MACY
Seryoso ang bawat kaklase ko sa pagsasagot ng binigay na seatwork. Nasa technology and livelihood education kami ngayon na subject. Kailangan namin gumawa ng land planning. Meron na akong nabuo sa utak ko pero hindi ko masimulan idrawing. Simula na naman ng klase namin. Maraming bagong mukha na nadagdag, dumami kami sa klase. Tambak kaagad ng bagong topics. Overload tuloy ng assignments.
Pinagmasdan ko si Kyle na busy’ng busy sa pagguhit. Buti pa siya talented. Samantalang ako rito pilit lahat ng skills ko. Kainis!
Bigla siyang lumingon sa akin, “Hmm?”“A, wala. Tuloy mo lang ginagawa mo.” Tinignan naman niya ang ginagawa ko.
“Kaya mo bang mag-draw? Wait lang, gawan din kita.”
“Hindi na! Ako na!” Nagkunwari din akong magdrawing ng kahit ano. Landscape ba dapat? Aish! Ang hirap nito!
Ibinalik niya ang atensiyon niya sa dinodrawing na mukhang patapos na. Ang ganda tignan ng kaniya. Nang matapos na si Kyle ay ngiting-ngiti ito habang tinitignan ako. Inaayos na niya ang bag niya. Marami na rin sa mga kaklase namin ang umaalis.
“Mauna kana sa next sub, Kyle.” Mukha kasing kaya lang hindi siya umaalis dahil sa akin.“No. I’ll wait for my bestfriend.” Umiling-iling pa ito na parang bata. Maihi-ihi na rin ang pakiramdam kong pagmamadali sa ginagawa ko para lang matapos. A, bahala na!
Nang matapos ako ay tumayo ako kaagad para ipass ng patalikod ang gawa ko. “Daya! ‘Di pinakita, ang ganda naman, e. Hindi nga lang pantay.” Nangingiting aniya. Smiley face talaga itong bestfriend ko. Ang cute niya!
“Akin na nga ‘yang bag ko, kaya ko na ‘yan!” Pero itinaas lang niya ito.
“Na-ah! Let’s go!” Hinatak nanaman niya ako papuntang canteen. “Dalawa pong palamig.” Naglabas na ako ng limang piso ng pigilan niya ako.
“Libre ko na ‘to.” Inabot niya ‘yon na ngiting-ngiti sa akin. Nakakainis! Stop smiling!
Pagpuntang next subject ay parang good mood na good mood ito. Naupo ako sa malapit sa last row siya naman ay sa last row sa may likod ko na tapat talaga. Hinihila-hila niya ang upuan ko. Ang kulit talaga!
“Ano ba?!” Pabulong kong banta sakaniya.
“Sino ‘yung crush mo?” Narinig niya siguro na may sinasabi akong crush ko sa katabi ko kanina. Naalala ko tuloy ‘yung eksena sa first subject namin.
Katabi ko ang isang kaklase kong babae, hindi na kasi kami pupuwedeng magtabi kasi may sitting arrangement na sa kaliwa ang girls at sa kanan naman ang mga boys.
“Crush mo ‘yon ‘no?” Parang napipi ako bigla, hindi ko masagot ang sinasabi niya. “Ang gwapo niya, alam mo ‘yon? Narinig ko crush ka din daw niyan, e. Tanungin ko?”“Hala huwag!” Naghysterikal ako ng tayo pero huli na dahil nakatakbo na itong kaklase kong babae. Nakalimutan ko ang pangalan niya, hindi kasi ako matandain ng pangalan lalo na kung hindi importante sa akin o wala akong interes.
“Crush mo daw ako, Macy? ‘Diba friends tayo?” Napagmasdan ko nanaman ang ngiti niya. Tatawa tawa siya habang kausap ang kaklase naming babae na lumapit sakaniya.
Bumalik na ito sa upuan naming at napaupo na ako. Simula kanina ay tila ba usap-usapan na kami, napapansin rin kasi nila ang closeness namin ni Kyle. Siyempre bestfriend ko siya, malamang naman.
Bumalik lang ako sa aking huwisyo ng mapansin ang pangungulit ni Kyle sa aking upuan. Tadyak siya ng tadyak.
“Ano ba?”“Papagalitan tayo ni Ma’am, ang kulit mo.” Dagdag ko pa.
BINABASA MO ANG
What If I Tell You, I Love You?
Teen FictionMacy Saavedra Sy who has a boy best friend Kyle Dominique Rivera who loves him a lot. A cliché love story you wouldn't know will turns out into something beyond your expectations. A story who covers the concept about love, friendship, family, and l...