Kabanata 6

7 1 0
                                    

MACY

Nauna na akong nagpunta sa event. Napuno ng malakas na sound system ang buong lugar ng school. Maraming ilaw din at may kurtina sa bawat gilid. May barricade din na nagkalat, siguro dito gaganapin mamaya ‘yung napraktis naming sayaw.

Inayos ko ang suot kong skyblue na dress. May kaonting design itong sequence. Naka-ayos ng estilong korona ang buhok ko. Ewan ko kung ano ito. Kumuha si Mama nang mag-aayos sa akin. May naiwan pang ilang strands sa gilid ng tenga ko, inayos nang pagkakakulot. Naka-silver necklace at hikaw din ako. May suot na 7 inches na wedge. Mukha naman akong okay.

Pumasok na rin si Kyle sa wakas. Naaninag ko siya na papunta sa may dilim. Naka-red polo long sleeves at slacks siya at may nakapatong na black coat din, I guess. Nakagel ang kaniyang buhok naka-brush up ito at may konting effect na parang magulo sa may dulo ng buhok niya. Napalinga-linga siya na tila may hinahanap.

Lumapit ako doon. “Kyle!” Napadako ang tingin niya sa akin. He smiled sweetly at me. “Ganda natin, a?” Papuri niya.

“Gwapo mo nga rin diyan.” Balik tugon ko. Napahawak naman siya ng batok tila nahiya. Ang gwapo niya ngayon sa malapitan. I’m not done with my fantasies about him nang bigla siyang nagsalita.

“Nakita mo ba si Angela?” Tila sinusuri niya ang bawat gilid.

“Hindi, e.”

“Sige balik ka nalang sa puwesto mo, hanapin ko lang siya.”Napatango ako at parang lantang gulay na bumalik sa puwesto ng section namin. Kararating lang din ni Jamie at Clifford.
“Uy! Ganda!”Kumento ni Clifford at pinasadahan ako ng tingin ulo hanggang paa.

“Kala ko si Cinderella na.” Gatong ni Jamie.

“Mga sira! Kumusta kanina?” Tila nag-ingat naman sila sa puntong iyon.

“Ayun… nagtagal pa kami. Nanood.” Tipid nilang tugon. “Hoy, okay lang! Kuwento kayo.”

“Si Kyle niyaya si Angela kanina na magsayaw ngayon. Tapos may pinuntahan pa sila, e. Hindi na namin sinundan umalis na rin kami.” Tatango-tango sila. Kumuha nalang sila ng naka-plastic cup na handa ng section namin.

“Agar-agar pala ito.” Pinilit kong ubusin ‘yung akin kahit wala akong gana. Ginugulo ang utak ko sa mga nangyari ngayong araw. Binanatan din nila ang ilang box ng pizza.

“Enjoy the night, Macy. Huwag kang martyr! Hindi na uso ‘yan!” Napatango-tango pa si Jamie habang sumusubo. I smiled to them.

“May I call you attention, everyone?” Nagmic-test pa ang MC sa stage. Nagsitayuan naman sila.

“Good evening ladies and gentleman! Welcome to the 38th Highschool Night Event. Our program is going to start now! Enjoy the night!” Anunsyo ng MC. Marami pa itong pinagsasabi tungkol sa hihiranging HS Night King and Queen pero hindi ko masyado pinagtuonan ng pansin. Halos magpalakpakan sila sa special number para sa gabing ito. May mga sumayaw at kumanta pa. Ang gaganda ng mga kakilala ko. Si Jamie nakakulay purple na dress na may ruffles sa dulo ng palda samantalang si Clifford ay guwapong-guwapo tignan sa kulay navy blue niyang suot na polo long sleeves at black slacks.

Nagpigil yata ako ng hininga nang makita ang bestfriend kong ngiting-ngiti palapit sa kinauupuan ko.

“Uy bestfriend mo!” Bulong ni Jamie. “Sige, Macy doon na muna kami ni Clifford!” Hinihila niya si Clifford.
“Ha? Sige, tara!” Naka-intidi naman yata si Clifford kay Jamie at sinusuri kaming dalawa at nangingiti pa bago kami iwanan.

“Nagsisimula na ba?” He looks a bit different. I don’t know why.
“Saan si Angela?” Pagtatanong ko. Naupo siya sa monoblock na katapat ko.
“Nandoon.” Tipid niyang sinabi. Nakatingin siya sa malayo.

“Macy… may hindi ka ba sinasabi sa akin?” Huminga siya ng malalim tila hindi alam kung paano niya sasabihin ang gusto niyang sabihin.

“Ha? A-ano naman?”

“Nevermind. I just thought something is off.” Tumango-tango nalang ako.

“Tulungan mo sana ako bukas sa surprise ko kay Angela…”

“Oo ba! Ako maghahanda ng lahat.”

“Thank you. Maasahan ka talaga! Punta muna ako doon, a?” Tumango ako. Tumayo siya at saka nagtungo sa may buffet doon. Kumuha siya ng pagkain. Pinagmasdan ko lang siya. Inuna niyang bigyan si Angela sa kabilang table. I saw Angela smiled by that Kyle’s action. Suwerte mo naman…

Nagsimula muli siyang magsasandok doon sa buffet at lumapit sa akin. “For you?” He offered. Tinanggap ko nalang.

“Salamat.” Kumuha siya ng dalawang disposable fork sa table namin. “Magpakabusog ka. Alam ko namang walang magsasayaw sa’yo.” Then he laughed. Binigay niya sa akin ang isa at saka rin siya nagsubo gamit ang isa pang kinuha niya.

“Duh! Makikita mo!” It’s nostalgic. ‘Yung tipong aasarin niya ako tapos magpapa-asar din naman ako. Nakakamiss.

Tumayo siya at tumayo rin ako. Grade 10 na kami ngayon buti nga at may high school night na rin. We started dancing slowly. Ito ‘yung napraktis ng section namin. Inikot niya ako gamit ang kaliwang kamay niya at kinabig pabalik sa braso niya. We swayed. Sumasabay sa dahan-dahang pagtugtog ng musika.

Mahal ko ang lalaking ito. Kahit na anong mangyari, kahit na magkaroon man ako ng bagong pag-ibig I will always be thankful na siya ang una kong minahal.

Ikinapit ko ang dalawa kong kamay sa kaniyang batok. Hinapit niya ako palapit sa katawan niya.

“Macy… ang ganda mo.” Tila nakakahipnotismo ang mga paninitig niya. Nginitian ko lang siya.
“Thanks for being my bestfriend.” Hindi ko rin inaalis ang tingin ko sakaniya. Nakita ko ang panginginig ng kilay niya. Para siyang may gustong sabihin pero ayaw niyang ituloy.

Nang matapos kami doon ay inalalayan niya pabalik sa puwesto ng section namin. Nagsimula siyang umalis ulit. Namataan ko siya sa kabilang section. It’s Angela. Ngumingiti ito habang tinatanggap ang nakalahad na kamay ni Kyle.

“May I have this dance, miss?” He formally said. Nagsimulang tumugtog ang Can I Have This Dance. Maraming pumunta sa gitna ng dancefloor. Napansin ko na lumapit si Jamie at Clifford sa magkabilaang gilid ko.

“Ay… akala namin, ikaw na.”

“Oo nga, grabe ang tinginan niyo kanina, e.”

Binalewala ko lang ang sinabi nila. Nagsimula akong kumain ulit. Sinunod niya namang sinayaw si Chelsea. Maraming nagyaya sa akin pero inayawan ko nalang sila.

Nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ko. Pilit ko itong pinapalis. Ayokong makita nila akong umiiyak lalo na ng bestfriend ko. Sumisikip ang dibdib ko. Pinipigilan ko ang paghikbi, mahina at walang tunog para hindi maka-agaw ng pansin. Akala ko yayain niya ako pero hindi. Sa mismong prinaktis lang pala.

“Stop crying, Macy.”

“Uy hala girl! Masira make up mo.” Pinapatahan nila ako, pilit inaabutan ng tissue.

“Sus! Tears of joy ito. Masaya ako para sakanila!” Sabay ngiti ko ng malaki.

“Hay nako, Macy! Tayo na nga lang tatlo dito lolokohin mo pa kami!” Sumbat ni Jamie. Hinahagod naman ni Clifford ang likuran ko. “Sssh. Tama na. It will be okay.”

“Masakit…” Pinalis ko muli ang tumulong luha sa pisngi ko. Masakit palang balewalain ang nararamdamang sakit.

What If I Tell You, I Love You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon