CHAPTER 40

1 0 0
                                    

Niana pov:

Wala ako'ng magawa,hindi ko rin alam kung ano'ng gagawin ko,sobra'ng lutang na lutang ang isip ko,at ang puso ko naman ay hindi pa rin nagbabago ang mabilis na pagkabog habang mabigat naman ang paghinga ko. Kasalukuya'ng nakatingin lang ako sa board habang nagpapasulat ang last subject teacher namin,kahit magsulat hindi ko magawa, para'ng buo'ng katawan ko ay wala sa hulog.


"Hindi ka pa ba mag-susulat?"dunig ko ngunit hindi ko nilingon ang nagsalita'ng si Chrise,kahit sa pagsasalita o pagbuka ng bibig ko ngayon ay hindi ko magawa.


"Ano'ng klase'ng tanong 'yan Chrise,Niana ako na lang ang magsusulat sa notebook mo!"usal ni Kelly. Gaya ng kay Chrise ay hindi ko sya sinagot,inikot-ikot ko nalang ang paningin ko dahil wala talaga ako'ng magawa,hindi ko rin iniisip na naboboring na ako at pinapanatiling blangko lang ang utak ko. May mga naririnig ako sa paligid ko at pumapasok ito sa kaliwa ko'ng
tenga ngunit agad ri'ng lumalabas sa kabila.

Hindi ko na rin napansin na sinusulatan na pala ni kelly ang notebook ko,napansin ko lang yun ng naibaba ko ng bahagya ang ulo ko.


Gusto nang umuwi dahil hindi ko na talaga kaya'ng tagalan pa rito sa academy,grabe ngayon lang nangyari saakin ito,yu'ng magbubulungan sila habang dumadaan ka sa harap nila,yu'ng tipo'ng tititigan ka nila na para'ng isa ka mamamatay tao at pinangdidirihan na para'ng ako na ang pinaka-madumi'ng tao na nakita nila. Ang sakit lang sa loob na yun ang nangyayari sa'kin ngayon at feeling ko mas malala pa ang iniisip nila kesa sa iniisip ko.


Papaano ko ba malalagpasan ko kung hindi k9 alam kung ano'ng nangyari nu'ng araw na wala ako. Sino ang nagpakalat ng fake news para ganito na lang ang maranasan ko,ang damidami'ng tanong sa isip ko at hindi ko kaya'ng sagutin 'yun lahat dahil wala ako'ng alam sa mga nangyari.


"Niana,tara lunch na tayo!"aya ni chrise,tumango lang ako dahil blangko pa rin ang utak ko hangga'ng ngayon. Wala sa sarili'ng nilagay ko ang mga gamit ko sa bag at hindi na 'yun inayos at lagay lang sa bag,kahit ballpen na hindi sa'kin ay nilagay ko na du'n kahit wala ng takip.

"Do'n tayo sa canteen babybabe!"aya nya,kaya sumunod na ako sakanya,nanatili ako'ng tahimik habang naglalakad.



Chrise's Pov:

Kasalukuya'ng patungo kami sa canteen,naguguyom na kasi ako gusto ko ng yakult tapos itlog ng pugo na may asin,grabe ang sarap nakakatakam. Oh sya hindi ko maalalis kay Niana ang tingin kahit na gusto ko'ng baliwalaan sya pero wala ako'ng magawa kasi babybabe ko sya,my one and only babybabe,gusto ko sana'ng i-kwento kung papaano'ng babybabe ang tawagan namin kaso heto nga ang situation namin, hay naku dinadaan naman kasi sa init ng ulo ang problema si jess kasi eh buti pa ito'ng babybabe ko,ke-bait bait kahit inaape mabait pa rin,gusto sana'ng bigwasan 'to kaso wag na lang takot ako sakanya ang hirap lambingin. So ayun nga dada ako ng dada dito nakarating na kami ng canteen. Dahil maalaga ako,pinaupo ko si Niana sa upuan syempre hindi naman pwede'ng sa lamesa dahil masama 'yon at nakakabastos sa iba'ng tao.


"Ante,dalawa'ng yakult nga tapos 20 pesos na itlog pugo tapos fries,salamat!" Matapos ko'ng sabihin ang order ko nililingon ko si Niana,grabe nakaka-awa sya kung alam nyo lang,mas nagmumukha sya'ng nerd sa lagay nya nobody at loser,hindi sa nilalait ko sya kundi 'yon kasi ang nakikita ko sakanya ngayon.



"Oh,iha yung binili mo,bayaran mo na!"Grabe naman ito'ng si ante para'ng hindi ko naman babayaran yu'ng mga 'yan. Tch,kakatapos lang kaya nami'ng magtinda ng kamote sa bukid.


Hindi sa pagmamayabang pero kami ang may-ari ng kamote farm dito sa lugar namin kaya marame ako money.


Pag-pasensyahan nyo na may pagka-mayabang ako at hambog ganun talaga ang buhay.


ISA LANG BANG PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon