinabagok ng ulo sa lamesa na nasa sala.
Habang ang nakababatang kapatid sa ina ni jia ay saktong gising na din sa pagkakataong 'yon at kasalukuyang nanunuod ng palabas na Cartoon Network.
Nagulat siya ng may malakas na kumulabog sa hagdan ng pagkakita niya agad siyang natulala at humingi ng tulong sa parents nito at agad naman nilang isinugod sa ospital si jia.
Ate please please 'wag mo kaming iwan ate. Umiiyak na sabi ni ily sa kanyang ate.
Habang isinusugod papasok sa ER si jia may mga ala-alang pumasok sa isipan niya.
"Mahal na mahal din kita jia, at hinding hindi kita sasaktan at iiwan" bulong ng isang lalaki sa kanyang isipan at tuloyan ng nawalan ng malay.
Dad ano na gagawin natin? Si jia, di pweding mawala sa atin dad. Humagulhol na sa labas ng ER ang mama ni jia.
Walang mangyayari sa kanya amalia. Mahinahong may dalang pag alalang sabi ng step father ni jia.
Makalipas ang ilang oras at hindi parin lumalabas ang doctor. Nag aalala na ng sobra ang ina ni jia at hindi na mapakali sa kakaiyak.
Pagdadasal nalang ang tangi niyang magagawa sa anak na kasalukuyang nakikipaglaban sa para kanyang buhay.
Habang ang naka babatang kapatid naman ay walang tigil sa pag iyak. Nasa labing isang taong gulang na ito. At nasa hustong gulang na.
Ma? Nakayukong sabi ni ily sa kanyang ina.
Ano 'yun ily? Nagugutom ka? Babalik na agad si Arthur may dalang pagkain umupo ka muna.
Hindi po ako nagugutom ma. Eh ano gusto mo?
Gusto ko lang pong magpaalam pupunta lang po 'kong chapel para magdasal para kay ate.
Oh sge anak balik ka agad ha. "Opo ma". At tsaka umalis ang binata.
Arthur si jia. Namamaga na sa kakaiyak ang mga mata ni amalia dahil sa kakaiyak, makalipas ang ilang oras wala paring doctor na lumalabas sa ER ng ospital.
After 3 hrs...
May lumabas na doctor.. At agad namang sinalubong ng buong pamilya kung ano na ba ang balita sa kay jia.
I'm sorry pero ginawa na nami ang lahat. Mamaya maya ay ilalabas na ang kanyang katawan at ililipat sa morgue. Maiwan ko na muna kayo. Malungkot na sabi ng doctor.
Hindi. Hindi. Hindiiiiiii. Hindi maaring mawala ang anak ko. Doc. please tignan niyo ulit. Doc. please habol ng ina sa doctor.
I'm sorry misis pero ilang oras na din naming ginawa ang lahat. Tinahi ang sugat niya sa may bandang likuran ng ulo niya na may matinding pinsala dahil sa pagkabagok at..... Napahinto ang doctor...
Ano doc. please sabihin mo. Pagmamakaawa ni amalia habang akay akay siya ng kanyang asawa na si Arthur.
At nasa tabi naman si ily na hindi makapaniwala sa mga nagyayari.
May internal bleeding po ang kanyang ulo. Nakayukong sabi ng doctor. Ginawa na po namin lahat misis kaya pasenya na po, condolences.
Bago pa nangyari ang tagpong ito. May mabigat na desisyong ginawa si ily pagkatapos niyang magdasal.
"Panginoon, Alam ko po na marami kaming kasalanan kay ate. Humihingi po kami ng patawad. At nagmamakaawa po akong pagalingin niyo po ang ate ko dahil siya lang po ang nag iisang ate na Mahal na Mahal ko at Mahal na Mahal ako. Siya lang po ang kakampi ko sa lahat ng bagay. Alam ko naman na may hinahinakit pa din si ate kay papa dahil sa pagkamatay ni Tito Leo. Alam ko po lahat 'yun pero sa kabila po ng lahat minahal niya pa po ako hindi siya nagtanim ng galit at trinato niya akong parang tunay na kapatid talaga na hindi lang magkapatid sa ina. Panginoon patawad po sa lahat ng pag lilihim namin kay ate. Pagalingin niyo lang po siya at sasabihin ko na po sa kanya ang lahat lahat ng nalalaman ko. Salamat po panginoon, amen".
YOU ARE READING
Beautiful You
Mystery / ThrillerTwo lover's in a distance and get back together after 3 years. They've been together for almost half of their lives but 1 mistake ruine everything they have. Yes he/she's your friend ever since but that doesn't mean that you will trust her in all as...