MACY
Ang mga araw ay parang pagpitik lang ng kamay ng orasan, napakabilis. Grade 10 na kami ngayon. Maraming naganap nanaman. Hindi na kami ganoon kadalas mag-asaran ni Kyle kasi medyo nagseseryoso na siya sa pag-aaral niya. Marami na rin siyang mga kaibigan na boys. Halos hindi ko na rin makilala ang payatot na kyle na kilala ko.
Mas gumanda ang hubog ng katawan ni Kyle. Tan skin. Tumangkad rin siya ng husto.“Macy… May ipapakilala pala ako sa’yo mamaya.” Napakulit din nang isang ito. Mamaya ay highschool night namin halos lahat sila excited kasi may mga nirentahan daw silang magagandang damit. Ako rin naman pero imbes excitement maramdaman ko kinakabahan ako. Ilang beses na rin akong nagpapahiwatig sa mga binibigay kong letters sakaniya kaso isinasabahala niya akala niya siguro nagbibiro lang ako. One time I give him letter saying I love him, not as my friend but as a man. Nilukot niya iyon at pinagtawanan ako.
“Anong nakain mo? Trip nanaman.” Ganiyan ang parati niyang reaksyon. Gumawa rin ako ng sarili naming love team like Mayle. Pina-customized ko pa iyon sa kakilala ko. Sinusuot ko parati ang black bracelet na iyon pero tinatawanan niya o kaya mangingiti siya. Para saan daw iyon? Nung summer namasyal kami sa park, random thoughts lang. Tapos ano ba raw kukunin ko paglaki? I told him I want to be a teacher kung hindi naman kaya flight attendant.
“Ako gusto kong maging, Engineer.”
“Bakit?”
“So that I can plan my future house. Tapos ikaw na bestfriend ko laging tatambay doon. Ipapagawa ko ‘yung kuwarto mo kasama na nang kuwarto naming ng future wife ko.” Napaka-advance niya mag-isip sa mga bagay.
“Sige mamaya, tinatapos ko pa ito.” Napabalik ako sa pagtapik niya ng braso ko.
“Sana magustuhan mo siya.” Then he smiled. May bagong mga kaibigan rin ako sa school. Clifford at Jamie. Si Clifford. BI siya, samantalang si Jamie chubby cute na girl na friend ko. Simula nang nasasali sa contests si Kyle hindi ko na siya ganoon kadalas kasama pero naghahanap pa rin siya ng time para makasama lang ako. Ganoon daw kasi ako kaimportante sakaniya. I’m a bit sad pero masaya rin at the same time. I can’t explain what I’m feeling. Nasasaktan ako at the same time natutuwa na nakakasama ko siya. Nagkakanda-buhol-buhol ang utak ko sakaniya.
“Macy, let see your boyfriend?” May pangiti-ngiti pang nalalaman si Clifford na akala mo naman may malisya talaga sa gestures ni Kyle. Nasanay kasi sila sa amin na sobrang close.
“Huwag na. Busy iyon sa quiz bee na sasalihan.” Lagi siyang kinukuha ng school para sumali. Minsan pa nga ay declamation. Napaka-talented niya.
“E, kahit na. Moral support girl!” Sabi naman ni Jamie. Sa gilid ko. Naglalakad kami papuntang canteen pero madadaanan naman talaga namin sila Kyle.
Nang makalapit kami sa may hallway kung saan may nagququiz. Practice siguro nila. Ino-orasan sila kung gaano na sila kabilis magsagot. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Kyle habang ang panginginig ng kilay niya naman sa tuwing magsusulat siya ng sagot.
“Kyle! Bestfriend mo nandito!” Napatingin ako ng mabilis kay Kyle tapos sa dalawang kaibigan ko na nag-appear pa.
Napalingon siya at ngumiti sa akin sabay wave ng kamay. Kumalabog ang puso ko doon. I’m crazy!
Binalik niya rin ang atensiyon sa ginagawa niya. Napapangiti pa siya. I can’t help but smiled too. Bumili lamang kami ng footlong at turon sa canteen. Kung anong bibilhin ng isa ganoon na rin bibilhin ng lahat. Binilhan ko rin si Kyle baka sakaling nagugutom na siya.
“Isa pong palamig.” Wika ko sa tagabenta doon sa canteen. Nangingiti nanaman ‘yung dalawa.
“Sus! Obvious na obvious ang pagkabaliw mo sa bestfriend mo, Macy.”
“Bakit kaya manhid ‘yan?”
BINABASA MO ANG
What If I Tell You, I Love You?
Teen FictionMacy Saavedra Sy who has a boy best friend Kyle Dominique Rivera who loves him a lot. A cliché love story you wouldn't know will turns out into something beyond your expectations. A story who covers the concept about love, friendship, family, and l...