Chapter 11

1 0 0
                                    

A.N
Hello readers pasinsya na sa chapter na to kasi subrang liit talaga nito...pero sa next chapter mahaba haba siya....

Thank you😘

°°°°°°°°°°°

Tristan POV

Naglalakad ako ngayun habang iniisip parin ang mga sinabi sakin ni Ethan. Bakit naman ako gustong ligawan. Hindi naman ako babae. Haist nakakaluka....

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko kung sino yung papalapit sakin. Dalawang taong naglalakad na magkaakbay na parang magjowa lang ang peg.

Ano tong nararamdaman ko bat feeling ko ang sakit-sakit sa may part ng puso. Anong nangyayari sakin.

Dinaanan lang nila ako ng hindi pinapansin. Bakit ko naman gusto kung mapansin una pa lang di kami close. At ng makalayo na sila hindi ko na lamang namalayan na tumutulo na ang mga luha ko...

"Nakakainis ano bang nangyayari sakin?" Sambit ko sabay pahit ng mga luha ko.

"Inhale.....exhale....wala lang ito Tristan napuwing kalang kaya ka lumuha, okay!" Sambit ko pa.

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko pero sa halip na sa Music Room ang punta hindi na ako natuloy kasi ano pa ang gagawin ko kung mag-isa lang ako dun.

"Bess.....hintay!!!" Napalingon ako kung sino tumatawag sakin at si bess pang pala yun.

"Oh....bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Nagkita na ba kayo ni Ethan?" Kinakabahan niyang saad.

"Oo, bakit may problema ba?" Pagtataka ko.

"Sorry Bess, nasabi ko sa kanya!"

"Ano yung sinabi mo sa kanya, tungkol saan yun?"

"Sorry Bess, nadulas lang ang dila ko kaya ko lang nasabi"

"Andami mo pang pa-introduction, i-direct to the point mo na nga!" Inis kng turan.

"Promise ka mo nang hindi ka magagalit" sambit niya.

"Tsk, ano na kasi yun?"

"Promise ka muna"

"Oh siya, sige na nga promise"

"Nasabi ko kay Ethan na hindi ka straight"

"What!!!!!" Gulat na turan ko.

Hahampasin ko na sana siya ng bigla siyang tumakbo.

"Wag kang magpapakita sakin babae ka!!!!" Sigaw ko sa kanya.

"Sorry talaga Bess!!!" Sigaw niya habang tumatakbo..."hayaan mo babawi na lang ako sa sunod" pahabol niyang turan at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

Yari sakin yang babae na yan pagnakita ko....kakalbuhin ko talaga siya.

Dumeretso ako sa canteen dahil nakaramdam ako ng gutom at ng makarating ako napatigil ako kinatatayuan ko. Nakita kung hinahalikan ni kurt yung babae...
Napatulala ako at hindi ko alam kung anong nararamdaman ko o ano bang irereact ko. Bakit parang affected ako at ang laking impact sakin ng mga nakikita ko dati okay lang naman pero ngayun I feel dump by someone ang sakit.

Napatigil sila sa paghahalikan at napagawi sakin ang tingin ni Kurt pero wala paring imosyon ang mga tingin niya.

Bigla na lang ako lumabas ng canteen at nagtatakbo palabas ng gate ng school habang patuloy na nagbabagsakan ang mga luha ko.

"Bess pasaan ka di pa tapos ang klase" sigaw ng isang familiar na boses pero hindi ko na ito hinarap pa at pinansin nagpatuloy na lang ako sa pagtakbo.

Nasa kwarto ako ng bahay namin at nagkulong habang iyak ng iyak. Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko bat parang tinutusok tusok ng karayum sa subrang sakit.

Humiga ako sa kama ko habang patuloy parin sa pag-iyak.

"Wag kang umasta na parang may kayo" sambit ko sa aking sarili.

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

To be continued....

My Secret Identity (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon