58

2.4K 73 16
                                    

Author's note:

This is the longest part that I have written so far. I can't believe I wrote more than 3,400 words😅

Enjoy reading and stay hydrated!😎

__________________________

Saturday, December 7

Tylli

It was around 3:45 p.m. when Yanna sent me a message saying that they're on their way to our house. Susunduin nila ako. I was already done dressing up so I just went downstairs and waited for them in our living room.

Hindi rin nagtagal ay narinig ko ang busina ng isang sasakyan sa labas. Siguro ay sina Yanna na 'yon.

"Ma, aalis na po ako. Nandiyan na sina Yanna eh." Binaling ni Mama ang tingin niya sa akin mula sa TV.

"Oh sige. Mag-ingat kayo doon ha? And please greet Joshua a happy birthday on behalf of me."

"Opo, Ma. Bye po." I kissed her cheek. Kinuha ko ang aking bag pati na rin ang regalo na nakapatong sa coffee table.

I looked at Mama again and waved her goodbye. Lumabas ako sa bahay at nakita ko kaagad sina Yanna, Crizha, Suzy, Karl, at Louie na naghihintay sa akin.

I waved and smiled at them. "Tara na, guys."

"Excited ka masyado, sis." Suzy laughed.

"Wow! Sino kaya ang nagchat na magbihis na ako dahil naka bihis na daw siya kahit 2:30 pa lang?"

Suzy rolled her eyes and pinched me in my arm.

"Let's go na!" Yanna pulled me to sit beside her.

"Saan po ang susunod, Sir Louie?"

"Sa bahay na po nina Tita Ruth at Tito Jossiah, Kuya Bong." Louie said to their driver.

Aiden and Marco were not with us dahil malapit lang naman ang bahay nila sa bahay nina Joshua. 'Yon ang sabi nila.

"Yung watch lang ba yung gift mo for him?" Crizha whispered to me.

"Yes. Why?"

"You should have written a letter!"

"Eh? If I'll write one, baka blank page lang ang maibigay ko dahil wala naman akong gustong sabihin." I chuckled.

"Hay nako! You should have written why you liked him and other cheche things."

"Hayaan mo na."

"Anong pinag-uusapan niyo diyan?"

"Suzy, pagsabihan mo nga ang bebe mo na huwag maging chismoso." We laughed at what Crizha has said.

"Bakit ang sungit mo? Dahil ba wala dito si Marco?" Karl teased her.

"Hindi kaya! I just woke up at the wrong side of the bed. That's all!"

"Okay." We laughed again.

After a few minutes we arrived in a subdivision. All of the houses looked so elegant. Malalaman mo kaagad na may kaya ang mga tao na nakatira dito dahil kahit ang harap lamang ng bahay ay sumisigaw na ng karangyaan.

Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon