Kurt POV
Sinusundan ko kanina pa si Tristan at nong nakaramdam siya na tila may sumusunod sa kanya binilisan niya ang paglakad. Nang sa tapat na siya ng isang vacant room hinatak ko siya at tinakpan ang kanyang bibig kasi alam ko na magsisigaw to at hindi nga ako nagkamali.
May pakay kasi ako sa kanya kaya gusto ko siyang makausap kaya hinatak ko siya dito sa vacant room at ang pakay na yun ay gagawin ko siyang personal assistant. Hindi ko alam kung bakit ko gustong maging PA basta may tumutulak sakin na gawin ko daw yun.
Dito sa school hindi ko first time na nakita siya, nung nasa mall kami dun kasi namin napili para magperform and when we start kumanta I saw someone standing malayo samin nag-iisa siya dun at nanunuod. Hindi malinaw sakin yung mukha niya kasi nga malayo pero I feel strange na parang may kakaiba sa kanya.....
Kaya nga nung nakita niya ako sa cr nakaramdam ako ng guilt na hindi ko maintindihan kung bakit yun na lang ang naramdaman ko toward him kaya yung ginagawa namin nung ka flirt ko hindi ko na naituloy kasi nawalan na ako ng gana. Inisip ko na lang na wala lang itong feeling nato pero nung nakita niya uli kami sa library I feel the same feeling nung nakita niya ako sa cr. Ewan ang gulo!
Kaya ginawa ko siyang PA para mas mapalapit ako at makilala ko siya kasi sa Simula palang ang hirap basahin ang mga galaw niya. And I want to know something kasi feeling ko may something siya na tinatago.Napa-oo ko naman siya na maging PA ko, kung hindi pa takutin hindi pa siya papayag. Pero nabigla ako ng itutulak niya sana ako para makadaan siya pero umiwas naman ako kaya naman na out balance siya. Hinawakan ko siya sa baywang para hindi siya matumba pero ang bigat niya pala. Hanep nito ang payat niya pero ang bigat, anong ginagawa kaya nito.
Dahil sa ang bigat niya nasama ako sa pagtumba at ngayun nasa ibabaw niya ako....nakatitig lang ako sa kanya at parang na hi-hypnotized ako ng mga titig niya kaya tumagal kami ng ilang minuto ng ganong pose. Napabalik lang ako sa ulirat ng mag salita na siya at naramdaman ko na tumayo na pala si junior ko. Kaya naman mabilis na akong tumayo. At sinamaan siya ng tungin para hindi mahalata niya na affected ako sa nangyari....wait hindi naman talaga ako affected e.
Umalis na siya at naiwan ako then nakatanggap ako ng text na may meeting kami ng mga kaband ko. Para saan naman kaya yun? Baka may perform na naman.
Tristan POV
Nakakainis yung bweset na lalaking yun gawin ba naman akong PA haysss...
Hindi na ako naka-attend ng last subject ko dahil sa bweset na lalaking yun.
"Heyyyy..bess.." Alam ko na kung sino yan.
Tumingin ako sa likod ko kung sino tumatawag sakin hindi nga ako nagkamali.
"Ano naman ang kailangan mo?" Walang gana kung sabi sa kanya.
"Kanina pa kitang hinahanap...kasi ano" hingal niyang sabi.
"Huminga ka nga mona....inhale.. Exhale... so ano yun?"
"Kasi Bess......"
"Ano nga?!"
"Ano kasi Bess...ganito kasi yun" ginagalit ba ako nito.
"Sige isa pa! At mababatukan na kita! Ano kasi yun?!" Inis kung saad sa kanya..parang subrang sama ng sasabihin e hindi pa masabi.
"Ikaw yung representative na ilalaban para sa singing contest sa isang linggo"
"Yun lang pala hindi pa masa-b-i"
"ANOOOO?!!!" Sambit ko na hindi makapaniwala.
"Representative ka para sa singing contest" pag-uulit niya.
"Bat ako?! Di ba classmate nating ang The Realm bat hindi na lang sila!" Nakakainis bat ako pa.
"Hindi sila sinali para pantay ang laban....saan ka kasi kanina bat di ka pumasok?"Napatigil ako sa tinuran niya.
"Ano kasi may ginawa ako....Oo tama may ginawa ako kaya hindi ako nakapasok" pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Yan kasi kung pumasok ka kanina di sana nakaayaw ka pero wala ka kaya sorry na lang" sambit niya sakin.
"Pero alam kung kaya mo yan at maganda din boses mo"
"At pano mo naman nalaman aber?"
"Instinct ko" ngumiti pa siya ha..
"Pwes dyan ka mamamatay sa instinct mo!!" Inis kong turan sa kanya. Maganda naman boses ko pero may stage fright ako nahihiya lang akong humarap sa maraming tao kaya nga sa cr lng ako kumakanta.
°°°°°°°°°°°
Bweset na buhay to kailan ba magiging maayos ang buhay ko. Sunod-sunod na ang problema ko una sa Bweset na lalaking yun at pangalawa itong singing contest ano kayang sunod...
Andito ako ngayun sa kwarto ko nakahiga lang nag-iisip hanggang sa nagring ang phone ko.
Krrrriiiinggg....
Sino na naman kaya tong tumatawag, hindi kasi nakaregestered yung phone number sa phone ko.
"Hello, sino to?"
("Ako to")
"Anong ako to?! Akoy bay pinagloloko mo!!?" Inis kung saad kanya..
("Pumunta ka dito sa dorm ko") wait kilala ko tong boses na to ah
..at saan naman niya nakuha phone number ko."Ayoko nga at isa pa gabi na" sambit ko sa kanya
("Wala akong pakialam basta pumunta ka dito") galit na turan niya.
"Sabi kong A-Y-O-K-O nga" kung hindi pa niya maintindihan nako.
("Subukan mo lang hindi pumunta dito..") Binabantaan ba niya ako.
"At anong gagawin mo aber ha?!"
("Ako lang naman may-ari ng school at pag sinabing may ari alam mo kung anong pwede kung gawin!"
"Okayyyy!" Wala na akong nagawa pa.
Ibaba ko na sana ang phone ng magsalita siya..."text ko na lang ang address at pagpunta mo bili mo ako ng food sa Jollibie "
Wow ha! galing niyang umutos bat hindi na lang siya ang bumili may pagkabatugan talaga yun. Kung hindi lang siya may-ari ng school hindi ako pupunta talaga. Bat kasi naisipan papuntahin ako dun ay gabi na. Lintek na buhay na to oh!
To be continued.....
°°°°°°°°°°°°
AN.
Sorry maikli lng tong chapter...
Pero I try na habaan sa susunod na chapter...kaya sa mga silent reader dyan at least vote naman kayo dyan kahit papaano.
VOTE, COMMENT, SHARE and FOLLOW
BINABASA MO ANG
My Secret Identity (On-going)
Teen FictionIsang lalaki na takot tanggapin ang kanyang sarili kung ano talaga siya. Takot na pag tinanggap niya baka magbago ang lahat, magbago ang mundo na ginagalawan niya. Natatakot siya na baka pati mga mahal niya sa buhay layuan siya at higit sa lahat tak...