MACY
Naramdaman ko ang paglubog ng kama ko, ibig sabihin may pumasok sa aking kwarto.
"Akala ko ba ngayon pasok mo?" Napabalikwas ako ng wala sa oras. Tingin sa wallclock sa bahay. 7:00 am na! Ordinaryong araw para sa pagbabago ng aking body clock.Shoot! Late na ako! Tatlumpung minuto nalang pala ang natitira. Kumaripas ako ng takbo sa aming pasilyo.
"Ma naman e! Bakit 'di mo ako ginising?"
"It's okay baby. First day palang yata ng pasok mo hindi ba?"
"Kahit na po, Ma!"
"Nagprepare ako ng breakfast mo sa baba. Bilisan mo diyan baby, alright?"
Nagmamadali akong nagtuyo ng aking buhok gamit ang blower ko sa aking kuwarto. Tinali ko rin ang aking buhok into a messy bun saka ako pumanhik palabas sa aking kuwarto.
Nagdire-diretso ako sa may hapag ng walang lingon-lingon kay Mama.
"Wow naman, ang ganda naman ng anak ko!"Pinisil pisil pa ni Mama ang aking pisngi."Ma, stop it!"
"Hi Tita Mave! Si Tito Jacy po?" Sabay kuha niya ng isang pancake sa lamesa. Pinasadahan ko siya ng tingin. Bagong gupit ang loko, bumagay sakaniya ang uniform namin. Nakaka-asar dahil sa kahit ano yatang suotin nito ay bumabagay. Matangkad ito, moreno, may matangos na ilong, makorteng kilay na mas nagdepina sa mukha niya. Matangkad na siya kumpara sa mga kaedaran namin, maganda rin ang hubog ng kaniyang katawan kapayatan pero bumabagay sa mukha niya. In short, gwapo siya.
Pinagmasdan ko lang silang nag-usap ni Mama. Siya ang bestfriend ko, Siya si Kyle Dominique Rivera, mabait 'yan at sweet na kaibigan. Mapang-asar nga lang.
Napadako ang tingin niya sa akin, na-concious ako bigla, okay lang ba ayos ko?
"Hi macy, good morning!" Bati niya sa akin. Lapad pa ng ngiti.
"Morning din." Tipid kong tugon tsaka nagsubo ng pancake sa aking bibig.
"Kausapin mo nga 'yang bestfriend mo, Kyle." Napansin ko ang pagsilay niya sa akin pero ang atensiyon niya ay nasa pancake pa rin, napaka-masiba talaga ang isang 'to.
"Bakit po tita?" Pagtatanong nito habang sumusubo ng pancake. Wala na yatang lunok-lunok, tss.
"Nagdadalaga, ayaw na magpalambing sa akin." Tumayo siya upang bumulong pa sa aking Mama pagkatapos bigla silang humagalpak ng tawa.
Tumayo ako at pinagsasambunutan ko siya. "Anong sinabi mo kay Mama, ha?"
"Aray macy! Masakit, aw!" Inilayo niya ang sarili niya sa akin. Inirapan ko nga. Kahit kelan hindi pa rin nagbago! Mapang-asar!
"Magsitigil nga kayong dalawa, pumasok na kayo. Para pa rin kayong mga bata d'yan!"
"Heto, baunin niyo." Iniabot niya ito sa akin. Nagmano tsaka humalik ako sa pisngi ni Mama.
"Una na po kami, 'Ta!" Inakbayan niya ako at mabilis akong hinila palayo sa bahay.
"Sige! Uwi kayo ng maaga, okay?" Nakangiti si Mama habang tinitignan kami paalis. May pasenyas pa siya sa naka-akbay na braso ng bestfriend ko.
"Opo! Salamat po sa breakfast!" Pahabol pa niya.
Nangingiti pa ang loko habang tuluyan na kaming nakalayo sa bahay. Malamig ang simoy ng hangin dahil maaga pa, maganda rin ang sikat ng araw hindi pa masakit sa balat. Nililibang ko ang sarili ko sa makikita sa gilid ng dinaraanan namin maraming nagtatayugang puno sa daan, puno ng narra at acacia ang karamihan. May mga santan rin na nagkalat na halatang shinape para mas maganda tignan ang ganda ng putol nitong humuhulma sa bilog na hugis tapos may mga paru-paro pang dumadapo sa mga bulaklak. Mamasa-masa pa rin ang mga damuhan dala ng hamog sa umaga.
Tahimik lamang ako habang pasulyap-sulyap ng tingin sa aking bestfriend na si Kyle, mukha ring kinukondisyon niya ang sarili at bubuka ang bibig at sasara na tila ba pinipigilang magsalita. Nakahawak pa rin siya sa kaliwang wrist arm ko habang tinataas-taas niya ito kaya napapairap na lamang ako sa kawalan.
BINABASA MO ANG
What If I Tell You, I Love You?
Teen FictionMacy Saavedra Sy who has a boy best friend Kyle Dominique Rivera who loves him a lot. A cliché love story you wouldn't know will turns out into something beyond your expectations. A story who covers the concept about love, friendship, family, and l...