Niana's pov:
Tok....tok....tok....
Katok sa pinto ko. Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at binuksan yun.
"Ate andyan si brother!" Usal nya na ikinataas ng isa kong kilay.
Sino namang brother ang sinasabi nitong batang toh.
"Si kuya javie nasa baba!" Pagdederetsyo nya kaya agad akong lumabas ng kwarto at sumabay sa pag-baba nya. Nakangiti akong nagpakita sakanya na syang nakaupo sa sofa.
Parang wala na akong sakit na nararamdaman ngayon lalo na ng malaman kong sya ang oumalit saakin. Gusto ko syang tanungin ng tanungin sa mga nangyari kanina.
"Javs...kamusta!?" Masayang usal ko
Tumayo ito sa kinauupuan at hinintay akong makalapit sakanya at sabay na umupo.
"Kamusta ang contest?" Tanong ko na namang excited na talaga akong magkwento sya.
"Ano ba talaga ang tanong mo?ako ba ang kinakamusta mo o ang contest?" Nalilitong tanong nya.
"Ay hehehe syempre ikaw muna kakamustahin ko!ano?ano ng nagyari!?"parang batang tanong ko sakanya.
"Ahm..p-pwedeng bukas nalang natin pag-usapan?hindi pa ako ready" usal nya na ikinataka ko. Hindi ready?saan naman.
"Hah?bakit kailangan mo pang magready?" Takang tanong ko
"A-ah kasi....mas exciting kapag kasama kong magkwento ang mga kaibigan mo!" Sagot nya habang nakahawak sa ulo.
"Ay...ganun sige na nga!"nanlumong usal ko
"Pero sabihin mo yung na-experience mo!" Usal ko na naman.
"Please??!" Pagpipilit ko sakanya.
"Ok fine!"usal nya kaya umayos ako ng upo at deretsyong nakatingin sakanya na ikinagulat na naman nya.
"B-bakit g-ganyan ka tumingin saakin?" Utal na tanong nya nilayo nya pa saakin ng konte ang mukha nya na parang napaka-dumi ko.
"Bakit?anong masama?"inosenteng tanong habang nakabukaka ng konte ang binti ko at naka palumbaba at nakapatung ang isa kong siko sa tuhod ko.
"Dali mag kwento ka, umpisahan natin sa anong niluto nyo ni austine??!"excited na tanong ko sakanya habang nakatingin sa mukha nya na parang naiilang.
'Anong problema nitong lalaking to?kahit kailan talaga para syang babae!'
"Ano na?? Kwento naghihintay ang boss mo!" Usal ko at mahinang sinuntok ang balikat nya na bahagya nyang ikinatabingin.
"B-basic lang naman yung niluto ko!" Pagsasalita nya
"Ano naman yun?" Tanong ko
"Cream of mushroom soup-" usal nya.
"Bakit yun?"tanong ko na naman.
"Alam ko kasing yun ang pinapractice mo kaya yun na rin ang niluto ko!" Usal nya. Nagtaka ako kung paano nya nalaman yun nagisip ako sandali at ng maka-isip ay baka nagtanong sya sa teacher.
BINABASA MO ANG
ISA LANG BANG PANAGINIP
أدب المراهقينDati crush mo lang sya pero habang tumatagal higit pa ang nararamdaman mo sakanya what if mapunta sa puntong mahal mo na sya. Hanggang sa dumating ang panahong nalaman mong may gusto na rin pala sya sayo. Pero naisip mo bang baka pinagtitripan ka la...