CHAPTER 36

2 0 0
                                    

Abby's pov:

Usapan pa rin ang nangyari sa contest at ang nangyari kanina,napapabuntong hininga nalang ako dahil sa matinding pangyayari,medyo wala ang utak ko ngayon dahil sa super hotseat ni Niana kanina, lahat kami ay tahimik sa klase pero nag-uusap rin naman,maliban kay jessie na kanina pa wala'ng kibo,siguro ay hindi pa rin sya maka-move on, alam ko'ng nainis sya kanina dahil nasa tabi nya lang ako.

"Sana maging okay na sya agad!"

"Baka mamaya,na-truama 'yun!"

"Panigurado!"

Nag-uusap pa rin sila Chrise at Rennlyn sa posible'ng kalagayan ni Niana ngayon maski ako nag-aalala.

"Oh,nasan ang loser nyo'ng kaibigan?"

Napatingin ako sa gilid ng upuan ko at kita ko si kelly habang naka-crossarm. Ano na naman ba'ng palabas ang gagawin nito?

Wala'ng pumansin sakanya kahit isa samin,dahil panigurado'ng mang-aasar na naman yan,kapag nagsalita pa sya ng kung anu-ano malilintikan sya sa'kin,makakatikim sya ng massage sa buo nya'ng pagmumukha.

"Nakakahiya talaga 'yun!"

"Hah,sinabi mo pa,kung ako yun,gagamitin ko ang super slap ko,hindi man lang nya inisip na for academy ang gagawin nya at hindi naman sakanya!"

"Malilintikan talaga sa'kin yun,dapat hindi na lang yun sumali,nakakainis!"

"Hoy,edi sana ikaw  nalang para maging famous ka" rinig ko ngunit hindi ko 'yun nilingon,kilala ko ang boses nya kaya nairita ako. But may side na pinipigilan ang irita ko,i don't know why.

"Oo nga sana,dapat ako pero nahihiya ako!"

"Eh,sira pala utak mo eh,nagsasalita ka ng ganyan nahihiya ka pala,buti pa sa pakikipag-chismis kumakapal ang mukha mo!" Usal na namam nya kaya hindi ko na napigilang lingunin sya at malaman kung bakit sya ganun magsalita.

Mula sa unang raw,kita ko ang nakatayo at nakapamewang na kelly sa harap ng isa'ng classmate namin na nakaupo. Nakakapagtaka lang dahil ganyanin na lang nya ang isa nami'ng classmate. Gusto ko'ng isipin na pinagtatangol nya si Niana sa mga sinasabi nila pero,baka ginagawa nya lang yan para mapansin lang sya.

"Ang harsh mo naman!"

"Eh bakit ba,ya'ng sinasabi hindi ba harsh?at isa pa,ang hilig mo'ng pag-usapan ang tao kapag wala pero pag andyan naman sa paligid para kang maamong aso na lalapit sakanya,tsk tsk plastic!"

"Hoy,sumusobra ka na!"

Agad na tumayo ang kausap ni Kelly at pinantayan sya, wala naman ako'ng magawa kundi ang panuorin sila at halos ng nasa loob ng room ay nakatingin lang sakanila,ang iba pa ay nagvi-video na.

"Ano'ng nangyayari?" Tanong ni chrise

Hindi ko sya sinagot at hinanap sa paligid si shanelly,pero wala sya dito sa loob at panigurado nasa SSG office sya ngayon.

"Awatin mo!" Utos sakin ni Rennlyn

"Hah,why me?!"napaturo pa ako sa sarili ko dahil sakanya.

Bakit ako ang tinuturo nito?ayaw ko'ng makisali dyan noh.

"Hindi mo ako kaya,utak palang wala'ng wala ka na.!"taas kilay na usal ni Kelly habang nakatitig sa mukha ni jane.

"Akala mo matatakot mo ako dyan?pwes mali ka dahil kaya'ng kaya kita!"

"Go ahead,let see kung kaya mo nga ba ako'ng talaga!"

"Hmp,napaka-concern mo naman kay Niana,hindi ka naman nya kaibigan,hindi mo naman sya kaibigan at isa pa makapag salita ka para'ng wala ka'ng sinabi at ginawa sakanya ng kung anu-ano!" Jane

ISA LANG BANG PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon