CHAPTER 30

2 2 0
                                    

Austine pov's:


"Dre saan mo gustong pumunta?" Nilingon ko si cobby sa kanan ko habang naglalakad kami sa hallway at palabas ng academy, napa-isip ako kung saan ko gustong pumunta gusto kong marelax pa ng konte.

"Punta tayong convenient store"usal ko at inayos ang bag ko sa pagkakasukbit sa balikat.

"Dre,anong gagawin natin dun?"tanong nito hindi ko sya sinagot at ngumisi nalang sakanya.

Habang nakatingin sa daan ay nahagip ng tingin ko ang nakatayo sa harap ko kaya inangat ko ang ulo ko para malaman kong sino yun.

"Hello Austine" pangangamusta nya saakin hindi ako nagsalita at nakatingin lang sakanya.

Inisip ko kung bakit nandidito sya sa labas at nakatambay sa waiying area. Nakangiti syang nakatingin saakin na parang may magandang nagyari sakanya ngayong araw.

"Ah kamusta krizzle andyan ka pala?n-nasan si jeberry?kasama mo ba?" Tanong ni cobby sakanya kaya binaling nya ang tingin kay cobby.

"Hindi ko sya kasama" pormal ang sahot nito sa kaibigan ko at pagkatapos ay muli syang tumingin sa'kin.

"Saan ang punta nyo?"tanong nito.

"Uuwi na kami"sagot ko

"I see..pero dapat bago ka sana umuwi ay ginamot mo yang pasa mo sa mukha" halatang concern nya saakin pero hindi ko yun pinansin alam kong may gusto sya saakin pero hindi ko nalang pinapansin dahil hindi sya yung tipo ko na babae.

"Ang yaya ko na ang bahalang mang,gamot saakin mamaya,so kung pwede lang ay aalis na kami?"usal ko

"Ah s-sige mag-iingat kayo sa pag-uwi" usal nya at tumango nalang ako wala pa ako sa mood makipag-usap magpapalamig lang muna ako sa convenient store tapos uuwi na rin kami.

"Dre,ano ba kasing gagawin natin dun?"hindi mapakaling tanong nya.

"Magpapa-aircon"usal ko

"Hah?magpapa-aircon?tsk ano ba naman toh badtrip ka ngayong araw alam mo ba yun?!"reklamo nya.

"Paki mo ba?gusto ko ngang magpalamig dun eh"usal ko

Nauna na akong naglakad sakanya,malapit lang naman ang convinient store dito kay nilakad na lang namin atsyaka para mas makapag-isip ako ng matagal pa.

'Hindi ka magso-sorry?'

Muli kong pinag-isipan ang tanong nyang yun.

'Bakit naman ako magsosorry sakanya?panigurado namang hindi nya malalaman yun'

Pinagisipan ko ang tanong nayun habang naglalakad sa gilid ng high way habang nakatungo hindi ko makita ang nasa harap ko pero nakikita ko naman ang nadadaanan ko,sa bawat paghakbang ng paa ko ay iniisip ko yun naisip ko pa kapag nasadulo na kami ng kanto at nauna ang kaliwa kong paa ay hindi ko na papansinin ang mga nangyari ngayong araw at wala na akong paki sa kahit kanino,pero....kapag ang kanan ko naman ang nauna ay hindi na ako magdadalawang isip na puntahan si niana at magso-sorry.

Left...

Right...

Left....

Right....

Malapit na akong makalapit sa end nito at kanto na kaya napalunok ako at kinahabahan ng konte dito ko malalaman kung anong gagawin ko.

Left.

Right...

Left..

Right....

Isang hakbang nalang at makakarating na ako sa end kaya paniguradong left ang result nito kaya....

ISA LANG BANG PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon