“You may now kiss the bride.” Anunsyo ng pare. Napatingin ako kay Macy, she was crying. Halos nagpapalakpakan ang mga tao sa loob. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang babaeng mahal ko.
“Grabe ang iyak, a?” Puna ko sakaniya. Magkatabi kami ngayon, kasama ng kaibigan din niyang si Jamie at Clifford, halos lahat ng batch namin invited sa kasal nila Angela at nang asawa niyang si James. It was as if nanonood ng fairytale si Macy.
“Ang saya kaya makikita ng kinakasal. Alam mo ‘yon feeling mo patapos na at happy ending na…” Kahapon pagkarating nila nagkaroon ng maliit na pagsasalo. Sakto namang sa sumunod na linggo ay hindi na masyadong busy ang schedule ko. Nagawa pa naming makapamasyal at ibigay rin ang mga regalo ko sakaniya.
“Ikaw! Marami kang utang na kuwento sa akin.” Pag-uulit niya. Nung naging maayos siya kumulit ulit. Pero masaya ako kasi nandito na siya ulit. Ako ang kinuhang best man at si Macy naman ang kapartner ng best man, siyempre. Nang maghahagis na ng bulaklak na hawak ang bride ay nakipila si Macy. Sa reception maraming makikitang mga kakilala, ang ganda ng kasal nila. Mukhang pinaghandaang maigi. May mga nagkalat na puting net para libutin itong reception, sa labas ng garden ang reception.
Skyblue ang theme color nila. Bumagay kay Macy ang sky blue dress niya na pinaresan pa ng skyblue stilletos niya, naka-ayos ang kaniyang buhok may tila braid sa gilid at tinali patalikod.
“Okay, ready single ladies?” Nagtatawanan na ang bawat kababaihan. Halos lahat naka-ready na ang mga kamay.
“Be careful.” I told Macy. Mukha kasing malaking bagay sakaniya itong makasalo ng bouquet.
“In the count of three!” Tumalikod si Angela at umaakmang ihahagis.
“1…” Macy kahit na makuha mo man ‘yan o hindi…
“2…” buo na ang desisyon ko…
“3!” Papakasalan kita. Mabilis ang pagkakatilapon nito. Lumapit ako kay Macy at sinalo ito ibinigay ko kaagad sakaniya.
Natulala siya sa ginawa ko, marami kaming narinig na pagtili. “Yiee! Sila na susunod.” Napakamot ako ng batok habang nilalapit ang mukha ko sa tenga niya.
“Are you happy?” Bigla naman niya akong tinulak. “Tse! Wala ka manlang dramatic effect, ‘di ma-effort.” Nakabusangot siyang nagtungo sa lamesa ng bagong kasal. Kinakamusta. Naupo rin muna ako sa ibang banda. Habang kinakamusta ang ibang kaklase.
We’re not perfect, we both did wrong things… but it’s the time that matters kung paano mo ba ito maitatama o mabibigyang solusyon. Para sa akin hinintay ko ang pagkakataong tama na ang lahat, hindi ako nagmadali, hindi nagpadalos-dalos, may pagkakamali man, sinulusyonan ko ito, mahirap man ang pinagdaanan namin ni Macy pero ang mahalaga… sa paglipas ng panahon, naiayos rin namin. Ganoon ang pagmamahal na totoo. Pagmamahal na kung saan naghihintay ng tamang panahon.
Nang maghahapon na, nagsitayuan ang karamihan nagsasayaw sa gitna. Pinagmasdan ko si Macy sa malayo nakaupo. Lumapit ako sakaniya.
“O, bakit?” Nakataas pa ang kilay nitong nagtatanong. I pinch her nose.
“Isasayaw kita.” Tumayo naman siya at nahihiyang iniabot ang kamay sa akin. “Bumabawi?” Tanong niya. Napahalakhak ako. My girl is so cute.
“Well you can say that. Actually first dance naman kita, e.” Naalala ko nun, hindi talaga ako nagsayaw nang iba, inuna ko siya nang matapos ‘yung pagsasayaw namin hindi pa ako makabalik kaagad sa huwisyo ko. It’s just like my heart will going to burst.
“Macy…” Tawag ko nang nakatingin siya sa malayo. Tinignan naman niya ako. Nagsasayaw kami kasabay ng kantang Kismet ng Silent Sanctuary.
Ipinalandas ko ang mga kamay ko sa bewang niya hinahapit palapit sa akin. I looked at her intently.
BINABASA MO ANG
What If I Tell You, I Love You?
Подростковая литератураMacy Saavedra Sy who has a boy best friend Kyle Dominique Rivera who loves him a lot. A cliché love story you wouldn't know will turns out into something beyond your expectations. A story who covers the concept about love, friendship, family, and l...