CHAPTER 35

1 0 0
                                    

Niana's pov:

Lutang ako'ng pinupunasan ang mukha ko habang sila jessie at Rennlyn ay tumutulong sa pag-tanggal ng itlog,kamatis at karina sa uniform ko. Nangmatapos ko'ng mapunas ang mukha ko tinitigan ko ang mga tissue sa trash can sa gilid ko at yumuko.

"Niana,ok ka lang ba talaga?"

Nilingon ko si Abby na nakaluhod ngayon sa harap ko at sinisilip ang mukha kong nakayuko. Hanggang ngayon ang bigay ng dibdib ko at naaalala pa rin ang mga sinabi ni Krizzle sa'kin,iniisip ko rin kung ano nga ba'ng problema nya sa'kin at ganun nalang sila kagalit saakin,wala ako'ng maintindihan maski isa sa mga sinasabi nila mula pagpasok ko ng academy na ito.

"Niane,sumagit ka naman!" Nagmamakaawang usal ni abby habang nakahawak sa dalawang tuhod ko ay marahang niyuyogyog dahilan para mapatingin ako sakanya.

Nalilito ako at hindi ko na kaya'ng magisip dahil sa kakaiyak ko,nakikita ko sa mga mata nya ang pag-aalala at mas tinitigan ko pa 'yun hanggang sa bigla nya'ng inalis ang paningin nya sa'kin. Pinakiramdaman ko ang bawat kilos nya pero hindi ko yin pinahalata.

"Bakit ganito?" Mahina ko'ng sabi,gusto kong magtanong ng magtanong dahil punong puno na ng tanong ang isip ko.

"Ano ba'ng nangyayari?" Napahinto ako sa pagsasalita ng magsimula na naman ako'ng humikbi.

"Ano'ng problema sa'kin?" Hindi ko maiwasa'ng hawakan si abby sa kamay na nakaluhod pa rin sa harap ko.

"B-bakit g-ganun sila?"

Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko at hikbi ng hikbi dahil sa nararamdaman ko, sobra'ng bigat nito'ng nasaloob ko ngayon dahil wala ako'ng mahanap na sagot sa mga tanong ko.

Naipunas ko na lang ang likod ng palad ko sa mga mata'ng bumubuhos ng luha na bumababa sa pisngi ko. Patuloy ako sa paghikbi at nakatakip ang mga palad ko sa mata ko,sinusubukan ko'ng harangin ang mga luha dahil ayaw ko ng umiyak. Ilang beses ako'ng nagpakawala ng malalim na buntong hininga para kahit papaano ay maalis ang bigat pero kahit ilang beses ko'ng gawin yun wala pa ri'ng nagbabago sa bigat na nararamdaman ko.

"Niana,t-tama na please!" Pagmamakaawa ni abby ngunit kahit na ano'ng gawin ko hindi magawa ng mata ko na tumigil sa pag-luha kahit na tinutulungan na ito ng mga palad ko.

"H-h-hin....di...k-k-ko..k-kaya!" Mas lalo ako'ng naiyak dahil sa pagsasalita ko.

Naramdaman ko ang mga kamay na humagod sa likod ko dahilan na naman ng masmatindi'ng pag-iyak ko. Sa ganito'ng ginagawa nila nalaman ko'ng napaka-hina ko talaga, sa isang paghagod lang sa likod ko mas lumalambot ako at nahiging mas iyakin. Paano ba maging malakas?

"S-sorry Niana,hindi ka namin naprotektahan!" Ani Jessie.

"Tama na,wala ka'ng dapat ika-iyak,dahil wala ka'ng kasalanan" ani Rennlyn na nakayakap saakin,ramdam ko ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso nya na nararamdaman ng katawan ko.

Wala ako'ng dapat ika-iyak?bakit?paano?ano ang dahilan? Hindi naman sila ang nasasaktan ng ganito. Hindi sila ang nakatanggap ng mga salitang masasakit kanina,hindi nila alam ang nararamdaman ko ngayon dahil hindi naman sila ang nasa posisyon ko ngayon. Madali lang sakanila'ng sabihin na,wala ako'ng dapat ikaiyak,madali lang nila'ng sabihin na wala ako'ng kasalanan. Ang dali lang bila'ng sabihin yan na para'ng alam nila ang dahilan,alam nila ang lahat ng nangyayari sa'kin.

Ngayon,sa mga sinasabi nila may isa ako'ng nahalaga'ng tanong.

'May alam ba kayo?'

Dahil sa tanong na nabuo sa isip ko,gumalaw ang buo kung katawan para dahan-dahan sila'ng ilayo sa'kin.

ISA LANG BANG PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon