Kabanata 7

12 1 0
                                    

Kinabukasan maaga akong pumasok. Inaayos ang stage. Nagtext ako kay Kyle na mauuna na ako at medyo tagalan nila Kyle. Sana lang hindi ito pumalpak.

“Guys, isa-isang roses iaabot kay Angela, okay?” Pag-i-instruct ko sa bawat kaklase namin.

“Kuya dito na lang po ‘yan! Pakibaba po pagdating ni Angela.” May patarpaulin din na ‘Will you be my girlfriend’ akong ginawa.

Tinawagan ko ang pinag-orderan ko ng cake. “Okay na po ‘yung cake? Hala thank you po!” Pagkapatay ko sa tawag ay siya namang padating nang inorder kong cake. Chocolate cake na may nakalagay na I love you.

Pinatong ko ‘yon sa magsisilbing parang highlight nila. At siyempre pa kumuha rin ako ng kakanta.

Halos patapos na ang lahat. Malapit na ring matapos itong kahibangan ko sa bestfriend ko.

Nakita ko na ang pagdating nila. Kinuha ko ang dslr sa bahay. Siyempre dapat may memories ito. It’s a special event for my bestfriend after all. Sanay kami magpictures kaya dapat meron din siya nito ngayon.

Pagkapasok na pagkapasok palang nila, minanduan ko na ang pagdakip kay Angela. May blindfold ito. Lumapit kaagad si Kyle sa akin habang nasa malayo pa ang babaeng gusto niya.

“Nice one, Macy! Maganda…” Papuri niya sa inihanda ko.

“Sorry, eto lang nakayanan ko. Hintayin mo nalang siya diyan, okay?” Tumango ito. Lumayo ako konti para kumuha ng pictures. Tinapik ko pa ang balikat niya for goodluck.

Napansin ko ang paglalapit nila. As I expected nag-aabot na sila ng red roses. Naka-alis na ang blindfold ni Angela. Tila naluluha pa siya habang pinagmamasdan sa malayo ang bestfriend ko. Nanginginig ang kamay kong magpicture, nararamdaman ang pagsikip ng puso ko. Parang hindi ako makahinga sa nakikita.

Narinig ko ang tunog ng shutter ng hawak kong dslr kasabay ng paglahad ng kamay ni Kyle. I click once again.

Binigyan silang dalawa ng mic. May backround music pang pinapatugtog. Sumasabay sa pagpipigil ng pag-iyak ko.

“Angela… 4 years of admiring you. Alam ko hindi ako perfect guy, but I want to be the best man for you.” I stopped capturing. Pinagmamasdan sila.

“I want to ask you again, Angela… can you be my girlfriend?” No, no…
Nagsimula ako ulit magkuha ng shots. Tumango si Angela.

“What? Can you voice it out?” Sabi ni Kyle na nangingiti.

“Yes, pumapayag na ako, Kyle.” Umiiyak na ito sa tuwa. Tumatango, “Girlfriend mo na ako.” She announced.
Tila gumuho ang mundo ko sa narinig. Mabilis na yumakap si Kyle. Napangiti ako habang umiiyak, sumasabay sa palakpakan din ng mga naroroon.

After nila roon ay nagsimula nang magsibalik sa kani-kanilang room. Nagawa ko pang makinig sa teacher. Kinakausap ako ni Kyle pero hindi ko siya pinapansin.

Nang matapos ang klase ay nilapitan pa ako ni Jamie at Clifford pero sinabi kong uuna na ako.

Patakbo ako palabas ng gate pero bago pa ako maka-alis ng tuluyan may naramdaman akong kamay na humila sa akin. “Macy, ano bang nangyayari? May period ka nanaman ba?”

“Wala.” Tingin ko sa malayo. Ayoko siyang tignan baka biglaan nalang bumuhos ang kinikimkim ko kanina pa.

“By the way, thank you sa  pag-prepare. Sinagot na rin niya ako sa wakas.”

“Good for you, Kyle.” Sagot ko ulit hindi siya tinitignan ng diretso. Nakatingin sa nakahawak niyang kamay sa kaliwang wrist arm ko.

Pinilit niya akong iharap sakaniya. “Macy, ano ba?” Iniabot ko ang dslr.

“Heto, o? I capture your precious moments with her.” Mukha na siguro akong bitter ngayon. “Macy, look at me please?” Tinignan ko siya. Para siyang nalulungkot na ewan. Para saan ‘yan?

“Look, hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganiyan but can you please treat me the way you treated me nung mga Grade 7 palang tayo? Ano bang problema?”

Huminga ako ng malalim, inaalog-alog niya ako na tila mahuhulog ang sagot sa akin.
“Macy naman…”

“Kyle! Tama na, please?”

“I want to know… ano bang tumatakbo sa utak mo? Kanina ka pa hindi ko maintindihan, nag-aalala ako sa’yo.” Tila hirap na hirap ito sa akin.

Tinulak ko siya. Kaya nagkaroon ng distansiya sa aming dalawa.

“Kyle, I am inlove with you!” Panimulang sigaw ko looking at him. Nagsimulang mag-init ang gilid ng mata ko. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya tila hindi inaasahan kung gaano ako kaseryoso ngayon makatingin sakaniya.

“Mahal kita, Kyle! Ilang beses ko pa bang sasabihin? Since Grade 7 I don’t know how I started liking you but I did.” Marami akong gustong isumbat at sabihin pero nag-u-unahan sila sa utak ko. Nasasaktan ako ayon ang mas nangingibabaw.

“Macy…” Triny niyang lumapit sa akin pero hindi ko siya hinayaan umatras ako. Halos nasa gitna na kami ng kalsada.

“Macy, s-sorry…” Hindi niya alam ang sasabihin. I cried. Hindi ko aakalain na ang salitang “sorry” ay masakit pala pakinggan, sobra.

“Sorry for hurting you. H-hindi ko alam ang gagawin ko ngayon… Kinakabahan ako sa’yo.” Tumingin siya sa akin. Puno ng pag-aaalala. Naawa ba siya sa akin? It hurts!

“Hayaan mo nalang ako, Kyle.” Ayun ang sinabi ko at naglakad muli. Naramdaman ko ang pagsunod niya.

“Ano ba kyle? Huwag mo ‘kong kaawaan. Ako itong nagkagusto! Hindi mo kasalanan, wala kang kasalanan! I’m the one at fault. Masakit lang talaga.” I saw him crying.

“Macy, a-ayokong may m-magbago sa atin ‘diba? Sana manatili lang tayong magkaibigan. Mahalaga ka sa akin. Ayokong mawala ka.” Napa-iling iling ako.

“K-kyle, sa tingin ko hindi na dapat tayo maging magkaibigan.”

“Hindi macy! Kaibigan pa rin kita, please?” Umiling ako. Pinipigilan ang paghikbi.

“Kyle, nasasaktan ako! Tama na! Ayoko na! Ayaw na kitang maging kaibigan!” Siguro nga mali din ako pero nasasaktan ako. Patakbo akong umalis kung nasaan siya pero hindi palang nakakalayo ay may matulin na truck na paparating patungo sa akin. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Nahagip ako nun.

“Macy!” Tinamaan ako nun, sobrang sakit pero mas masakit yata itong nararamdaman ko. Nakaramdam ako ng pagkahilo. May dugong umaagos sa may nook o. Napatilapon ako sa may gilid ng kalsada sa pagkakabangga.

“Macy!” Tumatakbo siya papunta sa kinalalagyan ko. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Kyle bago ko tuluyang maisara ang mga talukap ng mata ko.

Sorry, Kyle. Hindi ko alam na magugustuhan kita, edi, sana okay lang tayo ngayon. Masaya ako sa pinagsamahan natin. Sorry din hindi ko nagampanan ng maayos ang pagiging kaibigan ko sa’yo.

Sana maging masaya ka sakaniya, paalam…

---
A/N: 3 chapters left. Kumusta so far? Sana magustuhan niyo ang ending!

What If I Tell You, I Love You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon