"Ehemm"
Napaayos kami ng tayo ng makarinig kami na may magsalita.
"Anong ginagawa niyo" sabi niya.
"Ano kasi.....ganito yan!" Sambit ko sabay tumingin kay Kurt.
"Napatid ako ng wire tapos na out balance ako buti na lang at nasalo ako ni Kurt" paliwanag ko sa kanya.
"Ah..."
"Ano pala ginagawa mo dito Ethan?" Tanong ko.
"Yayain sana kitang maglunch ngayun" sambit niya..
"Sure tara, tapos narin naman kami ng practice" sambit ko sabay kinuha ko na ang bag ko at isinagbit sa likod ko.
"Kurt baka gusto mong sumama?" Grabe wala talaga siyang imik kanina pa and worse ang sama pa ng tingin sakin.
"Kayo na lang!" Cold voice niyang sabi. Himala nagsalita.
"Okay, ikaw bahala! Pero pagnagbago isip mo sunod ka na lang" sambit ko kay Kurt.
"Tara na Ethan" pagyaya ko sa kanya.
Nakarating kami agad sa canteen pero lahat ng upuan occupied na.
"Puno na pala dito" sambit ko kay Ethan.
"What if sa garden na lang tayo kumain?" Alok niya sakin.
"Sige ba" pagsang-ayon ko.
Siya na ang umorder ng pagkain namin at isa pa libre niya daw ako. Mapilit siya kaya wala ako nagawa kundi sumang-ayon na lang. Nang matapos siyang umorder dumeretso na kami sa garden malapit lang sa canteen kaya madali na kaming nakarating wala pa naman isang minuto ang paglalakad.
"Kamusta pala practice niyo?" Tanong niya sakin.
"Okay lang kahit may pagka-bipolar siya" sambit ko.
"Hayaan mo na lang yun sadyang ganon lang talaga ang ugali nun" sambit niya.
Pinagpatuloy namin ang pagkain at sa kalagitnaan ng kasarapang kumain napatigil ako dahil sa tanong niya na hindi ko alam kung joke ba.
"Tristan pwede bang ligawan ka?" Sambit niya.
"HAHAHA!!! Nagjojoke ka ba? Pero infairness nakakatawa grabe HAHAHA!!!" napatigil ako sa pagtawa ng mapansin ko ang mukha niya na nakakunot at seryoso.
"Seryoso ka?" Tanong ko sa kanya.
"Please Lord sana joke lang" sambit ko saking isipan.
"Oo, una pa lang kitang na meet gusto na kita" sambit niya.
"Liligawan niya talaga ako!!" Sambit ko sa isipan ko.
Kurt POV
Mga ilang minuto naisipan kung sumunod sa kanila pero pagdating ko sa canteen wala sila siguro kaya wala sila dito dahil occupied na lahat ng table. Naglakad na ako paalis ng canteen pero hindi pa ako nakakalayo nahagip ng aking mata ang dalawang lalaki na nakaupo sa may garden. Kaya naman lumapit ako sa kanila pero napatigil ako sa narinig kung pagtawa ni Tristan. Siguro baka makaistorbo pa ako sa kanila. I feel na parang it hurt sa part ng puso ko na makitang iba ang nagpapatawa sa kaya. After that umalis ako agad.
Ylona POV
Hi! Salamat author nagka-pov na din ako sa wakas.
(naawa kasi ako sau)
Ako nga pala si Ylona Sanchez 19 yrs. of age. I'm the only one friend ni Tristan. First impression ko sa kanya mabait siya kahit minsan may pagka-mataray pero mas lamang yung mabait.
Nalaman ko din na gay siya because of my power charot lang, its because of my instinct HAHAHA.....eventhough na ganyan siya okay lang sakin. Nabigla nga ako sa tinuran niya na baka ko daw layuan siya, ano siya isang virus. Nagtataka nga ako sa kanya kung bakit tinatago niya yung real identity niya. Pero naintindihan ko naman siya kahit papaano nahihirapan siyang sabihin sa iba dahil nga sa baka walang tumanggap. Mundo nga hindi tanggap sila ano pa kaya ang mga tao.
Madalang ko lang nakakasama si Bess dahil busy lagi ako as a president ng classroom maraming ipinagagawa sakin ang mga teacher at kasama na itong Singing Competition.
Naglalakad ako papuntang office para isubmet yung event para sa singing competition ng may tumawag sakin.
"Hey, wait!!" Humarap ako kung sino yun and omg my Ethan my loves....aaminin ko gusto ko siya.
"Bakit anong kailangan mo?" Kunwari mataray ako hehehe..
"May itatanong lang ako"
"Nililigawan ka ba ni Tristan?"
Nabigla ako sa sinabi niya....wow ha napapagkamalan kami na magjowa...oh my gash kung alam lang nila na hindi kailan man siya papatol sa babae.
"Ako?!! Nililigawan! Nagjojoke ka ba? At isa pa lalaki naman ang hanap nun hindi baba--" napatigil ako sa pagsasalita ng magsink in sakin kung ano yung mga pinagsasabi ko....
"Patay!" Sambit ko sa isipan ko sabay takip sa bibig ko.
"Anong sinabi mo?" Gulat niyang sabi.
Hala patay ako kay Tristan nito... Bweset na dila to nakakainis. Pano nayan ....
Ethan POV
Pinuntahan ko si Tristan sa Music Room para yayaing mag-lunch pero nabigla ako kung ano nakita ko....nakayapos si Tristan kay Kurt. Napaayos sila sa kinatatayuan nila ng magsalita ako.
"Anong ginagawa nio?" Tanong ko sa kanila.
Sinabi naman niya ang dahilan kung bakit, dahil daw yun sa wire napatid siya. Afte that niyaya ko siyang maglunch and then pumayag naman siya.
Napansin kung masama ang mood ngayun ni kurt. Sa tingin ko ano....sana naman mali ang hinala ko.
Dumeretso kami sa canteen at ng makarating kami nakita naming occupied na lahat ng upuan kaya I suggested na sa garden na lang kami kumain. Ako na din ang umorder saming dalawa and after that pumunta na kami sa garden malapit dito.
Isa pa kaya ko siya niyaya maglunch para to tell about my feelings to him. Buti na lang naaksidenteng nadulas ang dila ng kanyang friend at nasabi sa akin ang tungkol sa kanya na nagbigay sakin ng lakas ng loob para umamin. Sa una natatakot kasi ako dahil alam kung straight siya and I don't know kung matatanggap niya ako pero ngayun buo na ang desisyon ko.
"Seryoso ka?" Tanong niya sakin na parang hindi siya makapaniwala.
Sino naman ang hindi maniniwala na isang lalaki aamin ng feeling sa kapwa lalaki diba so hard to believe lalo na kung straight ang isa.
"Oo, una palang kitang nakita sa mall alam kung gusto na kita" sambit ko.
Hindi ko pagsisisihan na niligawan siya. Ipaglalaban ko siya sa kahit sino kahit kapalit pa nito ang buong buhay ko.
To be continued.....
BINABASA MO ANG
My Secret Identity (On-going)
Teen FictionIsang lalaki na takot tanggapin ang kanyang sarili kung ano talaga siya. Takot na pag tinanggap niya baka magbago ang lahat, magbago ang mundo na ginagalawan niya. Natatakot siya na baka pati mga mahal niya sa buhay layuan siya at higit sa lahat tak...