"Ano ba!! Bitawan ninyo nga ako!" Sambit ko sa mga kaklase kung walang ginawa kundi bulihin ako lagi."Hindi ba kayo napapagod sa ginagawa nyo?" Dugtong ko pa
Mga bweset talaga to....kailan ba ako titigilan ng mga ito..pag wala na ako siguro sa mundo.
"Hindi kami titigil!" Sabay tulak sakin dahilan para ako ay matumba.
"Lampa na, labo pa"
"At isa pa kung makagalaw daig pa ang babae sa hinhin"
"Ano ka ba talaga? Ito ang dapat sayo" pinagsisipa nila ako.
Wala na akong magawa kundi saluhin lahat ng sipa nila.... napaiyak na lang ako hindi dahil sa sakit sa mga sipa nila kundi sa hindi ko maintindihan kung bakit nila ginagawa to sakin.. Kasi sa pagkakaalam ko wala naman akong ginagawa ng masama sa kanila so bakit ko kailangan ito maranasan...
"Hoy! Itigil niyo na nga yan" sigaw ng isang taong papalapit samin.
Wow parang story lng sa mga aklat dadating ang Prince charming mo para iligtas ka...
"Wala naman ginagawa yung tao sa inyo ahhhh" dagdag pa niya
"Wag ka ngang makialam dito baka gusto mo ding masaktan"
Kumuha siya ng phone at parang may tinatawagan "Hello! Pumunta ka dito sa park, bilisan mo"
"Oh, padating na ang mga polis. Hindi niyo pa siya titigila?" Kuripas naman sila sa pagtakbo ngayun.
Salamat at umalis nadin ang mga hinayupak na yun...ang sakit tuloy ng katawan ko.
"Okay ka lang?" Sambit niya sakin
"Ah eh...okay naman ako...salamat nga pala"
"Wala yun" sabay ngiti niya sakin.
Gwapo na ang bait pa...crush ko na siya pero bawal parihas kaming lalaki...crush lng naman eh kung baga inspiration ko lang.
"Annnnnaaaaakkkkkk ay ano gising naaaaa balak mo bang matulog na lang habang buhay"
Grabe naman si mama tinalo pa ang alarm clock ko sa lakas ng boses...pang-ilan ko na bang napapanaginipan yang panaginip nayan lahat naman laging bitin....eh ano pa aasahan ko wala namang panaginip na tapos laging bitin...
Diko man lang alam pangalan ng bata na nagtangol sakin noon 5 years old ako nung mga panahon na yun eh...
"Ito na nga po oh baba na" sagot ko kay mama
Si mama talaga kahit kailan meron siguro kaya mainit ang ulo hahah....pero mabait naman talaga yan kaya love na love ko yan eh...
Ako nga pala si isprikitik di churbanes hahah....joke lang I'm Tristan Andrew Lee, Tristan for short and I'm 19 yrs of age first year college. I always wearing contact lens kasi may pagka mariang labo narin ako eh... Only may mom ang nagpalaki sakin kung tinatanong nyo where's my father I dont know where he is... At wala narin akong balak alamin pa kung sino siya...
"Good morning ma"
"Kumain ka na...diba ngayon ka magpapainroll?"
Umupo na ako at nagsimula ng kumain....
"Opo ngayun nga un" sambit ko kay mama
"Eh anong oras na aber.....ma 8 na ah"
"Ito na nga po eh...binibilisan ko ng kumain"
Pagkatapos kung kumain, pumunta na ako sa kwarto ko para maligo....isang dekada ang lumipas...finally natapos din. Nakasuot lang ako ng white shirt and black ripped jeans.
Nagpaalam na ako kay mama at sakto paglabas ko may dumaang taxi....pagkarating ko sa school na papasukan ko makikita mo agad ang isang malaking pangalan ng school ang 'Einstein University'
Pangalan pa lang halatang mga matatalino ata ang pumapasok dito at mga rich kid.
Ano kaya magiging buhay ko dito? Hi nako bahala na si wonder woman.
Pumasok na ako sa gate....hindi naman masama maganda din tong school. Malawak at malaki ang school.....Ilan kaya pumapasok dito......baka thousands?
Beeeeepppp
"Ay palaka ka!" Gulat na turan ko bigla na lang may nagbobosina sa likod..
"Ay ano gusto mo bang magpakamatay....alam mo bang daanan yan dyan ka pa paharahara!" Sigaw ng may ari ng car
Ang yabang nito kala mo kanyang daan eh malay ko bang dadaan siya pasalamat ka mabait ako ngayon.
Kaya tumabi na lang ako at ayaw ko pa kayang mamatay...hindi pa nga nakakalove life mamatay agad.
Tumigil ang sasakyan sa harap ko sabay pagbukas ng window ng sasakyan parang akoy nakakita ng isang prince masasabi mo talagang gwapo siya.....pero ang SAMA ng ugali.
"Sa sunod wag kang pahara hara" sambit niya sakin sabay pinaandar na niya ang kanyang red sport car.
Tingnan mo ang yabang talaga.... Pinangangatal ako nito ah... Tristan puso mo inhale exhale.
Natapos ang araw at nakapairoll ako parang hindi magiging maganda ang pagpasok ko dito...
Dahil sa bweset na lalaking yun...
Sana di ko na makita pa yung pagmumukha niyang iyun....~~~~~~~~~
Salamat natapos din ang first chapter😁😁 don't forget guyz to vote, comment and share.....at ifollow nio rin ako @JOEwala_23
BINABASA MO ANG
My Secret Identity (On-going)
Teen FictionIsang lalaki na takot tanggapin ang kanyang sarili kung ano talaga siya. Takot na pag tinanggap niya baka magbago ang lahat, magbago ang mundo na ginagalawan niya. Natatakot siya na baka pati mga mahal niya sa buhay layuan siya at higit sa lahat tak...