Nang ma-text na niya sa'kin ang address niya, nagpalit na ako ng damit so I wear white T-shirt and fuckboy short at nagmadali na akong umalis...
"Kuya sa Einstein Hotel nga po" sambit ko kay kuyang driver. Pangalan pa lng ng hotel I think sila ang may-ari.
"Kuya pwede bang dumaan muna tayo sa malapit na Jollibie may bibilhin lang po ako"
"Okay po sir"
After 10 minutes...
"Kuya wait mo lang ako dito, saglit lang ako dun"
"Sige po sir"
Pumunta na ako sa counter para umorder. Buti na lang walang gasinong customer kaya madali akong makaka-order.
"Ano po order nila?" Tanong sakin ng isang babae na parang kaidaden ko lang. Siguro part time worker siya dito.
"One bucket of chicken, 2 rice, 2 cokefloat and 1 big Hawaiian Pizza" order ko sa girl.
"Take out po sir?" Tanong niya.
"Yes" maikli kong sambit.
"Ito po sir!" Sabay bigay ko din ng ATM ko.
"Thank you po sir, balik kayo" sabay balik niya sakin ang ATM.
Lumabas na ako ng Jollibie bitbit ang mga inorder ko at sumakay na ako sa taxi...
"Sorry kuya sa paghihintay, tara na po!" Pinaandar na niya ang sasakyan...
After 5 minutes.....
Kaharap ko ngayon ang isang malaking hotel. I think nasa 30th floor ito.
"Kuya ito po yung bayad ko, keep the change na lang po, thank you"
Pumasok na ako sa hotel bitbit ang mga pagkain at pumunta na sa may counter to check kung saan yung dorm niya dito...
"Excuse me miss, saan naka-in si Mr. Kurt Einstein?" tanong ko sa kanya.
"Kaano-ano po kayo ni sir?" tanong niya sakin.
"Ah...eh friend niya po ako"
"Sigurado po kayo sir?!" Ano sa palagay niya sakin sinungaling.
"Kung hindi po kayo naniniwala tawagan niyo na lang po siya" sambit ko na may pagkainis.
"Sige po, wait lang po ha" ang tagal naman ang bigat na kaya ng dala ko.
Kkkkrrrrriing.....
"Hello po sir, good evening. Meron pong isang taong nag--. Ah opo sya nga po sir...sige po....thank you"
"Ano sabi?" Tanong ko sa babae.
"Sa 8th floor, room 101"
Dumiretso na ako sa elevator at pinindut ang 8th floor. Bweset na lalaking yun pwede naman siya na ang bumili ng pagkain but ako pa at ano kaya ipagagawa nun dito.
Tiiiiiiiing.....
Finally, andito narin sa wakas nasan na kaya ang room 101..... hanap-hanap tingin to the left and right and I got you....ito na siguro...
Toktoktoktok....
Bumukas ang pintuan at nakita ko ang isang napaka-gwapo but DEVIL ang pag-uugali.
"Oh ano?! Tititigan mo na lang ba katawan ko! Hindi ka ba papasok?" Cold na sabi niya.
"Feeler ka dyan! Eh meron din naman ako niyan! Kaya wag kang feeling!" Inis kong turan sa kanya.
Feeling nitong lalaki nato, kapal ng face niya. Sinong magkaka-interest sa katawan niya! Alam ng may bisitang pupunta naka-topless pa siya at naka-boxer pero infairness ha...yung boxer panda...ang cute.
Pumasok na ako sa loob at ng hindi pa ako nangangalahati napasingkit na ang mata ko sa aking nakita.
"Tao pa ba ang nakatira dito?!" Tanong ko sa kanya pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.
Kasi naman nagkalat ang mga beer can, bottle of softdrink, mga balat ng malalaking chichirya at ang pinaka worse mga nagkalat ang mga damit, short and pants. Grabe ni walang attitude na maging cleanliness man lang kahit sa condo niya. Hindi pa siya inaamag, ginuguyam, or iniipis dito, mas malala pa ito kesa sa squatter sa subrang GULO.
"Ito oh, pinabibili mo?!" Sabay abot sa kanya pero hindi parin ako makatingin sa kanya dahil sa walang pantaas siyang suot.
"Pwede bang magbihis ka muna?" Turan ko sa kanya.
"Eh ano naman kung ganito ang suot ko, bahay ko naman to!" Walang imosyon niyang saad.
Oo nga bahay naman niya to pero may kasama siya no...hindi lang po siya ang nag-iisa..
"Baka nakakalimutan mo may kasama ka no!!" Inis kung sambit.
"Eh ano lalaki ka naman, wag mong sabihing......" pagputol niyang sambit sakin habang inilalapit niya sakin ang mukha niya.
"Gay?! Hindi ah! Lalaki kaya to!" Sambit ko with a manly voice para hindi niya mahalata.
"Okay! Sabi mo!!" Sabay lapag niya sa table ang mga pagkain.
"Bat andami mong binili! Ako lang naman ang kakain"
"Hindi lang ikaw no! Di pa po ako kumakain"
"Ano pang tinutunganga mo dyan?!"
Umopo na ako katapat niya at nagsimula ng kumain. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng magsalita siya.
"Nanliligaw ba sayo si Ethan?"
"Ahk....ahk...tubig! Tubig" nabilaukan ako sa sinabi niya. San ba niya nakuha yun. Bat niya natanong.
"Ito oh, dahan dahan sa pagkain para kang hindi napakain sa bahay niyo!" Cold niyang turan.
"Anong klaseng tanong kasi yun?" Sambit ko
"At isa pa hindi naman magagawa niya yun dahil alam kung straight siya at ganon din ako! Wait bat ba ako nagpapaliwanag sayo hindi naman tayo close!"
"Hindi naman siya straight!" Napatingin ako sa kanya pero tuloy parin siya ng kain.
"What do you mean?!" Diko kasi maintindihan.
"Bisexual kasi si Ethan at hindi Malabo na magkagusto siya sayo" nagbago ang tuno ng boses niya na parang may something....
"What?!!"
Bisexual si Ethan kaya pala nung nagka-usap kami sa canteen nag-open siya about that at hindi ko lang alam isa pala siya dun...
Matapos kaming kumain niligpit ko na ang aming pinagkainan.
"Isa pa pala pakilinis narin ng condo ko!" Wow ha utosan..
"No way!! Isa pa anong oras na!"
"Basta linisin mo yan!"
"Ayoko nga, kalat mo yan dimo linisin!!" Inis kong sabi
"Baka nakakalimutan mo PA kita!" Galit niyang turan.
"PA nga! Pero hindi kasama sa gawain ko to!"
"Pwess kasama na ngayun!" Sigaw niya sabay pasok sa kwarto niya...
"Haist....Bweset ka di ka pa namatay!!!" Sigaw ko sabay napasabunot ako sa buhok ko...
To be continued....
BINABASA MO ANG
My Secret Identity (On-going)
Teen FictionIsang lalaki na takot tanggapin ang kanyang sarili kung ano talaga siya. Takot na pag tinanggap niya baka magbago ang lahat, magbago ang mundo na ginagalawan niya. Natatakot siya na baka pati mga mahal niya sa buhay layuan siya at higit sa lahat tak...