84

2.3K 64 38
                                    

Tylli

It's Monday and today is our Recognition day. Thirty minutes before magsimula ang program ay nakarating kami nina Mama, Papa, at Ate sa school, marami-rami na rin ang naroon.

Sad to say but, Kuya Asul can't come today because they still have classes. He's already in his first year in college, their class started in August, so may pasok pa sila.

The recognition will be held in the school auditorium at ngayong hapon ang recognition ng mga Grade 11, kaninang umaga naman ang moving up ng mga Grade 7 to Grade 9.

I saw my friends on their respective seats already.

Bago ako pumunta sa upuan ko ay hinatid ko muna sina Mama at Papa sa upuang naka-assign sa kanila. Si Ate naman ay sa likod na lang daw uupo kasama si Kuya Gio. Nakita ko sina Tita Ruth at Tito Jossiah na nakaupo na rin sa kanilang mga upuan.

"Good afternoon po, Tita, Tito."

Lumapit ako sa kanila at binati sila. Nagmano ako sa kanila, and Tita Ruth kissed me on my cheek.

"Good afternoon, hija."

Lumapit ako sa mga magulang ko at pinakilala sila.

"Tita, Tito, this is my Mama Krystel and Papa Gabriel." Pagpapakilala ko sa kanila.

They shook hands and talked. Umupo na rin sina Mama at Papa sa upuang katabi lang nina Tito Jossiah at Tita Ruth.

"Tylli," Napatingin ako sa likod ko nang may tumawag sa akin.

"Hinahanap ka na nila Suzy."

It was Joshua.

"Anak, halika rito," si Tita Ruth. Lumapit siya sa amin.

"This is your Tita Krystel and Tito Gabriel. Tylli's parents."

"I've met them already, Mom." si Joshua.

I heard Tito Jossiah chuckled.

"Oh! Hindi ko alam! Bakit hindi mo sinabi sa akin na you already met her parents? Itong batang 'to talaga." Napailing na lang si Tita Ruth.

"Your son is nice and respectful. Plus factor na lang yung kagwapuhan niya, kumare," sabi ni Mama.

Kumare? Did I hear it right?

Our Dads just laughed sa sinabi ng mga Nanay namin.

"Alis na kami, Ma, Pa, Tito, Tita..." Pagpapaalam ko.

"Sure! Go na. Hinahanap na kayo ng mga kaibigan niyo. Hayaan niyo na lang kami rito at mag-uusap pa kami." sabi ni Tita Ruth.

Sabay kaming umalis ni Joshua.

"Close na agad sila?" I laughed.

"Maybe, they will talk about our arranged marriage?"

Hinampas ko siya sa braso at tumawa. "Hindi na uso 'yon ngayon! Grabe ka! Nasa Wattpad ka bro?"

He pinched my cheeks at hinawakan ang kamay ko.

Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon