MACY
Maaga akong dumating rito sa eskuwelahan. Ayokong makita ako ng isang 'yon sa bahay. Nakaka-inis!
"Hi pulang macy!" Napalingon ako sa dumating si Kyle lang pala. Ngingiti-ngiti.
Napakagat ako ng labi at saka tuluyang yumuko. "Hoy! Nakakapagtampo ka pagkatapos kitang tulungan kahapon hindi mo na ako binaba? Ibibigay ko pa 'yung favorite snacks mo e."
"P'wede ba tigilan mo ako, Kyle?" Pinakatitigan ko siya. Naka-upo na siya sa tabi ko.
"Sungit pa din." Kumento nito. Iniharap niya ang kaniyang sarili sa may armchair para matitigan ako at nangalumbaba pa ang loko!
Tumayo ako at lalabas sana ng hinarangan niya ang daan ko. "O, saan ka pupunta?"
"Umalis ka diyan. Isa!"
"Ayoko nga, Dalawa!" Pang-aasar niya at binelatan pa ako.
"Bati na kasi tayo, hmm? Please?"
"Oo na! H'wag ka ng makulit."
"May binili pala ako para sa'yo. Sabi ni Mommy gamot daw ito sa sakit ng puson."Iniabot niya sa akin pero hindi ko kinuha.
"Basta i-take mo 'yan. Para 'di na mainit ulo mo!"Binuksan niya ang bag ko tsaka hinulog doon.
-
Hindi na niya ako ulit ginulo, tinignan ko siya at busy siya sa pagsagot sa binigay na seatwork sa amin.
"Nahihirapan ka ba?"Nagulat ako sa biglaang paglingon niya sa akin.
"Turuan kita mamaya, wait lang, a?" Nakakalito itong Algebra. Napansin ko na last number na ang sinasagutan niya. Tinitigan ko lang siya, ang guwapo pala talaga ng lokong ito. Kumukunot ang noo nito habang iniisip ang susunod na isusulat. Ang bilis niya. Chineck niya pa yata kung may mali sa ginagawa niya kasi bumalik siya sa number one.
"Ayan okay na!" Ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa akin.
"Turuan na kita?"
"No thanks, kaya ko 'to." Binalik ko ang atensiyon ko sa papel ko. Bigla niyang inilapit ang mukha niya malapit sa papel ko.
"Mali naman 'yan, e." Bulong niya na tila nang-aasar.
Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak ng ballpen. "Ang pangit ng sulat mo. Ganito kasi 'yan hanapin mo muna 'yung dalawang nasa labas para 'di ka mahirapan, FOIL METHOD, first, outer, inner, last. Alright?"
"Labas tayo mamaya? May alam akong magandang puntahan, malapit lang."Napangiti naman ako."Sige. Tapusin ko lang 'to!" Matapos namin sa last subject namin ay hinila nanaman niya ako. Hawak ang wrist arm ko patakbo kaming umalis doon. Naghintay kami sa may waiting shed na malapit at naghintay nang mga dumadaang sasakyan.
Sumakay kami ng tricycle nag-unahan pa talaga kami na akala mo wala ng masasakyan.
"Carmen po!" Kung nagpasundo nalang kami sa driver namin, hay nako! Mainit at masikip. Hindi naman sa nag-iinarte pero hindi ako sanay dahil madalas akong mauntog-untog sa loob.
Tahimik na kami sa byahe habang hinihintay makarating papunta roon. May mga naglalakihang establisiyemintong nakatayo. Magaganda rin ang palm trees at may overpass na malapit. Nag-stop na 'yung tricycle driver sa may harapan. Malakas ang ihip ng hangin sa labas. Nakaka-excite pumasok kasi para kang tinatawag ng malakas nilang speaker sa loob. Ramdam ko na rin ang aircon na bumubuga papasok.
"Treat ko na 'to sa'yo, para naman gumanda-ganda mood mo.""Let's go inside." Tumango lamang ako sakaniya.
Pagpasok namin ng Mall dumiretso akong takbo. Pinapadulas ang aking sapatos sa madulas nilang tiles. Napakalinis at maputi ito. Even their air freshener here was so clean. Amoy lemon.
BINABASA MO ANG
What If I Tell You, I Love You?
Novela JuvenilMacy Saavedra Sy who has a boy best friend Kyle Dominique Rivera who loves him a lot. A cliché love story you wouldn't know will turns out into something beyond your expectations. A story who covers the concept about love, friendship, family, and l...